Bago Revelations Eucharist Sa

Ang Papa Francis na Pinili ng Diyos

Agosto 7,2013 – 11:45 ng Umaga

 

Ang Banal na Ina: Mahal kong Lucia,

 

Ngayon umaga, tumanggap ka ng mensahe nanggaling sa Diyos.

 

Mayroon din akong mensahe sa mga tao na iyong ipinagdarasal at lahat ng tao dumating upang ipagdiwang ang “Pista ng Assumption.”

 

Mahal kong mga anak,

 

Dito sa lupa, ang buhay ng bawat tao, mayroon paghihirap, mayroon pag-aalala at mayroon- sakit sa kaluluwa, at sakit sa katawan.

 

Nakita ko at naunawaan ang lahat na nangyari sa buhay ng bawat tao sa lupa.

 

Sa dahilan ito, gusto kong dumating upang paalalahanan kayo. Gusto kong makilala at makita ninyo ang akin malasakit na nanggaling sa langit, na siyang dahilan para ako dumating at bisitahin kayo sa maraming lugar.

 

Ang mga bagay na dapat kong gawin para sa inyo, ay ginawa ko para sa inyo.

 

Nakita ko ang panganib sa inyong espiritwal na buhay, dahil sa mga tukso sa lupa.

 

Si Lucia ay nagdasal alang-alang sa bawat isa, noong mga araw ng pagpupulong ng bawat tao sa lupa.

 

Kayo ay lubos na nakilahok sa materya sa araw-araw na buhay at dahil kayo ay nahahalina sa mga tukso sa lupa, ginagawa ninyo ang mga bagay na hindi kayo nag-iisip. Mayroon kayong karapatan mamili at makita ang tama at mali subalit sa pang-araw-araw na buhay, mayroon mga bagay na ginagawa ninyo na hindi ninyo binigyan ng pansin sa inyong bughi.

 

Mayroon mga bagay na dapat ninyong tinanggihan na gawin subalit pinili ninyong gawin dahil sa kahinaan ng inyong pananalig, marami kayong nagawang kamalian at mga pasakit. Ang mga bagay na gusto ninyong gawin, hindi ito nagbibigay ng pakinabang, hindi nagbibigay ng kapayapaan, hindi kayo inililigtas, at pinili pa rin ninyong gawin ang mga bagay.

 

Nakita ko ang kahinaan ng tao. Nakikita  ko na mahina ang tao. Hindi madali sa tao na tumayo sa kanilang sarili.

 

Kaya palagi ko kayong protektado. Ako ay palaging nasa inyong tabi upang paalalahanan kayo.

 

Kailangan hanapin ninyo ang Diyos at dumating upang makatagpo siya.

 

Kailangan gumawa kayo ng paraan para makatagpo ang Diyos.

 

Kailangan matuto kayo kung papaano ipagkait ang inyong sarili, ang inyong ego o makasarili, sa sarap ng laman, para  hanapin ninyo  ang manga bagay na matuwid, upang sundin ang mga utos ng Diyos ng

mga tao at upang makita ang pasensiya at pagbibitiw sa inyong buhay, upang makiisa ang inyong sarili sa mga bagay na inyong nakita, sa pamamagitan sa buhay na ang Diyos ay nabuhay sa lupa, magmula noong umpisa pa lamang.

 

Siya ang Diyos. Siya ang Hari ng Uniberso.

 

Subalit tinanggap niyang maging anak lalaki, dumating sa lupa, magtiis sa paghihirap, magtiis sa pahirap na ginawa sa kanyang katawan, bilang akin anak.

 

Makikita ninyo ang walang hanggan pag-ibig sa inyo ng Diyos, ang kanyang mga ginawa para sa inyo. Ang pag-ibig na hindi limitado. Ang pag-ibig na nakahihigit sa lahat ng sitwasyons, lahat ng pasakit, bumababa siya sa lupa upang maging tao, upang tanggapin ang lahat ng hirap, maranasan ang lahat sa buhay ng tao, maranasan ang pananakit at kalungkutan.

 

Tinuruan kayo.

 

Iniwan niya ang kanyang itinuro sa inyo.

 

Ako ay nakikiisa sa Diyos upang magampanan ang misyon nanggaling sa Diyos Ama, na itinalaga sa akin at sa kanyang anak.

 

Noong iniwan ko ang mundo, nakita ko ang lahat ng pagkakasala na ginawa ng tao, pinawalang bahala ang halaga ng espiritwal na buhay at ng kanilang kaluluwa. Mahalaga sa akin ang epiritwal na buhay at ang akin kaluluwa sa lupa at gusto kong makilala ninyo ang mga bagay na kailangan sa inyong buhay.

 

Kailangan mabuhay kayo ng matuwid sa buhay. Kailangan lumapiit kayo sa Diyos. Kailangan kayong maniwala sa Diyos. Kailangan sundin ninyo ang mga turo at makita ang bunga ng kanyang itinuro sa inyong buhay.

 

Kailangan kayong magtiis. Kailangan kayong magpasensiya. Kailangan mapagpatawad kayo. Kailangan ninyo ang kanyang biyaya. Kailangan ninyo ang kanyang basbas, para makakilos kayo sa gabay ng Banal

na Espiritu.

 

Napakaraming tukso sa mundo, kaya kailangan tayong lumapit sa Diyos, sa pamamagitan ng kanyang paanyaya sa mundo.

 

Kailangan kayong lumapit sa kanyang Banal na Awa. Kailangan kayong maniwala sa kanyang Banal na Awa.

 

Kailangan kayong maniwala sa kanyang mga turo, sa bawat pamilya, sa bawat tao, at para tumanggap kayo ng kanyang biyaya.

 

Inaanyayahan ko ang bawat isa sa mundo.

 

Mayroon kayong grupo ng pagpupulong, at pinag-uusapan ang Pista, at mga diskurso nanggaling sa pari.

 

Ang buhay ng mga pari ay inilaan sa katotohanan, dinadala sa inyo ang pang-unawa ng buhay na kailangan ninyong malaman, para lumapit kayo sa Diyos, mabuhay sa katotohanan. Kailangan ninyong magsanay na magkaroon ng basihan ang buhay sa katotohanan at kailangan ninyo malaman ito.

 

Ako ay palaging nasa inyong tabi upang palakasin kayo. Ako ay palaging nasa inyong tabi upang gabayan kayo sa inyong pagkukulang.

 

Tinuturuan ko kayong magpasensiya at tumiwalag sa pakikiharap sa pagsubok sa inyong buhay. Ang bawat isa ay naghihirap at nakakaranas ng walang katarungan sa buhay subalit kailangan ninyong magkaroon ng pananalig sa inyong pagsubok, kailangan ninyong maniwala sa Diyos, at kailangan ninyong ialay ang lahat at kailangan ninyong magtiwala.

 

Ako ay palaging handa, naghihintay sa inyo, na tulungan kayo lumakad sa yugto ng inyong buhay, sa mga kapighatian o tribulasyon, sa mga paghihirap, sa mga sitwasyon ng bawat tao na harapin ng personal.

 

Lahat ng nangyari sa iyo, alam ng Diyos ang lahat. Ang Diyos nakikita ang lahat. Ang Diyos ang may kapangyarihan. Ang Diyos nauunawaan ang lahat. Ang Diyos ang tagapaglikha ng buong mundo. Ang Diyos ang nagbigay ng buhay.

 

Sinabi   ko ang bagay na ito sa maraming pagsisiwalat, sa maraming panahon, sa mundo. Nagpatuloy at nagpatuloy akong paalalahanan kayo. Ako ay gumawa ng maraming milagro para sa inyo, ginamot ang maraming sakit sa lupa at sa mga lugar na narito ako at mga lugar na tinatanong ko kayo na bisitahin ninyo. Ang inyong pagdarasal ay pagalingin ang mga sakit, ang inyong pagdarasal pagalingin kung ano ang inyong ipinagdasal. Ako ay madalas magbigay ng pabor sa inyo.

 

Sana sa mga yugto ng inyong buhay, magkaroon kayo ng pagkakataon na makilala ang bawat isa at makita ang kailangan ng bawat isa. Makiisa sa espiritu ng pag-ibig, magdasal sa isat-isa, magtulungan sa isat-isa, sa kabutihan ng iyong kakayahan.

 

Ipakita ang pag-ibig na gusto ng Diyos na makita sa inyong buhay, kumikilos na mapagkawanggawa. Ipakita ang inyong pananalig sa paghahanap sa Diyos, nagsasanay magturo sa daan hinahanap ang katotohanan.

 

Ang bawat isa ay mayroon paghihirap sa kanilang buhay at lahat ng bagay na pinili ng Diyos sa inyo ay kanyang plano. Hindi niya kayo binibigyan ng krus na sobra ang bigat dalhin.

 

Nakikita ko at gusto kong tumingin ng mas malayo, at makaunawa ng malalim.

 

Ang Diyos dinala ang bigat ng inyong atang sa kanyang sarili. Ang Diyos tinanggap sa kanyang sarili ang lahat ng atin mga kasalanan. Tinanggap niya ang lahat ng kasalanan ng tao. Namatay siya sa krus ng dahil sa kanyang pagmamahal sa atin. Lahat ng kanyang ginawa ay para sa atin.

 

Lumapit kayo sa Diyos. Magtiwala sa Diyos.

 

Magsanay sa mga bagay na gusto ng Diyos kasama ang kanyang itinuro, para sa kaluluwa, para magkaroon kayo ng kapayapaan sa inyong katawan, sa inyong kaluluwa, sa inyong budhi. Iyan ang gusto ng Diyos na ibigay sa inyo, ang kanyang hangarin ibigay sa mundo sa bawat panahon.

 

Ako ay palaging nasa inyong tabi at pinaaalala ko sa inyo. Nakikita ko ang mga kasalanan na inyong nagawa at ito ay lumalala. Kung hindi kayo titigil sa paggawa ng kasalanan, pagkatapos matatapos na kailangan ninyo bayaran ang lahat ng inyong kasalanan, kung patuloy kayong lumalakad sa daan ng kasalanan, ginagawa ang maraming- marami at maraming kasamaan.

 

Ang mga tao sa henerasyon ngayon ay naligaw na nanggaling sa batas ng simbahan, sinuway nila ang utos ng Diyos at kumikilos sila ng walang budhi.

 

Patuloy silang pumapatay, patuloy silang pinahihirapan ang iba sa pisiko at pag-iisip, nililinlang ang iba, ang dahilan na sinaktan ang espiritwal na buhay ng iba. Ito ang nakakatakot na pananakot sa lipunan ngayon.

 

Nakikita ko ang mga musmos na bata, mga bata dumating sa edad na nakakapag-isip sa kanilang sarili. ##, mga kabataan, young adult, mga matatandang tao, sila ay nasasakop sa masaklap na sitwasyon at sila nalilinlang ng sopistikadong paraan sa lipunan ngayon at nabubulag sila.

 

Ang tao hindi iniisip na ang” venial” na kasalanan na kanilang ginawa ay puwedeng maging” mortal” na kasalanan kaya patuloy silang nagkakasala, sa punto na hindi na nila nakikilala kung ano ang ginagawang nilang kasalanan.

 

Kung patungo kayo sa ganitong direksiyon, lubos na inilalayo ang inyong sarili sa Diyos, wala na kayong pananalig at patuloy kayong nabubuhay sa kayabangan, nagyayabang, ipinagmamalaki ang kanyang talent o kakayahan, magwawakas na mayroon kayong pera at kasikatan na siyang naging Diyos ninyo.

 

Hindi na kayo sumusunod sa utos ng Diyos. Hindi na kayo sumusunod sa batas. Hindi na kayo nakikinig sa kanyang paanyaya. Hindi na kayo nakikinig sa kanyang paalala.

 

Saan na kayo pupunta sa susunod kung hindi na ninyo makita ang daan sa katotohanan, lahat ng nagawa ni Hesus  Kristo para sa inyo?

 

Nabuhay siya sa daan na makilala ang kanyang pag-ibig at naghihintay, nag-aanyaya sa bawat isa na lumapit sila sa kanya, at para sa kanya patawarin ang inyong kasalanan.

 

Sa dahilan ito, sinubukan kong tumingin ng malalim sa akin sariling buhay.

 

Ano ang inyong kailangan? Ano ang gusto ninyo? Mayroon bang paraan ng pag-iisip na magbibigay ng kapayapaan, katotohanan at kaligayahan sa inyong buhay?

 

Bukod sa Diyos, wala sino man ang makapagbibigay ng kapayapaan, katotohanan at kaligayahan. Bukod sa akin ###, wala sino man makapagbibigay ng kapayapaan, katotohanan at kaligayahan, para sa inyong kaluluwa, sa inyong katawan at sa inyong budhi. Ang Diyos lamang ang makapagbibigay ng kapayapaan. Ako ang Diyos sa inyong tabi, namamagitan sa Diyos para sa inyo, para magkaroon kayo ng kapayapaan nanggaling sa Diyos.

 

Kilalanin ninyo ang walang katumbas na halaga ng espiritwal na buhay. Kilalanin ang walang katumbas na halaga ng atin katawan, ng iyong isipan, sa mga araw na ikaw ay buhay, ang regalo nanggaling sa Diyos, para makapagsalita kayo, makangiti, magawa ang mga bagay na gusto niyang gawin ninyo habang kayo ay buhay. Ang mabuti ninyong ginagawa habang buhay kayo, magbibigay ng pakinabang sa iyong espiritwal sa buhay, sa inyong kaluluwa na tumanggap ng biyaya sa Diyos, at kung ano ang ginawa ng Diyos sa bawat kaluluwa ay napakabuti, ito ay sa langit kung saan siya ay naghihintay sa bawat kaluluwa.

 

Ang kanyang Dugo ang tumubos sa inyo, subalit nanatili kayong nakalibing sa ilalim ng kasalanan, nakalubog sa malalim na kadiliman dahil sa inyong ego, dahil sa iyong kapusukan o passion sa lupa.

 

Nabubuhay ka sa kasalanan, sinasaktan ang kaluluwa, naging dahilan ang inyong kaluluwa natutuyo, malamig o walang pakialam, malamig, matigas. Hindi na kayo naniniwala sa Kataas-taasang Tao. Hindi ka na

naniniwala sa Diyos. Hindi kana naniniwala sa magandang regalo na ibinigay ng Diyos sa iyo at sa mundo.

 

Tinatawagan ko ang buong mundo.

 

Magbalik kayo sa Diyos.

 

Kailangan humingi kayo ng tawad sa lahat ng iyong kasalanan na nagawa, sa mga walang katarungan na inyong nagawa sa kapatid na lalaki, sa mga kalupitan na iyong ginawa sa isat-isa.

 

Kailangan  tanggapin ninyo ang tribulation o kapighatian ng katapusan ng mundo, kung gusto ng Diyos na maglikha ng bagong mundo, at kung hindi ka handa ang iyong espiritwal na buhay, pagkatapos maghihirap ka ng lubos sa araw ng tribulation.

 

Ikaw ay magagambala sa pananakot ng sitwasyon, mga hindi inaasahan pangyayari, mga sakuna, mga tribulation o kapighatian, mga natural na kalamidad, mga baha at iba pang pangyayari sa katapusan ng panahon.

 

Ang batas ng kalikasan o nature ay hindi magbabago.

 

Nabubuhay kayo sa katapusan ng daigdig, ang panahon na ang Diyos ay nagbigay ng bastanteng biyaya.

 

Natutuhan ninyo kung papaano tanggalin sa inyong sarili ang kasalanan, piliin ang tamang daan, para makatagpo ang Diyos ang inyong kaluluwa dahil hindi ninyo alam kung kayo ay makakaligtas sa tribulation o kapighatian at manatiling buhay o hindi pagkatapos.

 

Lahat ng iyong pag-aari, salapi, katanyagan, paano ang iyong pag-aari makakatulong sa inyo, kapag ang kaluluwa ninyo ay nakaharap sa Diyos? Paano kayo magbabayad para sa inyong kaluluwa? Ano ang mabuting trabaho na maipakikita ninyo sa iyong buhay?

 

Kailangan bigyan ninyo ng oras na mag-isip kung ano ang mahalaga sa inyong buhay at kung ano ang kayang  niyang gawin, sa mga paalala kong salita.

 

Ang mga taong may kaya, ang mga tao maginhawa at mayaman na binigyan ng Diyos ng biyaya, gamitin ang regalo na gawin ang mga bagay na dapat gawin.

 

Magbigay o tumulong kayo ng marami, marami rin ang inyong matatanggap.

 

Kailangan tulungan ninyo ang mga mahihirap sa lupa. Ang mga taong nangangailangan ng pagkain, at nagnanais na mayroon silang libro na tutulong sa kanilang matuto ng salita ng Diyos subalit wala silang pagkakataon na hanapin ang Diyos at mabatid ang ukol sa Diyos. Napakaraming lugar, maraming tao, sa bawat bansa na nangangailangan ng resources upang makita ang katotohanan. Hinahanap nila ana Diyos, katulad natin, subalit kulang sila ng pagkakataon at katayuan, habang may pagkakataon at katayuan tulungan ang mga kapatid na lalaki. Hinahangad ko sa inyong lahat na magkaroon ng mapagmahal na puso katulad ng pagmamahal ng Diyos sa inyo, anyayahan ang kapatid na lalaki sa paraan na inaanyayahan kayo at tulungan ang kapatid na lalaki sa kanilang pangangailangan. Lalo na sa kanilang espiritwal na buhay, matagpuan ang Diyos at tulungan sila sa pang-araw-araw na buhay, ang mahihirap na nangangailangan ng suporta ng taong makakatulong sa kanila.

 

Lumapit sa Diyos.

 

Buksan ng malawak ang inyong puso para tanggapin ninyo ang akin mensahe, para mag-umpisa kayong mabuhay na may pag-ibig, para sa inyo magkaroon ng kahulugan ang inyong buhay, para mabuhay kayo ng lubos na mayroon kahulugan.

 

Lahat ng bagay sa mundo, ang talino at yaman, lahat ng ito ay walang halaga sa kaluluwa. Gamitin ang inyong talino at yaman na gumawa ng makahulugan bagay sa kaluluwa.

 

Mabuhay, ipagkatiwala ang inyong kaluluwa sa Diyos, makilala ang Diyos at magbalik sa Diyos. Maraming mga bagay na gusto kong sabihin sa mundo, sa pagpupulong ninyo na dumadalo kayo. Sa mga tao na dumating nagdarasal sa pansaring pagsubok, sasagutin ko ang dasal ng bawat isa. Hinahangad ko na dumating kayo na may pusong hinahanap ako, nagdarasal na humingi ng tulong sa akin. Sasagutin ko ang bawat isang dasal ayon sa pangangailangan ng bawat tao.

 

Natuto akong maging karapat-dapat na mag-evangelize sa mga bagay na alam ninyo, mga narinig para ang kapatid na lalaki at babae ay makatanggap ng biyaya nanggaling sa Diyos, tanggapin ang akin mensahe at tumanggap ng biyaya na akin ibinigay sa kanila.

 

Mahal kong mga anak,

 

Napakaraming bagay na gusto kong sabihin sa iyo.

 

Hinahangad kong magkasama-sama kayo sa darating na araw. Mayroon pagbabago na aalugin ang inyong pananampalataya, na mga kaguluhan sa mundo. Mayroon mga pangyayari na maguguluhan kayo, kasama ang mga tao nagtatrabaho sa simbahan.

 

Ang mga tao nagtatrabaho sa evangelization o magbagong loob at lahat ng tumatanggap ng kanilang itinuro nanggaling sa simbahan, kailangan bigyan ninyo ng pansin ang senyas, at kailangan bigyan ninyo ng pansin ang inyong pamumuhay sa Diyos, kailangan makilala ninyo na nanggaling sa inyong puso ang senyas ng henerasyon ito.

 

Doon mayroon totoo at doon mayroon kasinungalingan. Gusto kong makilala ninyo ang mga bagay na totoo at mga bagay na mali.

 

Kailangan kayong lumapit sa Diyos ng buong puso at lubos na nagtitiwala sa Banal na Eukaristiya. Kailangan bigyan ninyo ng oras na maglaan na dumalaw kayo sa Banal na Eukaristiya, magdasal sa Diyos na tulungan kayo makilala, at tulungan kayo makita. Palagi ninyong pinagpipitagan ang Banal na Eukaristiya. Ang Diyos ay narito sa Banal na Eukaristiya, nakikinig sa inyong dalangin. Hinahangad ko sa bawat isa, sa lahat ng laity, sa lahat ng ranggo sa lipunan, na magdasal sila sa Diyos. Ito ang biyaya sa katapusan ng mundo.

 

Ang Diyos ay dumarating sa Banal na Eukaristiya. Ang Diyos ay dumarating na mayroon biyaya. Ang Diyos ay dumarating upang palakasin ang pananalig ng tao. Dumalo kayo sa Banal na Eukaristiya. Pinagpipitagan ninyo ang Banal na Eukaristiya. Naglalaan kayo ng oras na magdasal sa Banal na Eukarsitiya. Ang milagro na inyong nakita sa daan taon ito, ay babala, ang pagsisiwalat, na ito ay nanggaling sa Banal na Eukaristiya.

 

Sa dahilan ito, kailangan ninyong maliwanag na maunawaan. Kayo ay dumating sa Banal na Eukristiya upang tanggapin at kasama ang pananalig, tatanggap kayo ng kasagutan nanggaling sa Diyos, sa inyong puso, kasama ang mensahe ng Diyos na maririnig na nanggaling sa Diyos,  at sa akin, at upang ipakita  ang pagkakaiba ng mga bagay para sa Diyos at mga bagay na para sa tao.

 

Napakaraming bitag ngayon sa lupa, mga kaluluwa na sumasandal sa kanilang ego o makasarili, ang kaluluwa na walang alam, at walang pananalig.

 

Gusto ko kayong lahat na makinig sa Papa na kanyang pinili para sa inyo, ngayon katapusan ng daigdig. Ang paanyaya ng Papa ay paanyaya ng Diyos para sa inyo, sa pamamagitan ng Papa, sa inyong lahat, kailangan kayong magbalik.

 

Gusto ng Diyos na maghanda kayong lahat ang inyong katawan at ang inyong kaluluwa at magkaisa sa pag-ibig.

 

Ang Diyos inaanyayahan kayo, sa pamamagitan ng paanyaya nanggaling kay Papa Francis sa bawat isa sa inyo. Ito ang akin testimonyo sa mundo, na kilalanin ang Papa ng pinili ng Diyos para sa mundo. Ang Diyos binigyan ng bastanteng biyaya ang Papa. Ang Papa na pinili ng Diyos at ang biyaya ng Diyos ay darating sa pamamagitan ng Papa. Huwag kayong lumaban sa mga turo ng Papa. Pinaalalahanan ko kayo. Dahil mayroon pangyayari na matatakot kayo, at magduda kayo, kailangan ninyong kilalanin at makilala.

 

Ang Diyos itinatag ang simbahan magmula noong umpisa pa lamang Ako ay palaging narito upang protektahan ang aking simbahan, protektahan ang akin mga anak. Walang mangyayari sa simbahan bago dumating ang ikalawang pagbabalik. Kaya makinig kayo sa Papa na pinili ng Diyos para sa inyo. Ang biyaya ng Diyos ay nanggagaling sa Papa.

 

Makinig sa mga turo ng Papa para ang lahat ay magkaisa sa pag-ibig at patungo sa isang daan, para makapaghanda sa araw na dumating ang tribulation at mga pangyayari magaganap sa lupa.

 

Kung hindi kayo makikinig sa mga turo ng Papa, kung hindi kayo magbabalik sa buhay ng pananalig, kung hindi kayo magsasanay na umibig, kung hindi kayo magkakaisa,  darating ang paghihirap sa iyong sarili dahil ipinagkait ninyo ang totoo, at hindi ninyo nakilala ang matuwid na siyang gusto ng Diyos.

 

Magbalik kayo sa Diyos.

 

Makinig kayo sa salita ng Papa.

 

Makiisa kayo sa simbahan, upang ibalik ang mga kapatid na lalaki, para ang bawat isa ay tatanggap na kapatawaran at kaligtasan na ibinigay ng Diyos sa mga tao.

 

Ito ang akin mensahe sa mga pilgrims sa pagpupulong, ang mensahe na ibinigay kay Lucia. Nakikita ko na kayo ay natatakot. Lumapit kayo sa akin. Ipagpatuloy ang pagdarasal ng rosaryo. Gusto kong magsikap kayo sa espiritwal na buhay, ang buhay na akin ibinigay sa akin mga anak, sa nakaraan taon. Kayo ay mga anak ng Legion of Mary, nagkakaisa ang puso at nagdarasal. Magdasal ng rosaryo, at ialay ito sa Diyos Ama at hilingin ang kanyang mamagitan, humingi ng kanyang biyaya na pagalingin ang inyong sugat, pagalingin ang inyong kasalanan.

 

Kasama ang kapatid na lalaki at babae sa Legion of Mary, kailangan ninyong malaman ang mga bagay na dapat  gawin sa inyong espiritwal na buhay, sa inyong kaluluwa na maitaas sa Diyos.

 

Ngayon, ang Diyos ipinahahayag ang kanyang sarili, sa pamamagitan ng Banal na Eukristiya, na maglaan kayo ng oras na dumalaw sa Banal na Eukaristiya, sa araw-araw para magkaroon ng kapayapaan sa inyong kaluluwa at sa inyong katawan.

 

Magdasal ng madalas sa mga nangyayari sa simbahan, sa mga pari, sa laity, mga nangyayari sa mundo, sa pamahalaan, para mamagitan ang Diyos, para makilala ang tama o mali, mamili sa inyong sarili , magpasensiya, at tumiwalag, para pagkatapos  tatanggap kayo ng kaligtasas na nanggaling sa Diyos.

 

Ito ang akin mensahe na gusto ko ang lahat ng tao ay makarinig.

 

Sa mga lumipas na araw, kayo ay nalalapit sa katapusan ng mundo.

 

Kaya kung wala kayong mata ng pananampalataya, hindi kayo maniniwala at hindi ninyo makikilala ang mga bagay na nanggaling sa Diyos subalit kung nabubuhay kayo sa pananampalataya, pagkatapos makikilala ninyo ang mga bagay na nangyayari sa mundo.

 

Ito ang katotohanan.

 

Ito ay mensahe nanggaling sa Diyos, para makilala ang milagro ng Banal na Eukaristiya. Ang Diyos ay papalapit sa inyo sa pamamagitan ng milagro ng Diyos na ibinibigay sa inyo sa pamamagitan ng pagsisiwalat o revelation.

 

Pareho sa akin. Ako ay dumating sa inyo sa pamamagitan ng pagsisiwalat sa buong mundo at para sa lahat ng akin anak na makilala, magsanay at makinig sa akin mga turo.

 

Mayroon mga ibang propeta na nagtanong na maghanda, pisiko, sa isip, espiritwal. Ano man “pangyayari, magdasal ng madalas, palaging maniwala sa Diyos at huwag maligalig ang inyong pananampalaya.”

 

Magkaroon ng lubos na pananalig at pagtitiwala.

 

Kung mayroon kayong paniniwala, mayroon daan na lumalakad kayo, at palagi kayong gagabayan ng Banal na Espiritu, gagabayan kayo sa mga lugar na pupuntahan ninyo, gagabayan kayo sa mga trabaho na dapat ninyong gawin at magawang makinig sa mensahe nanggaling sa akin

 

Mayroon din propeta sa sasabihin sa inyong mag-save ukol sa pagkain,

maghanda sa darating na araw, maghanda sa mga lugar ng refuge o kanlungan at makita ninyo, inihanda ko ang mga ito para inyong malaman.

 

Ikalat ang balita para makapaghanda kayo sa darating na araw.

 

Ngayon gusto ko kayong maging saksi sa mga mensahe para sa mundo, kasama ang pagsisiwalat na nanggaling sa akin, sa lahat ng akin anak na maghanda mentally, pisiko at sa lahat ng akin anak sa mga mangyayri sa darating na araw, mga pangyayari na hindi maiiwasan.

 

Kailangan kayong magbalik sa Diyos. Kailangan kayong magbago. Kailangan iwasan ninyo ang kasalanan. Kailangan ihanda ang inyong sarili dahil hindi ninyo  alam ang mangyayari na hindi ninyo inaasahan. Kailangan magbalik kayo sa Diyos ng buong puso at ang inyong pananalig  at kailangan ipakita ninyo sa gawa, para maging tao kayo na mag-evangelize ng ibang tao kung ano ang narinig, kung ano ang nalaman, upang gagawin ninyo ang mga bagay sa paraan na gusto ko.

 

Lumapit kayo sa Banal na Awa ng Diyos. Lumapit kayo para makaharap ang Diyos sa Banal na Eukaristiya.

 

Talaga, kailangan kayong mabuhay sa buhay ayon sa mga turo ng simbahan. Bilang kristiyano kailangan ninyo ang gabay ng simbahan, para humarap sa mga bagay sa inyong buhay.

 

Kayo ay dumaring sa sakramento ng kumpisal upang makipagkasundo sa Diyos, upang maging karapat-dapat na tumanggap ng Katawan at Dugo ni Hesus, na nagpapakain ng ating kaluluwa, ng inyong katawan at ng inyong isip, para magkaroon kayo ng kapayapaan at maging banal.

 

Ang bawat isa sa inyo mararanasan ang saya, sa lahat ng bagay na kailangan ninyong matutuhan, kailangan lumapit kayo sa simbahan, upang gabayan at tulungan kayong maging karapat-dapat na kristiyano, bilang anak ng Diyos na sumusunod sa kanyang mga utos, ang mga utos na gusto ng Diyos atin sundin sa buhay ng bawat tao.

 

Ito ang akin mensahe sa inyo ngayon:

 

Hinahangad ko na makinig kayo sa akin mensahe, na masaling ang inyong kaluluwa, sa bawat isa sa inyo na makilala ang pagbabago na dapat ninyong gawin sa inyong buhay, sa paligid ng inyong tinitirhan, para mabuhay kayo sa paraan na nagdadala ng saya, nagdadala ng kapayapaan, nagbibigay ng ligaya, tunay na ligaya.

 

Ang Akin Kapayapaan ay Sumainyo.

 

Mahal ko kayo ng lubos.

 

Paalam Akin mga anak.

 

Pinagpalang Inang Maria

 

#  Ang mensahe ay ibinigay kay Lucia noong Marian Conference sa Missouri sa paghahanda na” Pista ng Assumption” Agosto 15. Ang ibang yugto ng mensahe ay tungkol sa pagdalo, subalit makabuluhan sa maraming tagapanood.

 

##  Iyan , ang edad ng pangangatwiran o “Age of Reason”, para sa lahat ginagawa ipinapalagay sa katapusan ng edad ng pitong taon ng bata, alam na nila ang tama at mali kungayon morally o etika responsible na sila. Kaya, ang sakramento ng Unang Kumpisal at Unang Communion generally ginagawa sa panahon na ito.

 

### Ang doktrina ng simbahan, Maria bilang Mediatrix ng lahat ng biyaya, ang ibig sabihin siya ay namamagitan sa bawat biyaya dumating sa atin na nanggaling sa Diyos; ibig sabihin, lahat ng biyaya ng Diyos nanggagaling sa kanya. Ito ang dahilan kaya sinabi niya ito.

www.nrtte.net

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

error: Content is protected !!