Bago Revelations Eucharist Sa

Ang mga Grasya na nanggaling sa Banal na Espirito

Ang mga  Grasya na nanggaling sa Banal na Espirito

Ang mensahe ay nanggaling sa inspirasyon ng Banal na Espirito kay L.

Oktubre 25,2015

L. Panginoong Diyos noong 7:06 ng hapon Linggo Oktubre 25,2015 sa simbahan ng Santa Teresa, sa harap ng altar at Krus. Nandoon kami sa harap ng Banal na Sakramento sa Kapilya malapit sa rebulto ng Mahal na Birhen karga si baby Jesus ang rebulto ng Our Lady of Carmel. Ngayon pagkagaling namin sa Charismatic center retreat, nagkaroon kami na pagkakataon na dumalo sa misa noong gabi  na siya ring unang araw ng huling linggo ng buwan ng pagrorosaryo. Nalulungkot ako dahil hindi kami  nakadalo sa prusisyon para kay Mother Mary ng dahil sa ulan,lagi kaming lumuluhod sa altar at iniaalay namin ang Anim na Pagyukod.

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa mga grasya ng Diyos ngayon sa mga nakaraang tatlong araw nakatanggap kami ng grasya na nanggaling sa Diyos Espirito Santo upang ibalik ang init sa buhay, ang apoy na tinatanggap namin ang Diyos Espirito Santo na nagbigay ng masayang papuri sa mga kapatid na lalaki at babae sa matahimik na araw sa isang lugar. Sa lumipat na tatlong araw ng retreat, maraming bagay ang ating hinaharap dahil tayo ay pioneers at tayo ay may kargo na tumistigo at magpaliwanag. Napakarami tayong dapat gawin,mga pagsubok lalo na sa harap ng mga kapatid na lalaki at babae na may kapareho ng ating wika (3).Ito ang pagkakataon para tayo ay kumilos na nanggaling sa puso at lumuhod sa Banal na Eukaristiya ng Diyos,hindi natin alam ang nangyayari subalit hindi tayo pwedeng manahimik lamang sa mga gawa ng Diyos, dahil binigyan tayo ng pagkakataon na makilala natin ang ginagawa ng Diyos sa bawat isa na binigyan tayo ng destino sa  mission.

Ngayon binigyan tayo ng pagkakataon na magsalita ukol sa ginagawa ng Diyos, mga grasya na ibinibigay ng Diyos na hindi para sa atin kundi para sa Diyos, upang makita natin ang lakas na nagkaroon tayo ng pagkakataon na tumistigo sa Diyos,isang tao tumitistigo sa lahat ng kahulugan ng Anim  na Pagyukod, isang tao para sa salita at kanta, hindi tayo manganganta at makakasulat ng kanta subalit sa grasya ng Diyos na nanggaling sa ating puso ay natutuhan nating magsalita upang itaas ang kanta na iniaalay sa Diyos na nanggaling sa puso na ipinagkaloob sa ating kapatid na lalaki at babae.Panginoong Diyos ito ay ginawa namin sa lumipas na panahon,lagi naming hinahanap ang Diyos Espirito Santo na lumapit siya sa atin para madama ang init na nagbibigay ng liwanag sa buhay at maniwala, mayroong pagsisikap para madama natin ang Diyos, makinig at maramdaman ang Espirito ng Diyos ngayon,hindi natin maihahambing ang nadarama natin sa nagdaang araw kapag itinaas natin ang Anim na Pagyukod sa Diyos.

Ngayon, iniaalay natin sa Diyos ang Unang Pagyukod. O Diyos Ama ang isang bagay na hindi natin makakalimutan ang laging sinasabi (4) na itaas natin sa Ama na mag paggalang na puso,sumasambang puso, at pinupuring puso at iginagalang ang Diyos, nagiisang Diyos na nagbibigay ng pag-asa, nagbigay ng ating buhay at lahat ng bagay na mayroon tayo.Ngayon buhay pa rin tayo narito sa mundo, nakakapunta tayo sa ibat-ibang lugar, at makikita natin ang lalaki at babae na nasa ating paligid. Huwag tayong matukso sa kasalanan, huwag tayong matukso sa mga kasalanan ng ginagawa ng tao at madapa sa buhay. Kahit ano pa tao pa rin tayo mayroon tayong kahinaan at kamalian, subalit hindi naman tayo criminal na nakakatakot at nahihiya sa buhay. Dahil sa immorlidad at kaguluhan sa mundo, maraming masama ang mangyayari sa gitna ng buhay, huwag tayong malunod sa masamang ikot ng buhay, sa mga tukso at sa mga masamang kilos ng katawan at kaluluwa.

O Panginoon Diyos, ang Diyos ay mahal tayo,para makita natin ang kanyang pagibig, kailangan tayo ay yumukod ng maraming beses sa Diyos, dapat matandaan natin at kailangan magpasalamat tayo sa Diyos na pinapayagan niya tayong maging anak. Ang Diyos ay  kumikilos ng matahimik, lagi niya tayong pinangangalagaan kesyo alam natin o hindi at binibigyan niya tayo ng grasya. Ang Diyos ay punong puno ng pag-ibig, siya ay nagbibigay ng Awa ( Devine Mercy ) ang Diyos ay metikuloso at laging nag-aalala dahil anak niya tayo.Sa unang yukod napakaraming aspect na hindi natin alam kung nanggaling sa puso ng Diyos, salamat sa grasya ng Diyos alam natin ang unang pagyukod ay iniaalay sa Diyos Ama na pinagpipitagan sa ating buhay, hind madaling maintindihan at malaman para sabihin natin sa kanya.Ito ang dahilan at nadadama natin ang saya alang – alang sa ating familya,sa mundo at sa mga taong walang alam at hindi naniniwala sa Diyos, alang alang sa mga makasalanan na nabubuhay sa immoralidad, nabubuhay na naghihimagsik. Lahat ng ito ay natatakpan ng ulap ngayon sa mundo, lahat ng katotohanan na hindi lamang para sa bawat tao kundi mayroon ding pangyayari at nangyari sa buhay na napiling papel na ang Diyos ay ginagamit ang salita para ikalat sa mundo.Sa katotohanan ang  ating kakulangan hind natin makikilala para itaas sa trono ng Diyos Ama na wala tayong masasabi kundi magpasalamat sa Unang Pagyukod sa Diyos Ama.

Iniaalay ko kay Jesus ang ikalawang pagyukod. Panginoong Diyos Ama  iniaalay ko ang aking anak na si Jesus na ating sinasamba para makilala at makita ang katotohanan, para makinig sa kanyang boses at para maunawaan ang kahulugan na mayroong Jesus. Siya ay namatay ng dahil sa atin.Bumalik siya at nagkatawang tao. Ang storya ay iniwan sa atin na natatakpan ng ulap sa mundo na ang Diyos ay nagpakumbaba at nagdaan sa hirap, pinako sa Krus, namatay na dala ang pangalan Jesus.Ang kanyang pangalan walang  hindi nakakaalam dahil siya ang nagligtas sa tao sa kasalanan. Si Jesus ay manunubos. Siya ang nagbigay ng pag-asa at ilaw, buhay siya at kasama natin, tayo ay magpasalamat ng buong puso at igalang natin ang kanyang pangalan Jesus.Siya ay nasa ulap ng mundo dahil sa kanya,sa kanya at siya ay naririto tayo sa mundo na may buong grasya.Ito ay nanggaling sa kanya na nagbigay ng pag-asa at ng dahil sa kanya ngayon ay alam natin ang  ating dapat gawin, itaas sa Diyos ang ikalawng Pagyukod   na nakayuko para makilala natin ang doktrina ni Jesus ang kaisa-isang anak ng Diyos Ama na ipinagkaloob sa mundo.

Ang ikalawang Pagyukod,alang alang sa aking mga kapatid na lalaki at babae sa buong mundo na hindi nila nakikilala si Jesus at hindi naniniwala; ang mga taong naniniwala at nakakaalam na nabubuhay sa makasalanang buhay. Hindi nila nakikilala ang grasya, ang God’ Devine Mercy ang awa ng Diyos, hindi nila nakikilala ang tagapagligtas na nangangailangan ng boses (6)  na ang mga tao ay dapat magbalik. Nagpapasalamat na puso, iniaalay natin kay Jesus ang Ikalawang Pagyukod; sa pasasalamat sa pagibig na ipingkaloob sa atin, mga maraming grasya sa susunod na pagyukod sa mundo,para makapagsalita tayo, magsanay na may pakiramdam na galing sa puso na nakayuko at para itaas ang salita sa Diyos na may kahulugan ng anim na Pagyukod.

O Panginoong Diyos Espirito Santo,kami ay nagpapasalamat sa grasya ng Ikatlong Pagyukod. Gusto naming itaas sa Diyos ang Banal na  pangalan ng Tatlong Katauhan ng Diyos. Nalaman namin ang misteryo ng Tatlong Katauhan pagkatapos naming ialay ang unag pagyukod, ikalawang pagyukod at ang ikatlo ay para sa Banal na Diyos Espirito Santo.Natanggap namin ang grasya ng Diyos Espirito Santo noong nakaraang araw; inilulubog ng Diyos Espirito Santo na nagaapoy ng maraming grasya ng dahil sa nagdaang buwan at taon, na maraming grasya ng dahil sa nagdaang buwan at taon.Tayo ay masaya at maligaya  kapag siya ay nasa atin. Lagi siyang nasa ating tabi,masaya, siya ang pag-asa , ang pag-ibig ang buhay at ilaw ng ating kaluluwa. Marahil sa dami ng gambala at ano pa mang bagay sa ating buhay hindi tayo maliwanag kapag hindi tayo kalmante,wala tayong katahimikan at hindi natin naririnig ang boses ng Diyos Espirito  Santo.

Ngayon mayroon tayong pagkakataon na makinig sa turo ni Jesus; at sa isang pagkakataon ay nakikita natin ang lahat ng aspect upang harapin at maranasan ang hirap ng buhay,ang hamon ng buhay ay ang ating mission kapag nakaharap natin ang ating mga kapatid na lalaki at babae, lahat ng klase ng tao.Marami tayong kapatid na lalaki at babae na kasama natin na nangangailangan ng pagtitiis para matanggap nila ang pitong  regalo ng Banal na Espirito upang matutuhan nila ang magdasal, magtiis at magpasensiya . Marami pa tayong matutuhan sa pitong regalo ,tinuturuan tayo ng basics sa buhay  para maunawaan ang ating pangangailangan,kung ano pa gusto nating isuko,sa gitna ng tama o mali,sa gitna ng mabuti o masama. Marami ang mabuting bagay ang itinuro ng Banal na Espirito na dinadala tayo sa lugar na binibigyan tayo ng pagkakataon na maging saksi na Diyos,magsalita ng katotohanan na nanggaling sa puso  at hayaan natin na magkita ang Diyos sa pamamgitan ng Banal na Espirito pamamatnubay at nagbibigay ng liwanag.

Napakaraming mga elemento  na minana natin na ating pinabayaan; ngayon hindi  natin pwedeng  pabayaan at makilala sa oras na sambahin natin ang Diyos,kapag inilubog tayo sa grasya ng Banal na Espirito tayo ay punong- puno ng kaligayahan at katahimikan.Hindi natin maiwasan ang katotohanan na nagpapabigat sa katawan,kaluluwa kaya magtiwala tayo Banal na Espirito para maging matalino, at magkaroon ng maraming kaalaman,maging masipag at maraming alam sa buhay. Kapag mayroon tayong Banal na Esprito, huwag nating kalilimutan pasalamatan siya, huwag nating palagpasin ang mga bagay bagay at maging ugali na. Sana bigyan tayo ng pagkakataon na makilala ang Diyos; na lagi siyang nasa ating buhay bawat araw, bawat saglit kapag tayo ay may ginagawa; kapag nagsanay, kapag nakaharap na humadlang siya para matanggap natin ang kanyang turo at magawa ang bawat bagay.

Ang Diyos ang taong nag-aayos ng mga bagay-bagay at sumusunod sa banal na kagustuhan at patnubay ng Banal na Espirito. Hindi natin alam kung ano pa ang sasabihin bukod pa sa salitang salamat,papuri sa ngalan ng mga kapatid na lalaki at babae na nakakaalam,at hindi nakakaalam, para matuto tayo na mabuhay na nakalubog sa Banal naEspirito, masayang  Banal na Espirito, nakikinig sa turo ng Banal na  Espirito. Ito ang Ikatlong Pagyukod na iniaalay naming sa Banal na Diyos Espirito Santo; Kailangan natin siya dahil mahal niya tayo, siya ang pag-asa ang ilaw sa tamang daan. Ilubog natin ang ating sarili sa kanya habang panahon,makasama natin siya, para proteksiyunan tayo upang maging masaya at mabuhay na may biyaya katulad ng mga bagay na itinuro ng Banal na Espirito na ipinagkaloob sa gitna ng ating buhay. Kahit ano pa ang mangyari lumakad tayo sa kabanalan,sa grasya na nanggaling sa Banal na Espirito na nakatira sa atin at tinuturuan tayo.

Iniaalay naming ang Pang apat na Pagyukod sa Katawan at Dugo ni Kristo lalo na ngayon sa katapusan ng buwan ng pagrorosaryo. Sa mga lumipas na araw ng retreat nakikinig kami ng misa at tinatanggap naming sa puso si Jesus sa Eukaristiya.Nagpapasalamat kami sa kanlungan niya sa amin,kalinga at sinusubaybayan tayo para bigyan tayo ng banal na ragalo na hindi natin alam, sinusubaybayan din tayo kapag may nakaharap tayong sakuna at kalamidad. Maraming pangyayari ang ating nababalitaan na totoo at nahaharap na talagang masama subalit naiiwasan natin ang masamang mangyayari. Iyan ang katotohanan na hindi natin pwedeng itanggi ang katawan at dugo ni Kristo ay nasa atin; ito ang banal na pangyayari na ginawa ng Diyos kesyo alam natin o hindi. Hinihiling natin sa Diyos na tulungan tayo na malaman ang kahulugan ng Katawan at Dugo ni Kristo ay napaka halaga sa mga Kristiyano lalo na ang mga taong nakatanggap ng binyag,mga taong nakatanggap ng Katawan at Dugo ni Kristo unang banal na Pakikinabang ( first  communion) Dapat tayo ay malinis  kapag naunawaan natin ang banal na pangungumpisal bago tanggapin natin si Jesus sa ating puso na may tunay na pagibig, walang batik sa ating kaluluwa at puso.

Madadama natin na ang Espirito ay malapit na ibinigay ng Diyos .Ang Diyos nakikita natin sa araw araw. Siya ay nasa atin para tayo ay proteksiyunan at masupil natin ang mga bagay bagay Alam natin sa ating espritual sa buhay maraming isyu ang Diyos lamang ang nakakaunawa ng ating puso at nakakaunawa ng ating kagustuhan.Hindi ito nangyari ng normal; natanggap natin ang grasya sa Katawan at Dugo ng Diyos na ibigay sa atin; maraming beses, maraming bagay na hindi natin pwedeng itanggi at lagi nating sabihing salamat dahil ang Diyos ay mapakumbaba dahil ang kanyang pagibig ay para sa atin,nasa atin siya at siya sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya,sa pamamagitan ng katawan at Dugo para tanggapin natin siya sa ating puso at lagi natin siyang kasama.

Kesyo alam natin o hindi, gusto parin ng Diyos na mahalin tayo, maging malapit sa kanya,ang kanyang pagibig ay pinoproteksyonan tayo at dadalhin tayo sa gitna nag paghihirap at sakit at marami pang pagsubok na ating pagdadaanan.Ang Diyos mahal at niyayakap niya  tayo  kapag nalaman natin  ang kahulugan ng katawan at dugo ni Kristo. Ngayon hindi natin dapat itanggi ang salita ng salamat, papuri ,salamat sa Diyos-ang Pinakamataas na Diyos, ang Diyos na nakatago sa Banal na Eukaristiya, mapakumbabang Diyos,ang Diyos na ibinababa ang sarili,siya ay malapit sa atin na ibinibigay ang lahat dahil sa pagmamahal niya sa atin at  laging nagpapatawad. Ngayon nakikita natin ng matuwid ang Devine Mercy ang pinanggalingan ng buhay,nagbibigay ng pag-asa kung tayo ay nasa kasalanan sa mundo.

Panginoong Diyos gusto naming yumuko ang ulo para sumamba sa Diyos sa pamamagitan ng Limang Pgyukod. Iniaalay naming ang Limang Pagyukod sa Limang Sugat na Diyos. Kapag tinitigan at namimintuho kami sa Krus (veneration of the cross) nagugunita natin siya,marahil naging pangkaraniwan nalamang ito sa ating buhay subalit ang Krus kapag ating tinititigan binibigyan tayo ng pagkakataon na yumuko at maglugmok sa harap ng Krus upang ipaalala sa bawat kaluluwa at sa kailaliman ng puso.Ang Diyos ay mahal tayo, hinihintay niya tayo sa Krus na sinasakop ang kamatayan,na nag-alis sa atin sa kadiliman ng kasalanan sa pamamagitan ng pagwawagi ng Diyos noong siya ay muling nabuhay. Kapag tinitingnan natin ang Krus, maaalala natin sa buhay na para tayong naglalakad sa ulap ng buhay,pwede pa rin nating piliin ang daan at magkaroon ng pagkakataon na magsimba makita ang Krus, makita ang mga lugar dahil ang Diyos ay namatay ng dahil sa atin para magkaroon tayo na masaganang buhay,masaya at matahimik na Buhay.

Ngayon gaano karaming tao ang nakakalam ng kahulugan ng Krus? Kapag nakalimutan natin ang limang sugat na ipinagpalit ng Diyos para sa atin ng dahil sa pagibig at pangangalaga ng ating kaluluwa na may garantiya katulad ng mahalagang bagay na pwede nating iwanan natin ang kaluluwa kapag naharap tayo sa walang hanggang pagsubok sa mundo,para mahikayat sa kasamaan at pagkakamali. Itinatanggi natin ang pagibig ng maraming beses  at tayo ay pinaaalahanan na ang Krus ay inalis tayo sa dilim ng kasalanan at ibinalik tayo sa liwanag na nagligtas sa ating kaluluwa, ang Krus na nagtiis ng hirap at pasakit  si Jesus ng dahil sa ating mga kasalanan sa katawan at kaluluwa. Ngayon hindi natin pwedeng tingnan ang Krus ng malamig at  kakaiba at hindi natin pwedeng itanggi ang Krus ng Diyos, hindi tayo dapat maging matigas at hindi makita ang kahulugan. Tingnan natin na pwede nating tanggapin, mahalin ang grasya na naglistas na nanggaling sa Banal ng Awa at pagpapatawad sa mga tao.Ang limang Banal na sugat ay nagpapatunay ng pagibig; mayroon tayong marka sa kaluluwa at sa katawan para hindi natin makalimutan kahit sa araw na kalulangan ng interes, araw na gumagawa tayo ng kasalanan, mga araw na tayo ay mahina sa laman at hindi banal , tinatanong natin sa Diyos subalit ang bayad ay ang dugo ni Jesus at ang Limang Banal na Sugat at ang walang hanggang pagibig na pwede nating asahan ng  walang hanggan. Ito ang pagkakataon para makita natin at makilala para maunawaan ang pasasalamat. Sa ating buhay tingnan natin ang Krus patungo kay  Jesus, lipulin natin at tayo ay mamatay na sumusunod kay Jesus.

Lahat ng bagay ay may kahulugan sa buhay kapag naranasan natin ang pagibig ng Diyos sa pamamagitan ng Krus, kapag nakilala natin ang Krus sa ating buhay, sa oras ng pahihirap,sa mga bagay na hindi natin kagustuhan, mga hirap na pangkatawan at kaluluwa karamdaman para hindi tayo malungkot sa buhay kapag iniwan tayong magisa, mga taong hindi na tayo iginagalang dahil ang Krus ay ang ating pag-asa. Ang marka ng Diyos ay hindi nawawala sa atin habang panahon, sa ating  buhay  ang pagbabago kapag tayo ay umasa at ating hinanap,ang buhay na ating pinabayaan.Ang Diyos  ay lagi tayong pinaalalahanan na ang pagibig at ang marka ay dadalhin sa lugar na inihahanda  para makapasok sa langit na ipinagpalit ng Diyos sa pamamagitan ng Limang Banal na Sugat.

Iniaalay namin ang walang katapusan na pasasalamat at papuri alang alang sa mga kapatid nalalaki at babae sa buong mundo, mga taong nakakaalam,hindi nakakaalam, mga taong naniniwala at hindi naniniwala at mga taong tumututol mga taong nagsasanay, mga naghahanap at mga taong  alam ang kahulugan ng Limang Banal na Sugat. Ngayon  alang – alang sa mga makasalanan, matitigas ang ulo, mga taong nabubuhay sa immoralidad sa buhay, mga dapat nating harapin,Panginoon Diyos bigyan mo kami ng pagkakataon na makilala ang kahulugan ng Limang Banal na Sugat ang kahulugan ng marka sa ating kaluluwa; magbalik tayo sa Diyos na may pusong nagsisi,maglugmok at humingi tayo ng Awa at iligtas tayo ngayon sa darating na araw ng paghihirap, sa natitirang araw sa katapusan ng daang taon. Sa bawat antas (stages) ng buhay, magpasalamat tayo sa Limang Banal na Sugat at magkaroon tayo ng pagkakataon na magbago; ang Diyos ay tinatanggap tayo hanggang sa huling oras ng ating buhay.

Dahil sa anim na  pagyukod, ang  Diyos Ama, ako ay nagpapasalamat sa grasya ng Diyos Ama dahil pinili niya ang Ina na hindi natin dapat kalimutan na itaas ng buong puso, na may pagyukod  na may paggalang na inilalaan natin sa Inang Maria, at sa pinakabanal na puso ng Mahal na Ina dahil ang Ina ay tao na kumakatawan sa mga anak ng tao,para makita ng perpekto sa harap ng Diyos Ama na itinuro sa sa atin ng Mahal na Ina. Ang Ina ay narito at patuloy tayong tinutulungan kahit anong daan at bawat lugar ang Mahal na Ina ay lagi tayong pinaaalahanan na magbalik sa Diyos. Ang Mahal na Ina ay Ina ng Eukaristiya, Ina ng Banal ng Awa ( Devine Mercy) Ina ng pusong nagmamahal, Ina ng simbahan,siya ang Ina na walang hanggang maawain lalo na ngayon ng panahon ng Jubilee na nabanggit sa Icon ng Mahal na Ina.

Maraming beses ang Ina ay tinutulungan ang lahat  ng kanyang anak sa buong mundo.Tinutulungan din niya ang bawat bansa; ang Ina ay tinutulungan ang bawat tao na humihingi ng tulong sa kanya, maski sila ay makasalanan, hindi karapat dapat at hindi mabuti ang kanilang buhay sa lipunan subalit ang sagot ay nariyan lamang. Ayon sa pagmamahal ng Diyos, ayon sa kawanggawang puso ng mahal na Ina, walang imposible kapag nagdaan sa Mahal na Ina; ang Mahal na Ina ay tinutulungan ang pinakamasama na maging mabuti; ang imperfect ay tinutulungan niyang maging perpecto sa mata ng Diyos. Kailangan lumapit tayo sa Mahal na Ina  ng buong puso at kaluluwa para matulungan tayo, ang masama ay maging mabuti, ang hindi lantad ay maging lantad. Maraming storya at pangyayari na ang Mahal na Ina  ang mga makasalanan ay nagbalik sa kabutihan kaya hindi nating pwedeng itanggi ang ginagawa ng Mahal na Ina. Kung lalapit tayo sa ating Ina  hindi niya tayo pababayaan ng walang-wala.

Ang Mahal na Ina ay lagi tayong inilalapit sa Diyos. Ang mahal na Ina laging humahanap ng paraan para matulungan tayo na makita ang pagibig na Diyos at magbalik sa tulong na Mahal na Ina . Mahal naming Ina kung wala ka hindi naming magagawa ang dapat gawin sa buhay. Ang kahulugan ng Anim na Pagyukod ay tinutulungan tayo na itaas ang nasa ating puso, lahat ng grasya ay hindi nanggaling sa atin kundi sa kabiyak ng Mahal na Ina ang Espirito Santo. Ang Mahal na Ina alam  niya ang pagtutulungan; ang mahal na Ina ay punong puno ng Espirito Santo at ginagabayan tayo na tanggapin ang Espirito Santo-sa turo ng Mahal na Ina magagawa natin ang normal na gawain na naging espesyal dahil ang Ina ay tinulungan  at iniligtas tayo.

Mahal na Ina, habang tayo ay nabubuhay walang katapusan ang paraan ng paggawa ng masama at walang hanggang pagsubok; kailagan natin ang Mahal na Ina sa ating buhay. Mahal na Ina tulungan mo po kami; ang aming Inang Matulungin ( Mother os Perpetual Help) paki iligtas mo at tulungan ako,ang aming Reyna ng Langit humadlang ka sa mundo, sa bawat familya, mga bansa at bawat tao para matutuhan ang matahimik at mapakumbabang Ina,matutuhan natin ang magtiwala sa Diyos sa turo ng Mahal na Ina ang matutuhan natin ang sagot ng Ina Fiat na naging dahilan kung bakit naging anak tayo ng Diyos. Ang Diyos gusto niyang makita ang  ating pagkmasunurin at magtiwala sa kanya. Marami tayong natutuhan sa Mahal na Ina siya lamang ang tumutulong, nagtuturo at inilalapit niya tayo sa Diyos.

Hindi natin alam kung ano pa ang ating sasabihin; napakaraming grasya sa Anim na Pagyukod sa mga nakaraang buwan,lalo na ngayon nalalapit tayo sa kahulugan ng Anim an Pagyukod na lagi nating itinataas ang Mahal na Ina  nagpapasalamat na puso.Mahal na Ina  patuloy mo kaming turuan,gabayan kami; hayaan mo kaming matuto sa inyo; kailangan ka namin sa aming buhay para maging perfecto at banal sa harap ng grasya ng Diyos, sa kanyang pagibig at sa kanyang Banal na Awa; ang kabutihan ng Diyos ay punong- puno ng pagibig, umaasa tayo sa Ina na tutulungan tayo na harapin ang mga pagsubok sa buhay, mga paghihirap,pagtitiis at mga sakit para maging karapat dapat ang ating kaluluwa at katawan sa nalalabing araw ng buhay,sa ngalan ng banal na pangalan ng Diyos na ating pinagkakatiwalaan at malalim na pagmamahal ng Ina sa bawat tao.

Hindi natin dapat kalimutan si San Jose ang patron ng mga simbahan. Kapag tayo ay lumapit at hinanap natin  siya lagi niya tayong pinagdarasal at itinataas sa Diyos ang ating dasal. Kapag tayo ay lumapit sa kanya para humingi ng awa  hindi niya tayo pababayaan na walang -wala. Hinihiling  ko sa kanya na ipagpatuloy na kumatawan siya sa atin sa Diyos, alang-alang sa mga simbahan, sa ating familya parisan ang banal na familya na kumatawan para sa mga tao , sa mga namumuno sa familya at mabuhay na matuwid at nagtitiwala sa Diyos.

Hindi natin dapat kalimutan pasalamatan ang langit kahit  hindi natin nakikita tayo ay naniniwala sa Diyos. Ang mga anghel at santo ay tumutulong at kumakatawan sa Diyos para sa atin, sa espesyal na paraan, nakikita natin ang ilaw ng mga anghel at marming anghel na nasa ating paligid.Maramng bagay na ating ginugunita; sa katotohanan iginagalang at itinataas sa pamamagitan ng anim na pagyukod na ipagpatuloy na kumatawan at tulungan tayo. Hinihiling natin sa mga anghel Michael, Raphael at Gabriel na proteksiyunan ang simbahan, bawat tao, sa mga masamang Espirito na sinasaktan tayo at mga pari upang maipagpatuloy na ikalat ang salita ng Diyos sa mundo.

Sa isang saglit,itinataas ko ang walang hanggang pasasalamat sa Diyos,salamat sa mga grasya sa ngalan ng mg santo at anghel na nagdarasal sa Diyos para sa atin. Paki tulungan mo kami sa buhay, magtiwala na laging sumasamba sa nagiisang Diyos, mahalin ang langit na makikita sa alapaap na mundo may paniwala at maniwala na kilala nila ang Diyos; paki tulungan mo kaming matuto sa  kanyang pagtuturo,tulungan mo kaming magsanay sa mga utos ng Diyos para magkaroon tayo ng masaganang buhay na may paniwala; may buhay na hinahanap ang katotohanan habang tayo ay nabubuhay sa lupa at hindi naghihintay sa araw ng ating kamatayan.Ito ay ipinagkaloob sa lupa at hindi habang tayo ay  nabubuhay para sa atin,ginugunita ang kaligayahan na ipingkaloob ng Diyos.

Sa isang  saglit, iniaalay ko ang libong pasasalamat sa Diyos,salamat sa grasyang  ipingkaloob ng Diyos sa  mga santo at anghel na kumakatawan sa Diyos para sa atin. Tulungan mo kaming magtiwala, at magtiwala lagi at sumamba sa Diyos, pahalagahan ang kayamanan ng langit sa lupa na may paniwala at sumasampalataya sa Diyos; Tulungan mo kaming matutuhan ang doktrina ng Diyos, gawin ang mga utos ng Diyos na itinuro sa atin para magkaroon tayo ng masaganang paniniwala, sa gitna ng alapaap ng mundo sa tulong ng anghel at santo na laging tumutulong at nagdarasal sa atin. Tulungan mo kaming kumatawan at harapin ang paligid ng kadiliman, paligid ng mayabang at masamang ugali, napapaligiran ng kasalanan at krimen dahil hindi natin sinusunod ang turo at hindi tayo naniniwala sa Diyos na siyang naglistas sa atin at kanyang iniingatan ang bawat kaluluwa na naging kanyang anak noong sila ay binyagan.

Marami tayong tinatanggap sa simbahan lalo na ang batas ng Diyos. Mas marami pa ito kung iaalay natin ang buhay na may paniwala kapag  nakita natin na mayroon tayong matutuhan sa salita ng Diyos,para maging kalmante, matalino, upang yakapin ang kapayapaan ng Diyos,na ipinagkaloob niya sa atin, na may buhay na malakas ang loob at hndi natatakot sa buhay.Marami ang mangyayari sa atin subalit ang Diyos ang pinanggalingan ng ilaw;ang Diyos ang pinggagalingan ng buhay at siya rin ang katahimikan, siya ang sa lahat sa ating buhay na hindi nating pwedeng gawin. Maniwala tayo sa Diyos at hanapin natin siya para kumatok sa ating pintuan at sabihin sa Diyos na buksan ang bawat kaluluwa at puso para ang bawat isa ay lalapit sa Diyos na naghihintay sa atin.

Ngayon itinataas natin sa Diyos sa espesyal na paraan ang Anim na Pagyukod. Pagbalik namin  pagkatapos ng tatlong araw sa charismatic center retreat,marami pa ring bagay na dapat naming harapin para makita ang katotohanan lalo na hindi kagustuhan ng ating puso. Subalit handi natin dapat pabayaan ang mga bagay na hindi mahalaga na pigilan tayong gawin ang testimony; dapat lalo tayong maging mabilis na ipagpatuloy at maunawaan ang anim na Pagyukod.Isinawalat ang Anim na Pagyukod sa mundo para ang mga tao ay magbalik loob sa Diyos, malapit sa Diyos ang kanilang kaluluwa at puso sa pagyukod  esprituwal at pangkatawan. Yumuyuko ang ulo para ialay sa Diyos ang ating kaluluwa; mga bagay na gusto nating itaas,mga bagay na gusto nating sabihin sa Diyos, mga dasal, nagmumuni, ang salita ng pagsisisi sa harap ng Diyos sa pamamagitan  ng Anim na Pagyukod. Tinatanggap at inuunawang mabuti kapag dumaan tayo sa malalim na kahulugan na nagbubukas ng pinto patungo sa araw ng paghihirap, binubuksan ang pinto sa araw ng pagpupunyagi ay pagtagumpayan sa araw ng paglilinis, sa araw ng pagbabago at sa araw ng ikalawang pagbabalik.

Ang banal na pangalan ni Jesus Kristo,sa ngayon ang Espirito ay iniaalay natin sa Anim na Pagyukod sa Diyos,ngayon ay araw ng pagdadasal sa mga pari na dumami sila.Panginoong Diyos tulungan mo kami sa Anim na Pagyukod ay inilalaan namin sa mga pari,lalo sa papa, cardinal Obispo, mga tupa ng Diyos para mabuhay silang nakikilala ang Diyos, na may paniwala sa Diyos; mga tumutulong sa mga mahihirap, nagsasakrifisyo; ang mga utos ng Diyos na  dapat natin sundin. Lagi tayong maniwala,matahimik at tumulong  para mabuhay tayong naniniwala tayo na may Diyos, nakikilala natin ang pagibig at pagligtas ng Jesus na binigyan niya tayo ng pag-asa, grasya sa mundo para sa atin , sa ating famiya at bawat tao para sa buong mundo.

Ngayon gusto kong tapusin ang kahulugan ng Anim na Pagyukod; sa oras 7:47 ng hapon Linggo Oktubre 25,1915 sa Santa Teresa sa altar  ang Krus doon makikita ang Diyos sa harap ng rebulto ng Our Lady of Carmel.Narito kami sa harap ng altar ng simbahan ngayong gabi. Ang banal na misa ay natapos ng 6:00 ng hapon naiwan kami, sa katahimikan nagdasal kami sa Diyos sa ngalan ng mga kapatid na lalaki at babae sa buong mundo, lalo na sa mga taong hindi naming kilala,mga tao sa simbahan para bigyan nila ng pansin na maging malapit sila sa grasya ng Diyos at sa mga turo na inihayag sa pagtatapos ng panahon ang paghahayag ng Bibliya na tinanggap sa lugar ng Santa Teresa, ang unang simbahan na tumanggap na paalala sa Mahal na Ina na ipagdasal ang mga makasalanan at mga pabalik na sa Diyos. Panginoong Diyos maawa at tulungan mo kami ang aming mga kapatid na lalaki at babae na makinig at malaman ang kahulugan at magsanay at magbalik sa Diyos na ang puso, kaluluwa at yumuko ng buong puso  at itaas sa Diyos.Panginoon Diyog ating mga kapatid na lalaki at babae na tinawag na magsilbi sa nakaraang araw, mga taong tumatanggap para madama nila ang  pagkakalapit upang tanggapin ang puso at kaluluwa para makita ang Diyos, para tanggapin ang mahina nilang katawan sa araw ng pagsisi, L . natapos ang mensahe 7:49 ng hapon Amen, Amen, Amen.

 

  1. Ito ang buwan ng pagdiriwang para sa mga Pari sa maraming simbahan sa amerika; Pinaunlakan ng Serra International, na tapat na nagdarasal sa mga pari,nagaanyaya,naghihikayat at itinataa ang mga gustong magpari.
  2. Paki tingnan ang mensahe ng Anim na Pagyukod Agosto 19,2014
  3. Vienamese amerikana
  4. Kapag nagdasal sa bawat pagyukod ,kailangan ito ay nanggagaling sa puso, iginagalang ang patisyon.Hindi ito dapat na masyadong mahaba.
  5. Alam nila na si Jesus ay nagligtas sa ating mga kasalanan
  6. Mga mensahe
  7. Ang m ga marka ay galing sa katekismo ng simbahang katoliko
  8. Ang tatlong mga marka ay para sa mensahe sa mga sugat ni Jesus, ang ikalawang marka ay para sa binyag at ang ikatlo ay sa seal na nanggaling sa Pagtatapos ng Panahon ang paghahayag ng bibliya-Pagsisiwalat.
  9. Jubilee ng 150 year ng congregation of redemptorist na ibinigay sa custodianship ng sikat na icon Our Lady Of Perpetual Help by Blessed Pius IX Dec. 11,1865. Pope Francis nagkaloob na Plenary Indulgence.
  10. kumuha ng mga litrato sa kanyang kamera at makikita ang mga guhit mga anghel.Maliliwanag na host or ostiya ay ating makikita. Tingnan ninyo sa website
  11. Hindi ito mapanganib. Ang paghahanda ay maguumpisa sa Libro ng Pagsisiwalat. Kapag natapos na ang mga panganib ang Katahimikan ay magbabalik iyan ang pangako ng Our lady of Fatima.

*Ang hindi kilalang mensahero, L. nakatanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng (interior locustion) ang tao na nakakatanggap ng plano para gawin ang isang bagay o imahinasyon na pinagmulan sa labas ng Espirito. Sa pribadong pagsisiwalat at nakikita niya ang milagro sa Eukaristiya at nakukunan niya ng litrato at itinatala niya. Tuwing ang Diyos ay magbibigay ng mensahe kay L, ito ay nanggagaling sa mabait na Ama para sa kanyang mga anak.

Bagong Pagsisiwalat sa Pamamagitan Ng Eukaristiya

www.nrtte.net

Please share this message and website with those you know via email, social media, printing the message and word of mouth.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

error: Content is protected !!