Bago Revelations Eucharist Sa

Ang Pintuang Bukas sa Ganitong Hubileo ng Taon ng Awa

137Ang Pintuang Bukas sa Ganitong Hubileo ng Taon ng Awa

Septyembre 13,2016

Ang mensahe ay nanggaling sa inspirasyon ng Banal na Espirito kay L.

Panginoong Diyos noong 10:28 ng umaga Martes Septyembre 13,2016 sa Santa Teresa simbahan ako ay nakaluhod L. sa harap ng altar, ang Krus, ang tubernakulo, ang rebulto ng Our Lady of Mount Carmel at ang litrato ng Divine Mercy.Tuwing ikalabing tatlo ng buwan kami ay nagpupulong upang magdasal ng rosario sa Mahal na Ina at kami ay tumatanggap ng mensahe sa Mahal na Ina.Ngayon Martes nagkaroon kami ng pagkakataon na magkita at magdasal at ngayong umaga gusto kong ialay sa Diyos ang Anim na Pagyukod na lagi naming ginagawa pagkatapos naming magsimba; ngayong umaga inayos naming ang aming dapat gawin, inayos namin ang CD ng Anim na Pagyukod upang maipamahagi sa mga tao lalo na sa lugar na nangangailangan. Ang mga lugar na napuntahan na namin ay Alabama, California, Florida, naghahanda rin kami patungo ng Dallas, New York, Philadelphia.Nakapunta na kami sa Philadelphia noong bumisita ang Papa Francis. Naipamigay namin CD ay limang libong kasama ang mga kartolina na mayroong isinasaad ang anim na Pagyukod. Ang susunod naming biyahe ay New York, Canada, France, Italy. Ngayon itinataas ko sa Diyos; paglipas ng kalahating oras hayaan niya kung may isang tao taga calirfornia ang magturo sa atin; ang taong ito ay nakatanggap ng grasya na galing sa Banal na Espirito, siya ay matapang, at tuturuan tayo ukol sa grasya ng Banal na Espirito at upang ipagpatuloy ang daan upang tayo ay maging saksi ng Diyos ukol sa kahulugan Anim na Pagyukod, ayon kay Inang Maria gusto niya magkaroon tayo ng pagkakataon at bigyan tayo ng pagkakataon. Lahat ng ating gagawin kailangan mayroon tapang at lakas ng loob, upang ikalat ang narinig, ang nalaman na nanggaling sa Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espirito proteksyon,sa tulong ng Inang Maria, na siya ring payo ng Ina sa mundo lalo na sa atin. Ngayon nagkaroon ako ng pagkakataon na itaas sa Diyos lahat ng paghahanda sa aming darating na biyahe, iniaalay ko ito sa anim na Pagyukod na mayroong kahulugan ; iniaalay ko sa Diyos ang espesyal na layunin sa darating na araw at sa mga lugar na plano naming puntahan. Ang aming pagpunta sa California 24 na simbahan ang aming nabisita,may mga taong tinanggap kami at mayroon din kami ay tinanggihan sapagkat hindi nila naintindihan, hindi sila naniniwala at ang iba naman ay nasasabik tinatanggap nila na may damdamin at taos puso ang CD para sa buong mundo; ito ang espesyal na grasya na inilalaan ng Diyos sa buong mundo, sa mga taong binigyan ng pagkakataon na maging saksi at maging taga panguna. Nagpapasalamat ako sa grasya ng pagibig ng Diyos na inilalaan niya sa mundo at itinataas na salita ng papuri at pasasalamat. Lagi naming nakikita ang katotohanan kasama ang milagro na ating tinatanggap at nakikita: habang kami ay nakayuko at nagyuyukod sa harap ng tubernakulo mayroong Latinang babae ang lumapit sa amin na hindi namin kilala; sumapi siya sa amin sa pagyukod; pagkatapos ng unang yukod, ikalawa pagdating sa ikatlong pagyukod ang kanyang taynga ay namula; makikita mo ang malakas na reaksiyon sa kanya,may lumabas na suka sa kanyang bibig, noong tingnan namin ayon sa aming paniniwala mayroong misteryo na kasalanan at nasaktang loob na nangyari sa kanyang buhay at may demonyo sa kanyang katawan , noong siya ay yumuko at dumapa lahat ng masaganang suka ay lumabas sa kanya na talagang nakakatakot ;Nakita naming na ang Diyos ay may inilalaan ang kamay at tulong ang Mahal na Ina; Ngayon ang Ina ay tinuturuan tayo ng 6 na Pagyukod upang proteksiyunan tayo sa masama at sa mga elemento sa loob ng ating kaluluwa na hindi natin kayang labanan kapag tayo ay yumukod sa Diyos (2) Siyempre ang ilaw ng Diyos ay kumikislap sa mga nagbabalik at nagsisi at nakikiusap na ampunin sila at humingi ng awa, kapatawaran at isalba ang bawat isa ; ang babae ay maysakit sa katawan at kaluluwa ; ang babae ay testigo sa katotohanan kaya sinuka niya ang lahat. Sa pamamagitan ng 6 na Pagyukod nagkaroon kami na pagkakataon na sumaksi at tulungan siya habang ginagawa niya ang 6 na Pagyukod at sumusuka siya.Pagdating ng 6 na pagyukod naging alerto na siya at nakadama na siya ng kapayapaan at gumaang ang kanyang pakiramdam sa katawan at kaluluwa. Pinatunayan niya na ang kanyang ginagawa ay galing sa langit at sa mahal na Ina na tinuturuan niya tayong yumukod sa harap ng Diyos.Kinuha niya ang dasal sa tarheta upang maipagpatuloy ang ugnayan niya sa amin at kumuha siya ng CD at nangako na patutunayan niya na ang 6 na Pagyukod sa kanyang bansa; mga taong kanyang makikilala at sa kanyang paligid. Ito ang aming nakita noong Biyernes; madadama natin na hindi lamang ito para sa atin kundi ito ay para sa lahat sa paligid na walang pagkakataon; kapag tayo ay naniwala at yumukod, gagaling din ang kanilang katawan at kaluluwa na may sakit.

Panginoong Diyos maawa kayo sa amin, sa mga tao at ang Diyos ay gumagawa ng paraan subalit ang ating paniwala at ang ating buhay ay kulang ng pagsamasama upang hanapin ang katotohanan, upang makilala ang makataong kalagayan (3) na may tapat na pakikipagusap, sa mga puso at mapakumbabang puso na yumuyukod at humingi ng awa saDiyos, magpatawad at isalba tayo; walang makapagbibigay nito sa atin kundi ang Diyos, ito ang patotoo sa mga huling araw at sa ating sarili, tayo ay pangkaraniwan at banal na tao na hindi naiiba sa ibang kasalanan, mahina at may batik, hindi espesyal subalit salamat sa 6 na Pagyukod, nadadama ko ang magsikap at malapit sa Diyos. Nadadama namin na ang salita na nanggaling sa aming mga labi ay hindi sa amin kundi sa Banal na Espirito na nasa amin, tinuturuan kami at ginaganahan naming sabihin na kailangan natin ang Diyos sa bawat tao; iyan ang aming ginawa at ginagawa.

Ngayon mayroon kaming malaking dokumento at maraming bagay sa mga henerasyon na nababagay sa pagbabalik ng puso sa Diyos, lalo na sa Banal ng Awa(Divine Mercy) sa pagbubukas ng pinto sa HubileoTaon ng Awa, na may grasya at basbas na ipinagkaloob sa tao. Kapareho sa natanggap natin sa Ina, ang tahimik na Ina na laging nagaalala sa mga tao sa mundo, humahanap siya ng paraan para ituro sa mga anak ang magbago at magbalik sa Diyos.Ngayon kusang loob tayong magbalik sa Diyos sa pamamagitan ng pagtuturo ng ating Ina (4); sa ganitong paraan sa tahimik na buhay ng Ina, siya ay nabubuhay sa lupa na ginagampanan niya ng buong puso ang pagaari ng Diyos. Bawat umaga, sa kanyang paglalakad,ang Ina ay yumuyuko sa Diyos at lagi niyang itinataas ang salita ng pasasalamat, papuri,utang na loob na buong pusong nauukol sa Diyos .Lahat ng gawain ng Ina ay may protekyon (5) ang Ina ay walang kasalanan sa kanyang buhay; siya ang Reyna ng Langit; ang Pinakamalinis niyang Puso ay lumago , sa katotohanan, sa mga tao sa mundo. Ngayon, ang Ina mismo tinuturuan tayo sa ating pangangailangan sa dami ng ating kamalian sa buhay, na naging isyu sa mga tao. Maski ang normal nating buhay sa bawat isa ay walang tunay na kapayapaan dahil ang masama ay kumamkam sa paligid at naguutos sa henerasyon kapag hindi natin tinanggap at hindi tayo naniwala sa Diyos.Hindi natin naunawaan kung ano ang ating paniwala; pinababayaan natin ang kalayaan at ang mautak,sopistikadong paraan ng kabihasnan maapektuhan ang hindi mabilang na kaluluwa, mga hindi mabilang na tao na iniwan ang pinanggalingan(6) na hindi kanya. Iyan ang dahilan kung bakit nawawala ang ating kaluluwa at katawan sa kadiliman na may patibong ;nawawala ang daan pabalik sa katotohanan at kabutihan at ang Pinakamataas na doktrina ng Diyos ang katotohanan na dapat nating malaman,matutuhan at paniwalaan upang maranasan ang Diyos ,na may masaganang habag; ang Diyos ay puno ng pagibig ; ang Diyos ay may lakas; ang Diyos taga likha; ang Diyos ay Hari ; siya ang nagligtas sa mga tao sa pamamagitan na kanyang kamatayan .

Ang Diyos ang nagligtas sa ating mga kasalanan para mabuhay tayo ngayon ; ang ating kaluluwa ay dapat makinabang sa ating ginagawa para hindi tayo bumagsak sa patibong ng demonyo sinasadya o hindi. Ang Diyos ay laging naghihintay,nagpapatawad, at ibinabalik tayo ; ang Diyos ay Diyos ng pagibig, ang Diyos ay inuutusan ng pagibig ,siya ay Hari ng Daigdig, siya ang pinakamataas sa lahat Diyos (7) Hari na mataas sa ibang Hari. Ang mga tao hindi nila kayang tanggihan, kumilos na hindi karapat dapat sa itika at batas na ipinagkaloob ng Diyos. Ito na ang oras na dapat buksan ng mga tao ang kanilang mata,taynga, at puso upang tanggapin ang para sa kanila grasya at basbas.May mga tao na natiling tahimik hanggang ngayon ; ang Ina ang kumakatawan sa mga sa mga tao, banal at nakaakyat sa langit ; ang Ina sa kanyang buong buhay siya ay naging Pinakamataas na Reyna, na ipinagkaloob ng Diyos sa kanya. Magkasabay, ang Ina ang tumayo sa katauhan ng Reyna ng langit, pumunta sa lupa upang tulungan at turuan tayo sa mga kaguluhan, sa oras na ang mga tao nasa huling oras ng pahihingalo,nakikita natin ang katotohanan, nawala na ang pagibig, wala na ng pagkakaisa, wala ng tunay na kapayapaan sa tao. Lahat ay nagbabago wala ng buddhi, totoo at hustisya; ang mga tao ay naakit ng masamang espirito,nauutusan ng matalino at sopistikadong paraan.Ang mga taong bubot ang paniwala ay nasira at nabuhay sa mundo sa mga huling araw ; ang mga tao hindi pa rin nila alam at nakikita at nakikilala ang kahalagahan ng kaluluwa na bumalik sa Diyos o managot tayo sa ating ginagawa ukol sa batas, sa etika at moral na kantra sa katayuan at nakakagalit (offensive) sa Diyos. Ito ang mga bagay na hindi kinatatakutan ng tao,hindi gumagalang at hindi nakikilala ang totoo at hustisya.Kailangan paalalahanan ang mga tao ulit ukol sa ating nakaugalian na matigas ang ulo,matigas ang puso ; iyan ang kalayaan na ipinagkaloob ng Diyos magmula sa umpisa at iginagalang niya ito na may dakilang pagibig,habag, mabagal magalit at nagbibigay ng pagkakataon sa tao. Sa isang banda ang tao na nasa ating tabi na tahimik ay ang Inang Maria at ang pagdalo ni Hesus sa Eukaristiya,siya ay Banal. Ito ang pagkakataon para paalalahanan ang buong mundo, bawat klase, bawat papel, at lagi tayong humingi ng tulong sa Diyos ; Ang Diyos lamang ang makapagliligtas sa mga tao sa ngayong henerasyon, sa buhay na espirituwal patungo sa praktikal na buhay.Kung hindi tayo naniniwala at naunawaan ang lakas ng Diyos,maiiwan tayo sa mundo na napapalibutan ng kasalanan at kamatayan.Subalit tinanggap na natin ang kaligtasan kay Hesus; namatay siya para tayo ay mabuhay ; iniligtas niya tayo, nabuhay at nagwagi upang ipagkaloob sa atin ang doktrina ng katotohanan, bigyan tayo ng pag-asa, binigyan niya tayo ng buhay hanggang sa kabilang buhay,buong kahulugan ng saya, katahimikan at ligaya subalit sinira natin ito dahil wala tayong paniniwala,hindi natin naintindihan, at wala tayong sapat na karanasan, at hindi natin alam kung ano ang para sa Diyos na dapat sanayin para bitawan ang yabang ang pagkamakasarili at kalayaan sa buhay at makalimutan ang pinagmulan.

Kahit ano ang mangyari sa daigdig o kahit maraming tao ang hindi sumunod at saktan ang Diyos mayroon paring tao sa simbahan ni Hesus, ang simbahan iniwan ng Diyos ; ang simbahan ay mananatili nakatayo upang gabayan tayo,tulungan tayong daungan,sa nga araw na ang Diyos,ang banal na kaharian sa pamamagitan ng Banal na Espirito, patungo sa ating pinanggalingan. Ang kalayaan ay iginagalang pa rin sa bawat tao, bawat kaluluwa bawat papel,bawat bansa at sa buong mundo ; ito ang pagkakataon, ang regalo sa mga tao,sa grasya at basbas. Ngayon ang Ina tinuturuan tayo dahil hindi natin madaig ang ginagamit ng tao: mga armas, lakas, pananakot na may talino, sopistikadong paraan sa ilalim ng anyo ng kabihasnan o sibilisasyon ; sa katunayan hindi ito nanggaling sa katotohanan kundi sa araw ng buhay sa lupa, sa laman,sa mayroon radikal siyensiya ng panahon, nalilito tayo sa gitna ng tama o mali .Ang nanggaling sa Diyos ay kaluluwa,puso at paniniwala, ang katotohanan ang ebidensiya. Sa umpisa pa lamang ng daang taon, gusto ng Diyos na ang tao ay mabuhay sa katotohanan,magbalik sa katotohanan at makilala ang Diyos, mabuhay na umiibig sa iba at umiibig sa kapatid. Iyan ang batas na luma na ginagawa pa rin ngayon subalit nakamit natin ang baytang na walang araw na hindi tayo tumitigil na tulungan at ibigin at makilala ang pinanggalingan ; pinabayaan na ang kalayaan,pansaring desisyon,dinaan tayo sa pakikiapid at pag-inom,hindi tayo sumusunod at sinasaktan ang Diyos. Narito na ang oras ng paghuhukom, bawat isa ay kakayanin ang pananagutan ukol sa mga bagay na ating alam subalit ginawa parin natin ; ang lakas ng tao ay hindi puwedeng lumaban sa hindi makadiyos na kilos sa oras ng ating buhay. Ang alam natin tayo ay anak ng Diyos , ang tupa ng Diyos, kahit sino pa tayo,kahit ano ang papel, alam natin ang kondisyon ng tao kapag tayo ay nagdasal, kapag tiningnan ang lahat ng lakas at hindi natin mapigilan ang ating kapatid na lalaki ; maski tayo ay banal,wala tayong lakas upang iwasan maliban makiusap na magdasal at magtanong sa Diyos. Sa kahinaan ng kondisyon ng tao kung walang Banal na Espirito nagtuturo, hindi natin alam kung paano magumpisa at kung papaano ang magdasal sa Diyos para tanggapin ang awa at batiin tayo sa pamamagitan ng dasal na ating itinaas. Wala ng iba kundi ang Inang Maria ang tahimik na nagdarasal at ang taong tinatanggap ng Diyos ng buong kaluluwa at katawan ; siya lamang Inang Maria ; Ang Ina ay tahimik sa umpisa pa lamang, magmula sa araw na pinili siya ng Diyos Ama siya ay naging Ina ng ikalawang Katauhan ng Diyos , sa proteksiyon ng Diyos sa Ina, ang Ina ay walang bakas ng kasalanan noong siya ay nabubuhay. Ngayon ang itinuturo ng Ina ay nakakapagpaligaya sa Diyos Ama ; Ang Ina ay hindi nagtuturo ng mahirap, ang Ina ay hindi tayo tinuturuan upang umiwas sa bagay na darating, subalit ang Ina ay tinuturuan tayo na yumuko ang ulo at dumapa, isuko at sabihin sa Diyos na humadlang. Ang Diyos lamang ang tao na magagawa ang lahat magmula sa kaluluwa hanggang panlabas. Siya ang naglikha ng lahat sa kanyang permiso ; hindi papayagan na mawala at pawiin ang kanyang ilaw. Lahat ay may malalim na kahulugan sa 6 na Pagyukod at ang bawat isa ay nagsasanay na galing sa ating kaluluwa, pribadong lugar,sa ating tirahan patungo sa simbahan, kahit saan lalo na sa lugar na nagmamadali tayong magdasal para makita natin ang ilaw ng Diyos na nasa tubernakulo,ang Eukaristiya ni Hesus. Ito ay banal na lugar na iniwan ni Hesus sa mga tao na ating nakalimutan at hindi natin naunawaan,pinabayaan at naging ugali.

Ang araw ay darating na makikilala natin ang kadakilaan ng Diyos na dumating at nagpakita sa atin ang ilaw na nakatakip sa atin at ipinaalam sa atin na siyang katibayan ng Eukaristiya ni Hesus.Ito ang bagay na dapat malaman ng mga tao at ito ang oras na ang Ina ay dumating upang tulungan tayo, maipagpatuloy na marinig ang mga mensahe na ibinigay niya sa buong mundo na nanatiling tahimik hanggang ngayon.Ito ang mahahalagang bagay ; sa mga nakaraan, ang unang istorya ng mga santo sa mundo,dinala nila ang ebanhelyo upang turuan tayo, para maniwala at magsanay; na tumagal sa buong henerasyon, hindi mabilang na paguusig (persecute) walang katapusan na tagasalungat.Pagkatapos ang Diyos ay Diyos pa rin hanggang matapos ang daang taon, isa lamang ang Diyos, na siya nating dapat balikan, paniwalaan at sambahin. Ngayon pilitin natin na magkaroon tayo ng kalayaan at matigil tayo sa pagsamba sa diyus-diyusan,ngayon ang sagot lahat ng bansa ay nanganganib at nasa krisis,walang totoong katahimikan. Ito ang batas ng tao,ang batas ng diyus-diyusan; ang Diyos ay kakaiba. Oras na para makilala natin ng maiwanag: kung ano ang Mabuti at masama. Ang Diyos ay hindi puwedeng ihambing sa nakikita natin sa mundo; ang Diyos ap patuloy nan a iniibig tayo magmula sa umpisa hanggang sa katapusan ng daang taon (8) Siya parin ang Diyos ng pagibig, Diyos na mayaman sa awa, ang Diyos na may kapangyarihan, puno ng lakas, upang iligtas o itapon lahat ng bagay sa lupa.

Ito ang huling pagkakataon na hinihiling na Ina sa Diyos,tumanggap at makiusap sa Diyos bago may mangyari sa predetestinaryanismo.Ang Alpha at ang Omega pinaalalahanan tayo ng pagsimula at pagtatapos, na siya ring umpisa na ating haharapin, sa mga araw ngayon hindi natin dapat itanggi,pagtaksilan,tanggihan ang mga kasalanan. Puwede ba tayong magpatuloy na tao sa mundo ? Iyan ang tanong ng bawat tao sa kapwa tao ; oras na upang magbalik. Ito ang oras ng Omega at kaligtasan ; sa ganitong oras, ang pintuan ng Divine Mercy ay bukas. Nasa oras tayo ng grasya at biyaya na pinapayagan na maging magkalapit tayo at ang Diyos ; mayroong puso boluntaryo,ang bawat isa ay may karapatan na kausapin ng Diyos, tayo ay lumapit na nagbabalik na puso sa Diyos: tunay na pagbabalik, sa kilos at hindi sa salita. Kinakailangan ipagdasal natin ang ating saril, ang ating pamilya, mga nasa paligid natin, sa mundo at mga kaluluwa sa purgatory, mga taong walang alam, mga taong hindi naniniwala at hindi nakakaunawa nabubuhay na matigas ang ulo, walang awa at mayabang.Ito ang daigdig na mismo ang Ina ay tinutulungan tayo ; hindi tayo dapat mayabang,nagmamalaki, at hindi tayo dapat maging, mataas at hambog-kung tayo ay magpapatuloy sa ganoon sitwasyon ang mundo ay patungo sa huling araw, ang oras ng kapighatian, mga sakit ng tao at mga nakakatakot na mangyayari. Kailangan maging mababa tayo; kailangan makilala natin ang totoo at ang bagay na kailangan ng kaluluwa para ang kaluluwa ay ang mga taong magbabalik sa Diyos na buong puso at tanggapin ng Diyos ang paghadlang, sa Pinakamalinis na Puso ni Maria na magtagumpay sa mundo sa pamamagitan ng birtud at kabanalan   at walang sandata, hindi kailangan ang labanan at hindi kailangan ang digmaan at pag-aaway ng mga tao na nadamay sila.Kailangan umiyak tayo sa ating loob, pangkaluluwang buhay at ang Diyos ay magkakaroon ng daan sa kanyang lakas upang tulungan tayo sa ating hangarin ; ang kapayapaan at kaligayahan- kapayapaan kung kilala natin ang Diyos, kung naniniwala tayo sa Diyos, kapag tinatawag natin ang Diyos at ang Diyos ay buong pagmamahal niya tayong tinatanggap at pinatawad.

Tayo ay papasok sa daigdig na pag-aari ng Diyos,siya ang tapaglikha,siya ang Pinakamataas na Hari, siya ang Ama ng mga tao,ang Diyos na mataas sa ibang diyos; ang kanyang kataasan ng kapangyarihan, alam niyang lahat ukol sa buong henerasyon. Hindi tayo puwedeng tumanggi at hindi tayo puwedeng bumagsak sa ating pinanggalingan; ito ang sandal upang magpakita tayo ng pasasalamat,utang na loob at itaas natin sa Diyos ang mahalagang bagay na sinabi natin sa kanya. Huwag na tayong magtanong kung bakit may sorpresa sa ating pagdarasal o kung saan nanggaling ang pagyuko na nakadapa, isipin natin na ito ay makatao na kondisyon; saan lugar natin maipagpatuloy an gating ugali, tingnan natin ang biyaya sa pangkaraniwang at banal na paraan, walang gumagalangna puso na inilaan sa Diyos, ang pusong benerasyon ? Hindi natin binigyan ng halaga at naging hamak at ito ay naging ugali sa ating buhay. Ang mga tao na may ministeryo na magsilbi sa simbahan; lahat ng napili upang maging tupa,ang Diyos pinagkaloob ang tawag ng pagpapari ; kristiyano; kailangan magsama at magkaisa na may parehong pagibig na ipinagkaloob sa bawat isa, kaugnayan sa puso upang mamanhik sa lakas ng Diyos at maghadlang. Ngayon ang tao na matigas ang puso o nakakapigil ay kailangan sumuko dahil ang Diyos lamang ang nakapagbibigay ng kapayapaan,pagkakaisa at ang Diyos lamang ang nakapagbibigay ng tunay na kapayapaan ng pagibig na gusto niyang ipagkaloob sa atin ; ang patakaran niya sa atin ay pagibig, na nangyayari na masaya at tahimik sa araw noong kasama natin ang Diyos. Ang Eukaristiya ni Hesus ay narito sa atin; walang makapagbibigay sa atin ng kalayaan,kaligayahan,pagkakaisa at tunay na katahimikan maliban sa Diyos : ngayon ang oras at araw na tayo ay magbalik at makilala ang pinanggalingan- ito ang araw na tayo ay sumuko at yumuko at dumapa at hilingin sa Diyos ang kanyang Awa at paghadlang, para matanggap natin ang ilaw ni Hesus sa pamamagitan ng Eukaristiya ni Hesus, para makita natin ang kanyang pagdalo. Ang kanyang balak- iligtas tayo sa pamamagitan ng Krus hanggang sa huling araw at iligtas tayo sa kabanalan sa lakas ng Banal na Eukaristiya. Sa kanyang katabi,sino ang taong pinakamatalino na tumanggap ng espesyal na daan dito sa henerasyon? Ang taonga ting tinutukoy ay ang Inang Maria.

Sa oras ng pagliligtas, ang Diyos Ama ay pinapayagan sa bawat okasyon at binibigyan tayo ng pagkakataon na magbalik, magsisi, at makilala ang Diyos; huwag tayong umasa ang lahat ng bagay sa mundo, para ipagpatuloy ang gumawa ng mali at tuloy parin ang paggawa ng kamalian. Hindi natin kayang labanan ang dius diusan (9) : dahil binubuksan natin ang pinto ng galit sa mundo, ngayon naging dalubhasa at pinagtatakpan ang mga masamang gawa, pati ang mga sopistikadong talino ay nasa balatkayo ng sibilisasyon, hawak at maganda sa labas subalit sa loob nakakatakot at gusto tayong itakwil,patibong para mahuli tayo. Kung sino man ang mahina ang paniwala ay babagsak sa patibong at ang kaluluwa at katawan ay malalayo sa Diyos, aasa na lamang tayo sa kabihasnan (civilization )mag-away,patunayan, pagtakpan ang kataasan at kailangan mabuhay tayo kung ano ang pinagkaloob sa atin ng Diyos at itinuro sa atin ; kailangan mamuhay tayo sa katotohanan, makilala natin siya, igalang at mahalin ang Diyos ng buong lakas, ng buong puso at mahalin ang ating kapatid na lalaki.

Ito ang katotohanan na kabaligtaran sa mundo, ang kalayaan pinapayagan na kontra sa etika at moralidad, kontra sa batas, kontra sa nilikha ng Diyos at mapaghamak sa madaling salita. Sino ang nakakagawa nito? Ang demonyo nakikita niya ang ating kahinaan, at bubot na paniniwala? Dahil tayo ay mahina ginagalit niya tayo sa kanyang paraan, hindi dapat matalo ang henerasyon sa kanyang kamay? Ngayon, ang Diyos ay hindi puwedeng umalis hanggang ang kanyang anak ay nasa lupa-Eukaristiya ni Hesus ; ang kanyang anak ay Lumuha ng Dugo upang iligtas ang bawat isa at ang Inang Maria sa kanyang sarili ay lumuha rin ng masagana sa buong araw para ipagdasal ang daigdig. Ito ang pagkakataon sa araw ng pagliligatas; ito ang maliwanag na istorya ng kasaysayan, konektado sa programa ng Diyos na plano at inayos para sa atin. Ang Omega at ang kaligtasan ito ang oras ng kaligtasan, kailangan makinig na mabilis at magbalik ; kailangan pahalagahan natin ang mahalagang regalo sa kaluluwa,katawan sa araw araw sa ating buhay para maunawaan natin kung kailan magsasanay ng buong kaluluwa,katawan, isip at nagsisi at nagbabalik na puso, tumatanggap tayo ng kapatawaran. (10) Ito ang buwan na ipinagkaloob ang Divne Mercy, sa henerasyon sa henerasyon, subalit ito ay matatapos pagdating ng araw, dahil sa Alpha at Omega mugmula ng umpisa pa lamang ; ngayon ang oras sa mga pangangailangan, ang Diyos ay nagbibigay ng grasya at biyaya na hindi katulad ng dati. Ngayon, ang daang taon papasok sa oras na walang katahimikan at ang tao ay nabubahay sa pagnanakaw at sa kadiliman,ang kamatayan at sakit ay makikita kahit saan sa mga tao. Ang pagkaalam natin, ang Diyos ay naglikha, ang Diyos ay may karapatang magbigay,magkakaloob,bumawi at ang Diyos ay may karapatang mamarati, ang sa atin huwag nating itanggi ang Diyos kundi magbalik. Ito pa rin ang araw ng kalayaan upang makilala ang kalagayan ng tao at maintindihan na tayo ay magbalik ng buong puso ; hindi lamang para sa ating sarili kailangan kumilos din tayo alang alang sa mga kapatid na lalaki, dahil ang oras ng grasya at biyaya ay ipinagkaloob ng Diyos.

Ang Ina ay tinuturuan tayong ipagdasal ang may matigas na puso, mga taong hindi naniniwala,mga taong walang alam na henerasyon na kailangan magbalik. Ang Diyos lamang ang makapagbibigay ng pagkakasundo,kaligayahan, at kapayapaan; ang Diyos lamang ang makapagbibigay magandang bagay sa pagibig, upang maipagpatuloy ang mundo na perpekto at ang kabutihan ipinagkaloob sa atin ; tayo ang sumisira sa ating sarili,mayroong digmaan, umaasa tayo sa agham at teknolohiya, umaasa sa talino na naging dahilan ng ating kayabangan. Paalalahanan natin ang ating sarili,sa bawat papel : pera pagsikat, lahat ng namana natin sa mundo ay magiging maliit at mawawala ; ano ang nasa kaluluwa mayroong presyo ang Diyos nilikha tayo at binigyan tayo ng puso at kaluluwa,sa buhay natin ngayon at sa kabilang buhay sa kaluluwa subalit hindi natin alam at naunawaan at nininiwala. Ito na ang oras; kailangan malaman, maintindihan, maniwala para makilala na ang Diyos ay darating at nagpakilala siya sa Eukaristiya ,para mabatid natin na ang ilaw ng Diyos ay ilaw sa langit, ang mga nanggagaling sa kadiliman ay sisirain ng ilaw na hindi niya kasapi. Ito ang katotohanan na dapat malaman ng tao,marinig at tanggapin ; bawat klase,bawat papel, kung sino ang may taynga dapat makarinig, at kung sino ang may mata ay kailangan makakita at ang puso ay makaranas at magwari sa nangyari at nangyayari. Ngayon nagpapasalamat ako sa pagibig ng Diyos sa akin tumanggap ako ng grasya na ating kailangan ngayon kami ay nakaluhod sa altar, tubernakulo,sa Krus at sa rebulto ng Our Lady of Mount Carmel at larawan ng Divine Mercy,para tumanggap ng mensahe sa inspirasyon ng Banal na Espirito, upang ipaliwanag sa tao ang 6 na Pagyukod (11) tayo ay abala sa nangyari at kung ano pa ang darating sa daigdig. Ang 6 na Pagyukod ay may pamamaraan, ang arte na itinuro ng Ina ay napakaganda,magaling sa mata kung nagsisilbi tayo sa Diyos na galing sa ating kaluluwa, at ipinakikita ang para sa Diyos.

Sa kalagayan ng tao, kailangan malaman natin kung ano ang dapat gawin sa ating sarili, ano ang totoo subalit may mga tao na maraming katauhan.Ngayon ang mga bagay ay sinabi at inialay sa Diyos,kaluluwa at katawan sa pamamagitan ng kilos, sa tawag ng dasal hindi natin masabi sa ating sarili kundi sa pamamagitan ng Banal na Espirito na tumutulong sa ating pagdarasal sa buhay,magtanong sa Diyos,makita (12) sa pamamagitan ng milagro na ipinagkaloob sa atin at sa sandali nagdasal tayo at tawagin at naniwala. Ito ang bagay na kailangan ang inspirasyon ng Banal na Espirito para mabuo ang mensahe ngayong umaga ,sa espirito ng pasasalamat, papuri; upang sambahin ang Diyos na nagbigay sa akin at sa kapatid na lalake at babae na ipinadala upang maging saksi at tagapanguna ng bagong henerasyon, ang grasya ng 6 na Pagyukod o Kowtows. Ngayon mayroon tayong pagkakataon na tumanggap ng mensahe sa isang sandali at tumistigo sa 6 na Pagyukod o Kowtow kahit saan; lahat ng lugar pinuntahan namin at patuloy ang pagbisita sa mga ibang araw na darating. Ito ang dahilan para makinig ; kung sino ang may taynga makinig at kung sino ang may mata ay makakita at ang bawat puso tumanggap ng grasya at biyaya na galing sa Diyos na inilalaan at ipinagkaloob sa atin. Kapag naharap tayo, ang banal na kalinga ay tatakpan tayo kung kasapi tayo sa Diyos; ang ating isip ay maliliwanagan at madali nating makikita ang mabuti at masama para makapagpasya at magkaroon ng kalinga. Sa grasya ng Diyos makikita natin ang nakaraan, mga kamalian para makabalik tayo sa pagibig ng Diyos,kasama ang naglikha at ang maawaing Ama, ang nagiisang Ama, na nakapagbibigay ng kaligayahan at kapayapaan sa buhay at sa kabilang buhay hanggang huling sandali ng ating buhay. Buksan natin ang taynga para makita natin ang kahulugan ng bawat pagyukod na iniaalay natin sa Diyos, buksan natin ang puso para maunawaan ang kahulugan ng pagliligtas na ginawa ni Hesus para makilala ang kabanalan na minana sa kaluluwa at katawan sa pamamagitan ng Banal na Espirito at hayaan natin maranasan ang pagdalo niya na siya ang boses sa daigdig sa pamamagitan ng Eukaristiya ni Hesus. Ang kasiwalatan ng milagro ay ipinakita ang kabanalan sa katuhan ng tao sa mundo, pinaaalahanan tayo na huwag kalimutan ang pagliligtas ni Hesus noong siya ay pinatay, upang maliwangan ang tao sa buhay.

Salamat sa pagliligtas, puwede tayong magpakita,magbalik sa langit, magkaroon ng tahimik at masayang araw sa lupa puno ng kahulugan na may pagkakataon na matutuhan ang doktrina. Hindi natin puwedeng kalimutan ang tao na tumatayo sa atin, ang Inang Maria, siya ay perpekto sa Diyos Ama, naging Reyna siya ng langit at namuhay sa lupa na walang batik ng kasalanan. Ngayon ang Ina at tumutulong at nagtuturo ukol sa kahulugan ng 6 na Pagyukod o Kowtow na maliwanag na ipinaliwanag. Sa pamamagitan ng 6 na Pagyukod o Kowtow nakikita natin ang mga santo at ang mga banal na anghel ginagabayan tayo at ipinagdarasal lagi at tinutulungan sa banal na gawain kapag itinaas natin ito sa Diyos. Mayroon tayong buong kalangitan ng hukbo pinagtatakpan at kinakalinga tayo kapag naunawaan ang 6 na Pagyukod o Kowtow; kapag sumuko at dumapa ng buong puso, makikita natin ang banal na kalinga, maunawaan natin ang kasalanan, tayo ay hihinto sa paggawa ng kasalanan at makikita natin ang laman ng kasalanan, makakapisan natin ang Diyos sa grasya na pinagtakpan at kinalinga tayo ukol sa kahulugan ng 6 na Pagyukod o Kowtow sa ngayon, ako at ang mga kapatid na lalaki at babae ay nagkaroon ng pagkakataon na tumanggap at makarinig. Ito ang mahalagang bagay na ating natutuhan dahil sa kadakilaan ay hindi matigil at walang katapusan sa pagtuturo sa araw araw at bawat sandali kung may pagkakataon. Ito ang katotohanan at kailangan masaksihan para sa buong daigdig, para mabatid,magbalik at tanggapin ang biyaya at grasya na nanggaling sa Inang Maria tinuturuan tayo at ginagabayan ang tao sa daigdig para makalinga at patirahin sa espesyal na paraan, lalo na sa huling araw ng daang taon at sa darating na araw sa bagong mundo.Kung mayroon tayong pagkakataon na may tunay na kalingain tayo ng Diyos,kapag tinanggap natin sa Diyos, patawarin tayo at puwede pa rin tayong umasa na makarating sa bagong daigdig na ang Diyos ang nagaayos sa bilang ng mga tao para dumating ; kung mamatay tayo sa daang taon magkakaroon tayo ng saya at kapayapaan kapag nakasapi tayo sa Diyos, sa pamamagitan ng pagpapatawad kapag sumuko at yumuko a t dumapa sa Diyos upang magbalik sa langit kasama ang Diyos ; Lahat ng dapat sabihin ay sinabi ko at natapos ngayong umaga. L. nabuo ang mensahe sa inspirasyon ng banal na Espirito eksakto 11:08 ng umaga Martes, Septyembre 13,2016 sa Santa Teresa simbahan, sa altar, sa krus ng Tubernakulo as sa rebulto ng Our Lady of Mount Carmel at larawan ng Divine Mercy. Ang 13 araw ay sa Mahal na Ina; nagkaroon ako ng pagkakataon ngayong umaga na makatanggap ng bagong mensahe at nagkaroon ng pagkakataon na ipaalam sa mga tao upang makinig ukol sa kahulugan ng 6 na Pagyukod o kowtow.

Bawat papel, bawat klase kailangan marinig at malaman upang makapag bigay ng hatol sa ating sarili; ito ang banal na gawain na ibinigay sa mga tao at pinakamahalagang tungkulin upang harapin at ibigay sa lahat na kapatid na lalake at babae para tanggapin at pakinggan at sa parehong oras magkaroon tayo ng pagkakataon na magdasal sa mga tao sa purgatory,mga taong matigas ang puso, magdasal sa mundo at magbalik at ipagdasal ang mga taong sira upang makabalik sila sa Diyos. Sa sandali na ipinagkaloob ang Banal na Awa na inilaan sa atin, ang grasya at tulong sa araw na ipinagkaloob sa atin ang pinto ay bukas, ito ang Hubeleo ng Taon na ang Inang Maria ay determinadong tulungan at turuan tayo. Ito ang pagkakataon dapat pansinin ng malalim upang lumapit tayo sa Diyos na naniniwala ; palakasin na tayo ay para sa Diyos na ating sinasamba,yumuyuko,sumusuko at tapat na nagsisi upang bumalik tayo sa kanya sa mga lugar na yumuko ang ulo, upang sambahin ang Diyos sa pamamagitan ng kahulugan ng 6 na Pagyukod o kowtow, upang mabawi ang tunay na pagwawagi sa pamamagitan ng Pinakamalinis na puso ng Inang Maria at ang buong pagwawagi ng Ina na ibinalita sa mga tao sa mundo na ating narinig at nalaman. Sa banal na pangalan ni Hesus Kristo , ang Ina ay naghihintay ng pagtulungan ng bawat isa na dalhin ang bandila kasama ang Ina sa mundo na may pagwawagi sa kapayapaan-para maghari at sa harap ng Diyos sa nalalabing araw ; ito ay grasya, huling grasya na ating tatanggapin at marinig natin. L. natapos ang mensahe 11:10 AM tatlong daliri ibig sabihin trinity pagkatatlo,ang harap ng tatlong anghel na kinakalinga ang mensahe para sa mundo.Ito ang mahalagang gawain na tayo ay nagpapasalamat,pinupuri ang banal na pangalan ni Hesus Kristo ating Panginoon.

Foot note

  1. Dito sa Amerika, Septyembre 2015
  2. Ang Diyos ay ibinigay ang 6 na Pagyukod o Kowtow ang malaking supernatural na lakas lalo na sa pansariling pagbabagong loob at namagitan. Ito ay banal na gawain; binabaligtad ang yabang ng demonyo at tumanggi na yumuko sa isang sabi sa harap ng Diyos; ang demonyo ay walang lakas kapag naharap ang pagpapakumbaba,hindi alam kung ano ang gagawin sa kanilang harap. Ang 6 na Pagyukod o kowtow ay mabisa ibinabalik ang mga kasalanan sa Diyos ( nagpapakababa sa harap ng Diyos,humihingi ng Awa hindi sa salita kundi sa katawan,espirito at kaluluwa Thesalonian l 5:23 hindi purong espirito katulad ng anghel at ng Diyos). Sa 6 na Pagyukod o Kowtow ang katawan, isip at puso at kaluluwa ipinadadama ang ating sarili sa Panginoong Diyos na maawain sa mga nagbabalik at maasikaso sa dasal na gustong magbalik.
  3. Ang turo ni Santo Vincent de Paulo,ang kababaang loob ay katotohanan
  4. Ang 6 na Pagyukod o kowtow ay ibinigay sa mundo ng Banal na Ina, ito ang kanyang itinuturo
  5. Dahil siya ang Pinakamalinis,wala siyang 3 epekto: kadiliman ng talino, kahinaan ng kalooban, kaguluhan ng mababang haling at damdamin. Hindi tulad nila Adam siya ay sumang ayon sa grasya at sakdal ng pagibig ,nagpakumbaba at may takot sa Diyos.Mahal niya ang Diyos kaya iniwasan niya ang magkasala.
  6. Saan at Bukal sa mensahe patungkol sa Diyos
  7. Sa Bibliya,ang diyos ay nabanggit sa isip lamang ng lalake
  8. Ang katapusan ng kasalukuyang epoch
  9. Ang dius diusan ay marami,nakakalamang sa mundo hindi nating kayang talunin. Natalo tayo sa labanan. Ang katapusan ng mundo na ating tinitirhan ay pangit.
  10. Sa pamamagitan ng 6 na Pagyukod o kowtow ay hindi puwedeng pamalit sa kumpisal sa mga katoliko o orthodok kristiyano ,ang Diyos mapapatawad ang kaluluwa kapag nagsisi. Ang simbahan itinuturo na ang perpekto at imperpekto ay puwedeng patawarin ang venial maski mortal na kasalanan sa labas ng sakramento ng kumpisal.Subalit sa ordinaryong pangyayari ang sakramento ay laman para ang pari ay mawatasan at mapatawad ang tao sa ngalan ni Hesus.
  11. Ang 6 na Pagyukod na mensahe ay nanggaling sa inspirasyon ng Banal na Espirito.
  12. Ito ay ukol sa milagrosang litrato ng eukaristiya na nakunan ni L. sa cell Phone.
error: Content is protected !!