Bago Revelations Eucharist Sa

Salamat sa Ina na Nagturo sa Atin

Mensahe sa inspirasyon ng Banal na Espirito kay L.

Oktubre 3,2015

L. :  O Panginoong Diyos , noong  11:14 ng umaga, Sabado, Oktubre 3,2015 sa simbahan ng Holy Rosary. Ngayon ay ang unang sabado ng buwan, nagkaroon kami ng  pagkakataon na magsimba. Ang Oktubre ay araw ng buwan ng pagrorosaryo ; gusto naming ipagpatuloy ang pagsisimba sa mga darating na araw ; ito ang buwan ukol sa mga bulaklak (1) upang mamintuho ( venerate ) ang Banal na Ina ng mga rosary. Pagkatapos naming magsimba, bilang tagapanguna , testigo  sa mga bagay nating alam at narinig sa pamamagitan ng kahulugan ng 6 na Pagyukod o Kowtows, inilalalyo natin ang oras upang itaas sa Diyos.

O Diyos Ama – salamat sa Ama (2) sa grasya ng pagibig na ipinagkaloob sa atin ;  ang Ama ipinagkaloob  sa atin ang hindi mabilang ng grasya, para sa kapatid na lalake at babae sa buong mundo. Dumalo kami sa misa na iniaalay sa mga tao ng Legion of Mary samahan ;  nagpapasalamat kami sa grasya ng ama at alang – alang sa mga kapatid na babae at lalake, yumuyukod o nagkakowtow kami na may paggalang sa Ama-nagpasalamat,purihin,igalang ang  karangalan. Marahil ang mga kapatid na babae at lalake hindi nila alam subalit sa sintimyento sa darating na hinaharap (future)  ang  ay magiging magkasama (3) upang pasalamatan ang pagibig ng Ama na  inilalaan niya sa atin, para pangkalahatan at sa bawat tao. Ito ang grasya sa nalalabing araw,dapat nating tandaan na lagi dapat igalang ang Ama sa ating buhay ng buong puso at kaluluwa sa pamamagitan ng pahiwatig na pagdapa ng ating puso, at tanungin ang Ama ng  Awa, at mamagitan siya sa ating sa mundo. Napakaraming paghihirap sa buhay at miseries na dapat nating harapin ; Ama paki basbasan mo kami at proteksyonan  at patawarin ang aming mga anak na nagsising puso sa kilos at gawa at sa pamamagitan ng kilos na nakadapa .

Gusto kong ialay kay Hesus ang ikalawang Pagyukod o Kowtow ; salamat sa Diyos ; namatay siya ng dahil sa atin,ang pangalan ng Diyos ay may kaugnayan kapag itinaas natin sa kanya nagiging malusog tayo sa pamamagitan ng paggalang na nanggaling sa atin kapag binanggit natin ang’ Hesus Kristo’. Ito ang katotohanan :  sa katauhan sa mundo, magmula noong umpisa, noong araw na ang Ama ay nagkatawang tao sa mundo hanggang ngayon, ang Ama binigyan tayo ng napakagandang (sublime) biyaya na inilaan na Ama sa atin sa pamamagitan ng maraming grasya. Ngayon makikilala natin at makikita ang pagkamalapit upang malaman kung ano ang paraan para maibalik natin ang pagmamahal ng Ama  na iniwan sa atin?  Iniaalay natin ang Ikalawang Kowtow alang-alang sa mga kapatid na lalake at babae sa pakiusap natin. Aming Ama paki pagpatuloy ninyo na gawin kaming banal at baguhin ang aming buhay sa lupa para sa aming kaluluwa at makaharap ang Ama upang magpasalamat, igalang at purihin ang pangalan ni Jesus Kristo na ating sinasamba.

Ang Ikatlong Pagyukod o Kowtow, yumuko ako at salamat sa grasya ng Diyos Espirito Santo. Salamat sa mga salita, mga salita na ating alam, mga damdamin at ang kahulugan na bawat kowtow na nanggaling sa Espirito Santo, alam  natin ang banal na bagay, alam natin piliin ang mabuting bagay ,ang banal.  Siya ang pagibig. Siya ang ilaw at ang buhay. Siya ang pag-asa ; paki gabayan mo ang mga tao, mga kapatid na babae at lalake sa mundo na magkaisa ng isip, dumapa sa pagibig ;  para lahat ay makinig at kumilos na nagkakaisa sa buhay, magpatuloy na magdasal sa Ama sa gabay ng Espirito Santo ; nakayakap sa pagibig, napakatalinong karunungan tinuturuan tayo araw-araw para alam natin pigilan,pagtagumpayan, lupigin (conquer) lahat ng bagay na espirituwal sa buhay, para sa ating kaluluwa,dahil ang bawat isa ay nakalimot at laging kilala sa buhay upang ialay lagi sa Diyos, sa Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espirito Santo.

Sa Ikaapat ng Kowtow o Payukod, salamat sa pagibig ng Diyos – puwede na nating tanggapin ang Banal na Katawan at Dugo ng Diyos ng buong puso .Aming Ama manatili kayo sa amin ; paki bigyan mo kami ng grasya upang makilala namin ang pagmamahal ng Ama ,makilala ang grasya ng Ama sa araw- araw sa aming buhay, pakainin ang aming kaluluwa at katawan sa pamamagitan ng katawan at dugo ni Hesus, gawin mo kaming banal araw-araw para makilala ang pagibig ng Ama at makaharap sa ating puso upang matutuhan ang kababaang loob (meekness)  at pakumbaba at makaharap upang humingi ng proteksyon at tulong sa  masaklap na karanasan, sa paghihirap sa buhay upang maging handa na ireserba ang lugar  ng Ama sa ating puso, para maging karapat dapat tayo sa buhay kapag nakita natin ang kahulugan ng Banal na Eukaristiya ng Ama, kapag nakilala natin ang Katawan at Dugo na nagpapakain sa ating kaluluwa,katawan at sa ating isip.

Lahat ng bagay sa ating buhay dapat isuko at tanggapin ang grasya ng Ama na inilaan para sa atin,upang gabayan at pangalagaan tayo ; sa kaharian, ang Ama ibinuhos ang mga grasya sa bawat isa. Aming Ama tulungan mo kaming mag-malay tao ( conscious) at  ipakita sa lahat ang magaling na misteryo na ngayon ating naririnig ang salita at maranasan at tunay na makaharap.  Aming Ama manatili  ka sa amin araw-araw ; sabi ng Ama :” Ako ay laging nasa inyo habang kailan pa man”. Hayaan nating mangyari ito ; ilagay ninyo ito sa inyong isip habang panahon, sa katapatan at tiyaga hanggang sa huling sandali  natin kay Hesus Kristo ating Diyos sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya.

Panginoong  Diyos, salamat sa grasya ng Limang Banal na Sugat. Iniaalay namin ito sa Pang-limang Kowtow sa Diyos dahil ang Limang Banal na Sugat ngayon mayroon ( exist) at nabuhay na maligaya sa biyaya ng Ama. Ang salita na Ama ay nanatili sa atin at naunawaan ang kahulugan kapag naging pag-aari natin ang Limang Banal na Sugat ng Ama, noong tinanggap natin ang marka ng pagibig sa ating puso at sa kailaliman ng kaluluwa ng Ama at sinabi niya na hindi niya tayo pababayaan. Maski hindi tayo banal, maski wala tayong alam o kung ano ang ating nakagawian,walang malasakit (indifferent), malamig subalit dahil sa pagibig lagi tayong inaanyayahan upang tulungan tayo ; ang Banal na Awa ng Ama ay  walang hanggang naghihintay na bigyan tayo ng  buhay , bigyan tayo ng bagong buhay at ibigay sa atin ang pinanggalingan ng bagong buhay.

Aming Ama paki tulungan mo kaming makilala ; lalo naming inilaan  habang panahon ang Panglimang Kowtow para mamintuho (venerate) ang Limang Banal na Sugat na inilaan para sa atin alang -alang sa ating kapatid na babae at lalake sa buong mundo na hindi nakakaalam, hindi naniniwala, mga taong  tinanggihan at mga taong nabubuhay sa kasalanan, mga taong nagpapasakit sa puso ng Ama araw-araw.Hayaan mong aliwin ka namin aming Ama,kahit ano ang aming ginagawa ngayon nakayuko at nagdarasal,nakadapa at sinasabi sa Ama : Ama, patawarin mo kami ; humihingi kami ng tawad sa ngalan ng aking mga kapatid na lalake at babae na hindi nakakaalam at hindi nakikilala ang Ama. Ama ang pagibig ay naging marka ng bawat isa ; sana mapagtanto nila ang pagibig ng Ama upang magsisi at magpinitensiya at magbalik sa paanyaya ng Ama  sa Banal na Awa na ipinagkaloob sa atin. Ito ang pasasalamat at pagpapahalaga na aking itinaas sa Limang Banal na Sugat.

Iniaalay namin ang Pang-anim na Kowtow upang pasalamatan ang Pinakamalinis na Puso ng Inang Maria.Ginagalang natin ang Ina ; at inirereserba natin ang espesyal na Kowtow sa Ina.Ngayon alam natin ang yumuko at sumamba ng buong puso at  buong katawan salamat sa Ina na nagturo sa atin ; ang Ina inihayag niya ito sa mundo. (4) Ito ang bagong pagsasanay na dapat nating makilala sa madaliang oras na ating narinig at tinanggap ang turo na galing sa Ina. Lalo na ngayon ang Oktubre ay buwan ng paggunita sa Banal na Ina,gusto  nating ipagpatuloy na makinig sa turo ng mga  salita ng Ina na nakdapa, ng buong puso at kaluluwa , nagsisi upang makilala ang kamalian sa buhay , maging banal tayo sa doktrina na itinuro ng Ama.

Sa isang banda mayroon tayong Ina ; hindi puwedeng wala tayong Ina- bawat segundo,minuto sa buhay nagtatanong tayo sa Ina ; paki pagpatuloy ninyo na turuan kami, gabayan at laging mamagitan sa amin sa aming Diyos. Ang Ina ay tagataguyud upang mamagitan sa Diyos para sa atin ;  dahil  mahina ang ating laman maraming beses tayong bumabagsak at marami pa ring bagay na hindi natin maintindhan ukol sa pagibig at mga grasya na ipinagkaloob ng Diyos sa oras ng biyaya at grasya. Ina, paki turuan mo kami; Ina ipakita mo sa amin kung paano mapalapit sa Diyos upang maunawaan ang ipinagkaloob ng Diyos sa amin sa oras na ito. Tumatayo kami para sa mg tao sa mundo-na may boses ng buong puso, sa pagbabalik,nakadapa at tinatanong ang Ina na mamagitan at ituro tayo sa pagibig ng Diyos, upang magwagi sa huling labanan sa natitirang araw sa daang taon, ang araw ng Paglilinis. Lahat ng nangyayari ay nangyayari,tayo  lagi tayong nakayakap sa mantle ng Ina, umaasa sa hukbo ng Ina, sumasanib sa hukbo ng Ina at mamagitan sa katauhan sa mundo upang hindi natin maranasan ang gulo at ang mga kasalanan ngayon sa mundo.

Nagpapasalamat ako sa lahat ng bagay na iniaalay sa Diyos alang -alang sa mga kapatid nating lalake at babae sa buong mundo. Tayo ang tagapanguna sa papel upang ipagpatuloy na matahimik patungo sa altar,kahit saan sa Krus,kahit saan sa litrato ng Divine Mercy , kahit saan  sa litrato ng Sacred Heart ni Hesus (5) kailangan dumapa at itaas sa Diyos ang damdamin sa ngalan ng mga tao na walang malasakit at malamig alang -alang sa mga tao na walang alam para makiisa sa natitirang araw upang maghanda sa nakikita natin ngayon sa mundo,naghihintay sa pagbabalik ni Hesus.

Hindi ko nakalimutan na pasalamatan si San Jose na napakatahimik, laging namamagitan sa simbahan para sa atin , sa ating familya kapag dinaanan natin siya. Ngayon ang Papa dumating upang pagusapan ukol sa buhay familya ;  naniniwala ako na si San Jose ay patriarch (apo) sa nakaraan, ngayon patuloy na tahimik  na nagdarasal sa mundo at sa ating familya, Ngayon nagpapasalamat tayo sa grasya at hinihiling naming na  ipagpatuloy mamagitan sa Diyos para sa tao sa mundo, sa bawat papel ,familya ,sa bawat tao na pag-aari ng Diyos, upang makilala ang Diyos, magbalik sa buhay na nagsisi at hilingin sa Diyos na patawarin ang buong  mundo lalo na ang bawat tao.

Hindi natin puwedeng kalimutan na pasalamatan ang mga anghel, santo at mga archangel na siyang laging pinangangalagaan tayo sa espesyal na paraan. Sa misteryo, sa banal na kaharian hindi natin nakikita subalit gumagana upang  pangalagaan tayo araw-araw ; paki pagpatuloy na mamagitan sa atin at ipagpatuloy na ituro sa atin upang makilala ang grasaya na ipinagkaloob ng Diyos na bastante  sa katauhan sa mundo upang magbalik na kasama na nagkaisa na dumapa,sumamba, magpasalamat at purihin. Sa ngalan ng Banal na pangalan ng Diyos, sa ngalan ng Ama, Anak, at Espirito Santo. Amen, Amen, Amen .

L. natapos ang mensahe eksakto 11:26 ng umaga noong Sabado, Oktubre 3,2015, ukol sa kahulugan ng 6 na Kowtow at ang dasal na salita ay nadarama sa bawat misa ; pagkatapos ng misa itinataas namin sa Diyos ang aming puso at kaluluwa alang- alang sa mga kapatid na lalake at babae sa buong mundo,mga taong walang alam, hindi naniniwala, hindi nakakaunawa, mga taong hindi nakarinig lalo na ang mga makasalanan. Sana ang Diyos ay maawa sa mg tao ; maawa sa bawat isa ; sa mga taong walang malasakit , malamig upang makilala nila ang pagibig ng Diyos upang makabalik tayong nagsisi upang mapaghandaan natin ang  pagbabalik ni Hesus (6)  ikalawang pagbabalik at malagpasan ang  paglilinis na ating haharapin sa buhay may banal na bagay para sa  kaluluwa at ang ating puso  na itinaas sa Diyos. Amen. Amen. Amen.

  1. L. is Vietnamese Amaerican ; Mayo ukol buwan  ng  bulaklak ng Birhen Maria
  2. Ama ukol sa Ama hindi kay Hesus unang katauhan ng Trinity
  3. Prostrate ukol sa Pagyukod ng noo sa sahig anim na beses tingnan ang mensahe Agosto 19,2014 Ito ay pagdarasal na galing  sa puso, nagpapasalamat, iginagalang , sinasamba ang Diyos pinupuri ,naunawaan at namamagitan sa Diyos at Banal na Ina.
  4. Ang 6 kowtow ay regalo ng Banal na Ina sa mundo sa madalian panahon
  5. Pagkatapos ng misa ang altar pa rin ang lugar na karapat dapat gawin ang 6 Kowtow
  6. Ang ikalawang pagbabalik ni Hesus ay napipinto (imminent) Marami pang mangyayari na nakasulat sa Revelation 20 :2-3
error: Content is protected !!