Bago Revelations Eucharist Sa

Pang-Araw-Araw na Dasal

Pang-Araw-Araw na Dasal

ANIMA CHRISTI
Kaluluwa ni Kristo, pabanalin mo kami. Katawan ni Kristo, Iligtas mo kami. Dugo ni Kristo, inebriate o lasingin ako. Tubig sa tagiliran ni Kristo, hugasan mo ako. Passion o Pagsinta ni Kristo, palakasin mo ako. O Mabait na Hesus pakinggan mo ako. Sa iyong mga sugat itago mo ako. Huwag mong payagan malayo ako sa iyo. Sa mga masasamang kaaway protektahan mo ako. Sa oras ng akin kamatayan tawagin mo ako at tulungan mo akong lumapit sa iyo, purihin ka kasama ang mga santo habang panahon. Amen.
DASAL KAY SANTO MICHAEL
San Miguel Arkanghel, ipagsanggalang kami sa araw ng labanan, sa harap ng kasamaan at pakana ng diyablo. Isinasamo namin na ipagtabuyan siya ng Diyos, O prinsipe ng mga hukbo ng kalangitan, sa kapangyarihan ng Diyos, itapon sa impiyerno si Satanas at ang lahat ng masasamang espiritu na nananalakay sa mundo at nagpapahamak ng mga kaluluwa. Amen
ABBA, FATHER NA DASAL
Diyos Ama, ikaw ang Ama at makadiyos na Ama ng mga tao. Sa pagpapakumbaba at malalim na pasasalamat, kami ay nagpapatirapa ang amin sarili sa harapan ng iyong mukha upang epagkatiwala at lubos italaga ang amin sarili, ang amin buhay, ang amin trabaho at ang amin pagmamahal. Gusto namin araw-araw na malaman at mahalin ka ng lubos at tumanggap ng bastante biyaya sa iyong kabutihan at kabutihang loob upang ipamahagi sa iba. Kami ay nagdarasal na ipagkaloob sa amin ang malaking biyaya: na magkaroon ng lubos na pagmamahal maawain puso si Hesus, ang iyong minamahal na Anak, kasama ang Espiritu Santo, upang purihin ang iyong walang hanggan awa magpakailanman. Inang Maria, ang makalangit na Ama mahal ang anak na babae at ang atin maawain Ina, nawa’y ipagdasal mo kami. Amen.
DASAL NA INIAALAY SA BANAL NA ESPIRITU
O Banal na Espiritu ng Ama at Anak, ako ay nagpapatirapa sa harap ng Trinidad, iniaalay ko ang akin sarili- kaluluwa at katawan- sa iyo. Banal na Espiritu ng Diyos, pinahalagahan ko ang iyong purong ilaw, pagkamatuwid at pagmamahal. Ikaw ang lakas at ilaw ng akin kaluluwa. Sa iyo ako ay buhay at gumagalaw at ang aking pagkatao. Hinahangad ko na huwag kitang bigyan ng ikalulungkot ng dahil sa hindi ako tapat. Magmula sa ilalim ng akin puso, hinihiling ko na ilayo mo ako sa kasalanan, maski maliit na kasalanan. Nawa’y ilayo mo ako sa mga masamang isip- hayaan mo akong hanapin ang iyong IIaw, makinig sa iyong boses at sumunod sa iyong inspirasyon.  Hinihiling ko na sundin ka at ialay ang akin sarili at hinihiling ko na alalayan ang akin kahinaan.
Ako ay nakayakap at gumagalang na hinahalikan ang sugat sa iyong kamay at paa- ang banal na marka ni Hesus. Ako ay nagtitiwala sa mahalagang Dugo ni Hesus, at ako ay magalang nagmamahal sa sugat sa iyong balikat, sa tagiliran at sa nabutas na puso ni Hesus. Nagmamakaawa ako sa Diyos, mahal na Espiritu, ang tumutulong sa akin, nawa’y ingatan mo ako sa iyong biyaya para huwag akong gumawa ng bagay na saktan ang Trinidad. Banal na Espiritu nawa’y ibuhos mo ang bastanteng biyaya para masabi ko sa iyo sa lahat ng lugar at lahat ng oras:  “Magsalita, Panginoon, ang iyong alipin ay nakikinig.”Amen.
 
 
DASAL PARA  SA PAGGALANG  SA  BANAL NA
BALIKAT NI HESUS
O Mapagmahal na Hesus, tahimik na Tupa ng Diyos, ako ay miserabling makasalanan, sumaludo at sumamba sa Sagrado Sugat sa Balikat na kanyang tiniis na dalhin ang mabigat na Krus, sinira ang laman sariwa at hinubaran ang ang mga buto na nagbigay ng sakit higit pasa mga sa mga Banal parte sa Katawan. Sinasamba kita, O Hesus lubos na nalulungkot; Pinupuri kita at iginagalang at nagpapasalamat sa Sagrado at masakit na Sugat na nagtitiis sa kirot ng sugat at nagmamakaawa sa sobrang sakit at sa sumisirang bigat ng Krus sa balikat na maawa ka sa akin, sa mga makasalanan, patawarin mo lahat ang akin malaking kasalanan at maliit na kasalanan at dalhin mo ako sa langit sa daan ng Krus. Amen.
Ang Papa Eugenius III, sa kanyang kahilingan ng Santo Bernard, ipinagkaloob ang tatlong libong taon Indulhensiya sa lahat na nagsisising puso, dasalin ang Ama Namin at Aba Ginoong Maria tatlong beses, bilang papuri sa Sugat sa Balikat ng Banal na Tagatubos.
 
 
DASAL NA INIAALAY  SA  AMING GINANG
SA  MALINIS NA PAGLILIHI
O Inang Maria, kami ay nakaluhod sa iyong paanan at nakayapos sa balabal  o mantle ng birhen upang purihin ka. Nawa’y ang bawat isa makakilala, magmahal at igalang ka bilang Arko ng Bagong Tipan, ang larawan ng kasunduan sa pagitan ng Diyos at tao  ng dahil ang Tagatubos, dahil sa nagkatawang salita na ipinanganak sa iyong sinapupunan. Nawa’y ang langit ihayag ang iyong kaluwalhatian at ang buong mundo purihin ang iyong Malinis na Puso. Ang iyong pagmamahal sa Diyos, ang iyong pagmamahal na ibinigay sa mga tao ay masagana at walang katapusan. Iniaalay ko sa iyo ang akin kaluluwa at katawan. Nawa’y ang akin buhay ay maging awitin inialay ko sa iyo.
Gusto kong maging pag-aari mo ako ng lubos, nawa’y basbasan mo kami at tulungan maging tapat kay Hesus, ang iyong mahal na Anak. Dahil ikaw ay puro at banal sa buhay, magdasal kayo mahal na anak, nawa’y si Hesus Kristo, hugasan ang akin kasalanan ng kanyang Dugo at hayaan mo ako iwasan ang mga masama na ugali. Dahil ikaw ay katuwang ng Tagatubos, halina at sirain ang kapangyarihan ng demonyo at dalhin ang kaligtasan ng mga tao. Inang, nawa’y gabayan  mo kami at ang mga tao magbalik, magsisi at magtirapa sa harap ng Trinidad. Dahil ang Diyos ginantimpalaan ka ng higit sa lahat ng mataas na katayuan sa kahat ng tao sa langit, nawa’y ang akin kaluluwa ay walang hanggan basbasan magpakailanman sa iyong tabi. Hinihiling namin ito sa ngalan ng Panginoon Hesus Kristo, ang iyong Anak at amin Diyos. Siya ang Kataas-taasang Tao na buhay at maghari kasama ang Diyos Ama, nakiisa ang Banal na Espiritu, magpakailanman at magpakailanman. Amen.
DALANGIN KAY SANTA GERTUDE
Walang Hanggan Ama, Iniaalay namin ang pinakamahalaga
Dugo ng iyong Banal na Anak, na si Hesus, kaugnay sa mga misa sa buong mundo ngayon, para sa lahat ng banal na kaluluwa sa purgatoryo, para sa mga makasalanan kahit saan, mga makasalanan sa unibersal na simbahan, mga tao sa amin tahanan at sa amin pamilya. Amen.
ANG ANIM NA DALANGIN NG KOWTOWS
Pinakabanal na Ama, ang Makapangyarihan at Walang Hanggan Diyos, magkasama kami na yumuko ang mukha, para mahalin, Ibalik ang pabor habang nilikha mo kami at lahat ng bagay sa langit at lupa. Ipinadala mo ang iyong kaisa-isang anak sa lupa upang tubusin kami. Ipinadala mo ang Banal na Espiritu upang pabanalin at bigyan kami ng buhay na masagana. Ngayon kami magkasama, iniaalay namin ang amin dalangin.
UNANG KOWTOW:
Kami ay nagpapasalamat, nagmamahal, sumasamba at pinupuri ang Diyos Ama. Minahal at nilikha mo kami sa iyong laman at sa iyong katauhan. Hinipan mo kami ng Espiritu ang bawat taong  iyong nilikha upang mabuhay. Nawa’y ang sangkatauhan tanggapin at pasalamatan ka sa mabuting iyong ginawa paglikha sa tao. Nawa’y ang iyong pangalan purihin, dumating ang iyong Kaharian at ang iyong kagustuhan ay matupad, dito sa lupa at sa langit. Kami ay gumagalang iniaalay ang amin kaluluwa at puso. Nawa’y tanggapin mo kami sa amin pagbabalik na nagsisising puso. Totus Tuus (ako ay lubos nabibilang sa Diyos.)
IKALAWANG KOWTOW:
Kami ay nagpapasalamat, nagmamahal, sumasamba at pinupuri si Hesus, siya ay masunurin sa utos ng Diyos Ama, bumaba sa lupa naghirap at namatay sa Krus ng labis na pagmamahal sa tao, nagbayad-sala sa amin kasalanan sa buong mundo. Nawa’y Ihayag ang iyong kamatayan at ipahayag ang iyong pagkabuhay, hanggang sa iyong muling pagbabalik. Itinataas namin sa iyo ang amin puso at kaluluwa. Nawa’y tanggapin, pahalagahan at yakapin ang kaligtasan, magsaya sa iyong Banal na Mukha habang panahon. Totus Tuus.
IKATLONG KOWTOW:
Kami ay nagpapasalamat, nagmamahal, sumasamba at pinupuri ang Banal na Espiritu nakatira sa amin upang bigyan kami ng buhay at pabanalin kami. Kami ay naniniwala sa ikatlong katauhan ng Trinidad, ang unyon ng pag-ibig sa pagitan ng Diyos Ama at Diyos Anak. Kami ay sumasamba at iginagalang ka kasama ang Ama at Anak. Nawa’y ang bawat isa makilala at magpasalamat sa iyo at ang tao ay binigyan  mo ng buhay, ang lipunan umunlad at ang mga tao sibilisasyon. Itinataas namin sa Diyos ang amin
kaluluwa at puso. Nawa’y ibigay sa amin ang pananalig, pag-asa, pagmamahal, kapayapaan at pabanalin kami na maging templo ng Banal na Espiritu. Totus Tuus.
IKA-APAT NA KOWTOW:
Kami ay nagpapasalamat, nagmamahal, sumasamba at pinupuri ang Eukaristik Hesus, ng dahil sa pagmamahal sa mga tao ginagawa niya ang pang-araw-araw na ialay at Pagtubos na Sakripisyo sa buong mundo para maging Banal na katawan, Banal na Dugo, kaluluwa at Banal na Hesus Kristo, upang pakainin ang atin kaluluwa. Nawa’y ihanda natin ang atin kaluluwa na mayroon paggalang bago tanggapin ang Katawan at Dugo at at magkalapit ang loob na nakiisa sa iyo. Nawa’y tanggapin mo kami sa iyong puso at gawin mo kaming tuntungan ng iyong paa. Nawa’y bawat tumanggap kami ng iyong mahalagang Katawan at Dugo, kami ay naghahayag ng iyong kamatayan at ipahayag ang iyong Pagkabuhay hanggang sa iyong muling pagbabalik. Itinataas sa iyo ang amin kaluluwa at puso. Nawa’y kami ay gumalang, sumamba at makiisa kasama ang Eukaristik Hesus sa bawat araw ng amin buhay. Totus Tuus.
IKA-LIMANG KOWTOW:
Kami ay nagpapasalamat, nagmamahal, sumasamba at pinupuri ang Limang Banal na Tanda ni Hesus, na siyang misteryo ng pananampalataya at kumatawan sa Diyos Ama, Diyos Anak, Banal na Espiritu, kasama ang Banal na Katawan, Banal na Dugo, kaluluwa at Banal na si Hesus, kasama ang Pinakamalinis na Puso ng Inang Maria, kumatawan sa lahat ng tao pamilya sa langit. Ang Limang Banal na Tanda ni Hesus, ang Limang Banal na Tanda ng Pag-ibig, ng Grasya, at Banal na Awa. Ang Limang Banal na Selyo ay ibinigay sa bawat isa sa atin at siyang napagkasunduan na ang Diyos hindi tinatanggihan ang taong nagsisisi o tumatawag sa kanyang pangalan. Itinataas namin ang Limang Banal na Tanda, amin kaluluwa at puso. O Diyos, nawa’y pabanalin at magbagong-buhay kami at ang iyong simbahan sa lupa. Totus Tuus.
IKA- ANIM NA  KOWTOW:
Kami ay nagpapasalamat, nagmamahal, pinupuri at iginagalang ang Banal na pangalan ng Diyos Ama na siyang nagbigay ng anak na babae ang Ina ng sangkatauhan, para siya ay ipagdasal tayo, turuan tayo at gabayan tayo pabalik sa kanya. Iniaalay namin ang Anim na kowtow sa Pinakamalinis na Puso ng Inang Maria at nawa’y ang kanyang Puso ay magwagi. Noong pasyon ni Hesus, ang iyong anak, ang kanyang balikat ay nadurog ng trabisanyo o crossbar at hindi na niya maipagpatuloy ang pagbuhat ng Krus. Subalit salamat sa iyong lakas, kahit hindi binubuhat ang krus ni Hesus, hindi ka nanginginig katulad niya subalit binuhat mo ito sa iyong kaluluwa at puso, ang puso nagmamahal, nakikiramay kay Hesus na tulungan siya at magtagumpay sa nakakalungkot na paraan. Iniaalay namin ang amin puso at lahat ng amin pag-aari, nawa’y dalhin tayo
pabalik sa Diyos. Inang, nawa’y ituro sa mga naliligaw na bata ang daan pabalik sa Diyos. Inang, nawa’y mamagitan ka sa bawat isa na makilala ang pag-ibig at pagsamba sa Trinidad. Totus Tuus.
EPILOGO:
Nawa’y dakilain ang mga salita ng pasasalamat, papuri at paggalang sa Ama habang panahon. Hinihilling namin ito sa pangalan Hesukristo, ang iyong anak at ang nakakatandang kapatid na lalaki, ang Makapangyarihan at Naghaharing Panginoon, kasama ang Banal na Espiritu magpakailanman at magpakailanman. Amen.
ANG PAGSASAGAWA NG ANIM NA KOWTOWS
[Pagtitirapa]
Inihayag ng Banal na Ina kay Lucia Phan noong 2014, ito ay pinakamabisa na paraan para bumalik sa Diyos. Kapag ginagawa ang Anim na Kowtows tinutulungan tayo maging pokus at masipag sa paglapit sa Diyos; kasama ang nasa loob ng puso.
error: Content is protected !!