Bago Revelations Eucharist Sa

Ang Kahulugan ng Anim na Pagyukod ng

The Meaning of the Six Kowtows or Ang Kahulugan ng Anim na Pagyukod ng

Noo Sa Sahig Habang Nakaluhod

 

Ang Diyos Espirito Santo ang naghayag kay L.(Interior Locutionist)

ng kahulugan ng Anim na Pagyukod.Ito ay naganap noong Agosto 8, 2015.

 

  1. Sa Ngalan ng Ama,Anak, at Espirito Santo.Amen

 

Panginoong Diyos noong 12:22 ng hapon,Sabado, Agosto 8,2015,kami ay nagsimba at noong Biyernes ng gabi palakad sa bagong oras ng Sabado,pagkatapos ng misa kami ay lagi naming iniaalay sa Diyos ang anim na pagyukod  magmula sa araw na binigyan niya kami ng pagkakataon ng Diyos na makinig sa mensahe ng Mahal na Birhen at kami ay tahimik na yumuyukod sa ibat-ibang simbahan.Ngayon inaalay namin ito sa unang Biyernes ng buwan at tsaka sa unang oras ng Sabado.Panginoon ako ay nagpapasalamat  sa biyaya ng Diyos.Una sa lahat, salamat sa biyaya at sa mga bendisyon na inilalaan mo sa amin; Ngayon sa espesyal na araw ,ang Diyos ay binibigyan tayo ng maraming biyaya, na siyang kasagutan ng mga kapatid na lalaki at babae na nanggaling kung saan-saan,sa pamamagitan ng Anim na Pagyukod ay tumitestigo sila sa pagsasanay ng pagyuko para sumamba sa Diyos sa harap ng altar,sa krusipiho, sa larawan ng Divine Mercy at mga lugar na lagi nating pinupuntahan na may espiritong nagpapasalamat,masigasig na puso at may paggalang na inaalay sa Diyos- “Pinakabanal na Sacramento”. Ngayon ay mayroon tayong pagkakataon na paalalahanan sa misa na igalang ang puso ng Diyos at ang puso ng Mahal na Birhen.

 

Ang Unang Pagyukod ay inaalay natin sa Diyos Ama

Salamat sa Diyos sa mga biyaya inilalaan niya sa atin at binigyan tayo ng pagkakataon na maunawaan ang kahulugan ng Unang Pagyukod, siya ang naglikha ng Langit at Lupa,nilikha niya ako at ang lahat ng anak sa buong mundo.Ngayon ay mayroon tayong pagkakataon na ipakita ang pusong nagpapasamalat,pusong may lubos na paggalang, sumasamba sa pinakamagaling na Diyos Ama,na siyang nagbibigay sa atin ng pagkakataon na ialay ang Unang Yukod ngayon. Aming Ama,  sa ngalan ng mga kapatid na lalaki at babae sa buong mundo, mga anak ng Ama na nasa simbahan at ang mga tupa ng Diyos na nakikilala ang Ama subalit iniwan nila ang simbahan,sa ngayong sitwasyon, maraming bagay ang nangyayari sa bawat lugar, mayroon tayong pansariling gusto, mga taong pinipili ang kalayaan; Maraming bagay ang nagpapasakit sa puso ng Diyos,nagpapalungkot at nagpapadalamhati ng dahil sa mga tao. Panginoong Diyos marami ring tao na pabalik sa inyo, hinahanap nila ang Ama at nakikilala ang Ama,sila ay mga anak na nabubuhay sa kasalanan,mga taong nabubuhay sa “imoralidad”,subalit ang “Ama ng Awa” ay binibigyan tayo ng araw at buwan para malaman ang “pagsisisi” sa pamamagitan ng Anim na Pagyukod—na mayroong nagsisising espirito at puso,nagpapasalamat na espirito, at nagdadalamhating espirito.

 

Diyos Ama, nakikiusap kami na patawarin mo kami at hayaan mong ialay namin ang Unang Yukod sa Ama.Bawat  oras na tayo ay yumuko ang ulo ng buong puso, nababatid natin na maaari nating sabihin at itaas ang ating dasal sa Ama ang mga maraming bagay na nasa ating kaluluwa,mga bagay na nasa ating puso na hindi natin mabigkas.

 

Ito ang mga bagay na nasa ating kaluluwa—ay ang pagmamalasakit, panghihinayang, at mataos na pagsisisi na hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na sabihin, subalit inaalay natin ng buong puso, buong lakas at katawan at kaluluwa sa Ama; O Ama, salamat sa iyong biyaya, pinupuri ko ang Ama, sinasamba ang Ama, dapat alam ko ito noon pang mahabang panahon, at dapat naunawaan ko ito sa kailaliman ng aking puso. Sa mga nagdaang buwan at taon sa ating buhay, maraming araw na ang puso ng Ama ay nahahapis dahil sa ating mga ugali, dahil sa ating kayabangan, at sariling katangian.

 

Ngayon ang Ama ay patuloy na nagpapatawad sa atin,at binibigyan tayo ng pagkakataon na tanggapin ang pagmamahal ng Ama—walang hanggang pagmamahal, walang katapusang pagmamahal at buo at lubos na pagmamahal, ang Diyos ay “Punong-puno ng Pagmamahal”.

 

Ngayon tayo ay binigyan ng pagkakataon magsalita na may espirito na sumamba,yumukod para pambayad sa sala natin sa Diyos Ama. Tayo sa habang panahon matatandaan ang mga bagay na nabunyag ngayon sa mundo sa pamamagitan ng pagtuturo na nanggaling sa Mahal na Ina; buong puso nating tatanggapin alang-alang sa ating mga kapatid na lalaki at babae kahit nasaan,tayo ang tagapanguna sa nalalabing araw, inaalay natin sa Ama dito sa  Simbahan, at dito rin sa lugar na ito mahahayag ang “milagro” na manggagaling sa “Banal na Eukaristika” para ipahayag  natin, para maging malakas at para sabihin at gawin ng walang takot. Ngayon ang natitirang araw ng ating buhay tayo ay desidido na may isang kaluluwa na iaalay sa Diyos Ama sa pamamagitan ng Unang Yukod.

 

 

 

The Second Kowtow o Ang Ikalawang Pagyukod Na Inaalay sa Anak na si Jesus

 

O Panginoon, dahil ikaw ay nasa amin—nasa inyo, inyong –inyo ,ang inyong pagharap,ang inyong storya-ngayon binigyan tayo ng pagkakataon na maunawaan at tanggapin. Iniaalay ng Ama ang Ikalawang Yukod, sa aming minamahal  na si Jesus. Siya ang Diyos na namatay ng dahil sa atin at nagkatawang tao at bumaba sa lupa, kanyang hinubog ang ating mga ugali sa pamamagitan ng ating pasiya at sigla at  lakas ng loob na tanggapin ang ”kamatayan”,  para iwanan sa atin ang pinagmulan ng dakilang biyaya para magkaroon tayo ng pagkakataon na yumuko ang ulo. Ang Ikalawang Pagyukod ay punong-puno ng kahulugan pero hindi ito nanggagaling sa ating kakayahan at naunawaan kundi sa Diyos mismo na nag iwan ng palatandaan, na ating dinaanan para maranasan sa pamamagitan ng pagmamahal ng Diyos Ama kay Jesus, at sa pamamagitan na Diyos Espirito Santo para maunawaan ang kahulugan ng  Ikalawang Pagyukod, para tayo ay yumuko na nanggagaling sa ating mga puso,kaluluwa na inaalay ng lubos sa Diyos.

 

Panginoon ano pang kasiyahan mayroon tayo kundi ang magkaroon tayo ng pagkakataon na magsalita na nangagaling sa ating puso, sa mga araw na nabubuhay tayo sa imoralidad, sa mga araw na nabubuhay na walang kaalaman at kakulangan ng interes at katigasan sa harap ng mahal na Ama, sa harap ng pagmamahal at paanyaya na ibinigay ng Ama dalawang libong taon ang nakakaraan, marahil  mas mahaba pa roon; subalit tayo ay may kakulangan ng interes at kaunti lamang ang nakakakilala at nakakaunawa sa pagmamahal ng Ama.

 

Ang pagmamahal ay nagbibigay ng buhay, nagbibigay ng liwanag at nagbibigay ng pag asa, ngayon ay binigyan tayo ng lakas na yumukod ang ulo at sumamba kay Jesus na buhay na nandito sa atin. Tayo ay naniniwala sa lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos, ang kanyang ginagawa sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal- para hubugin ang mundo, hubugin ang bawat isa, habang iginagalang natin ang bawat isa na pinagkatiwala ang ating paniwala sa Diyos. Sa ngalan ng mga kapatid na lalaki at babae marami pa rin tayong dapat sabihin at itaas ang dasal sa Diyos. Kami inaalay namin sa Diyos ang Ikalawang Yukod upang ipaalam ang espiritong nagpapasalamat sa banal na pangalan ni Jesus Kristo, na namatay siya dahil sa atin at dinala niya tayo sa pinagmulan ng walang hanggang kaligayahan sa langit at doon naghihintay siya para maunawaan  at maranasan at makapagsanay tayo.

 

Panginoon,ako ay humihingi sa “Diyos ng Awa” para sa lahat ng mga tao sa buong mundo, sa oras ng panahon ngayon, marami pa ring tao na hindi naniniwala sa Diyos, mga taong hindi siya nakikilala, mga taong nabubuhay sa kasalanan, at mga taong nabubuhay sa imoralidad. Pakitulungan mo kami, tulungan mo kaming mabuksan ang aming mga mata, tainga, aming mga puso para makilala ang walang hanggang pagmamahal ng Diyos, naghihintay pa rin siya ngayon. Sa ngalan ng mga kapatid na lalaki at babae sa Ikalawang Pagyukod, ako’y nagpapasalamat, itinataas ang kaluwalhatian,iniaalay ang Ikalawang Yukod kay Jesus na ating Diyos.Amen

 

 

 

The Third Kowtow or Ang Ikatlong Pagyukod ay inialay sa Diyos Espirito Santo

 

Panginoon Diyos, ako ay nagpapasalamat sa biyaya ng Diyos Espirito Santo.Paano natin malalaman na mayroong Diyos Espirito Santo? Dahil ang Diyos Ama na nagmamahal kay Jesus kaya nagkaroon tayo ng Diyos Espirito Santo. Ang Diyos Espirito Santo ay nasa loob ng ating katauhan, nasa kailaliman ang ating kaluluwa at puso. Siya ay pag-ibig,  pag-asa ng buhay,nagbibigay ng liwanag sa bawat isa, na nakikita natin sa ating kaluluwa. Panginoong Diyos, kung walang Diyos Espirito Santo, lahat na nanggagaling sa ating bibig, sa ating isip at sa mga banal na bagay, at kung walang Diyos Espirito Santo, hindi natin ito mababatid.

 

Kung ganoon,lahat ng mangyayari ay galing sa Diyos, sa kanya lamang mababatid ang misteryo ng Tatlong Banal na Diyos. Tatlong katauhan ng Diyos subalit isa lamang ang Banal na Katauhan ng Diyos. Hindi ito madaling ipaliwanag sa buong sanlibutan, maski ang simbahan ay nahihirapan ipaliwanag ang misteryo ng Banal ng Tatlong Katauhan ng Diyos, subalit naniniwala at nalalaman ng Diyos ang lantad at hindi lantad na gawa ay maaari nating tanggapin ang pinakamalaking misteryo ng kabanalan na ipinakikita sa atin, sa maliliit na tao, sa mga makasalanan, subalit ang Panginoon ay nagmamahal at nagpapatawad sa atin para magkaroon tayo ng pagkakataon na magsalita na nanggagaling sa ating mga puso sa pamamagitan ng pagpapakumbaba, para iaalay sa Diyos ang pasasalamat at nagpapahalagang puso.

 

O Panginoong Diyos Espirito Santo, sa lumipas na buwan at taon, sa buhay natin, at mga bawat tao sa mundo, maraming beses tayo ay nagpaparaya. Ipinakikita natin ang wastong gawa, hindi tayo nakikinig at pinababayaan ang gawang wasto na bumagsak; hinahanap natin ang katotohanan na minana natin sa ating sarili, naging tao tayong matigas, taong matigas ang ulo at taong hindi sumusuko, subalit ang pagmamahal ay tumatagal ng habang panahon; ang Panginoon ay  nag iiwan sa atin ng kalayaan para piliin – ang Panginoon ay siya paring Diyos na naghihintay ng masidhi para sa pagbabalik ng kaluluwa.

 

Napakaraming henerasyon sa ngayon na tumatanggap ng espesyal na biyaya na pinagkaloob ng Diyos sa mga puso na tinatanggap ang kanyang paanyaya, tumatanggap ng maraming biyaya na pinagkaloob ng Diyos, na nanggaling sa Diyos Espirito Santo; tayo ay tumatanggap para maunawaan natin ang kasaganahan na ibinigay niya sa atin, lalo na ngayon para maintindihan natin ang kahulugan ng Ikatlong Pagyukod, na ating pinahahalagahan at binibigyan ng importansya na ialay natin sa Diyos, sa madasaling tao, at habang panahon sumasamba sa Diyos sa Ikatlong Katauhan; Tatlong katauhan sa isang Diyos, ang Banal na Espirito ngayon ay tinuturuan niya tayo. Siya ay maliksi at alerto,matalino at magaling magpaliwanag at  tinutulungan niya tayo maintindihan ang kahulugan ng buhay at binigyan niya tayo ng pagkakataon magpakumbaba, gumalang at magbigay ng kasiyahan sa ating puso. Panginoong Diyos, patawarin mo po ang aming mga kamalian, kamalian ng aming mga kapatid na lalaki at babae na ating alam,at  mga hindi alam para bumalik sila kasama namin na manggagaling sa lugar ng Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga para pagsamasamahin ang ating kaluluwa at puso para itaas sa isang Diyos na mayroong paggalang.

 

Ngayon ay binibigyan tayo ng pagkakataon na ialay ang Ikatlong Pagyukod sa Panginoong Diyos at sa bawat tao lalong-lalo na  sa Diyos Espirito Santo na ating naririnig, na ating nakikilala, subalit hindi madalas binibigyan tayo ng pagkakataon na makilala at maunawaan ang malalim na kahulugan ng Diyos Espirito Santo na ipinagkaloob sa atin. Tayo ay humihingi ng tulong sa kanya na ipagpatuloy at unawain tayo, bigyan niya tayo ng pagkakataon sa ngalan ng ating mga kapatid na lalaki at babae sa buong mundo- mga taong walang alam,mga taong  hindi naniniwala,mga taong nagbabalak magbalik loob at mga taong nabubuhay sa kasalanan. Tayo ay humihiling na isalba tayo, tulungan at buksan ang ating isip,tainga at mga mata at mga puso para magbalik loob tayo sa araw ng biyaya at araw ng pagbabasbas ng grasya na inihayag ng Diyos at sinabi sa buong mundo ngayon. Iyan ang Ikatlong Pagyukod tayo ay interesado at karapatan iniaalay sa Diyos Espirito Santo.Tayo ay nakikiusap na ipagpatuloy niya ang pagtuturo sa atin para maunawaan ang kahulugan ng susunod na Pagyukod, sa espirito ng taong nakalimot, mga taong nagpabaya, na naging kaugalian, na hindi naunawaan ang dakilang kahulugan. Maraming mga banal na bagay na dapat nating ipaalala sa mga tao sa panahon ngayon ipaalala sa kaluluwa sa bawat isang tao; dapat nating makilala ang ating kahinaan at pagka makasalanan na laging nangangailangan ng biyaya ng Diyos- dapat ay mayroon tayong espiritong nagpapaliwanag ng paggalang, at hilingin natin ang paghadlang para maligtas tayo at tulungan niya ang mga bagong henerasyon.

 

 

 

The Fourth Kowtow or Ang Pang Apat na Pagyukod Na Iniaalay sa Banal na Katawan At Dugo ni Jesus

 

Ako, inaalay ko ito sa may pusong iginagalang ang Banal na Eukaristiya. Tayo, tinatanggap natin ang kanyang Katawan at Dugo sa ating puso tuwing tayo ay dumadalo sa misa,subalit ang pagkaalam natin tungkol sa kalinisan at kahalagahan ay parang lubak na daan sa buong buwan at taon magmula ng tanggapin natin ang unang Komunyon sa ating buhay. O Diyos magmula sa daang taon at panandaliang nakaraang buwan, bawat isang oras na nagyuyuko tayo ng ulo para magpakumbaba, tayo ay nakakaunawa ng totoong kahulugan ng Banal na Eukaristiya, ito ay isang “Banal na Sacramento” ng Panginoong Diyos na ibinigay niya ang kanyang Katawan at Dugo. Ang kanyang pangako sa mga Apostoles at sa buong mundo, ako ay laging nasa inyo, hanggang matapos ang panahon, kasama ang lahat ng bagay na sinabi ng Diyos sa “Huling Hapunan”, ngayon ay patuloy pa rin natin ginugunita bawat araw sa altar; hanggang mayroong simbahan ang misa ay magpapatuloy upang ipahayag ito at para tanggapin ng tao  sa pamamagitan ng tupa ng Diyos. Kung ganoon ang Banal na Eukaristiya ay napakahalaga at totoo subalit hindi natin ito alam. Sa maraming nagdaang henerasyon, maraming beses na hindi tayo karapat-dapat; ganoon pa rin tayo hanggang ngayon at ang mga anak na hindi nakakaunawa ay wala silang alam sa buhay, dahil tayo ay sinasadya o hindi sinasadya subalit sa katapusan na Banal na Eukaristiya ng Diyos ay siya pa rin ang lugar na ipinagkatiwala ang ating sarili, sa araw na pagpapakain ng ating kaluluwa, katawan, at sa katauhan ng mundo.

 

Itong totoong kabanalan kesyo alam natin o hindi, ang Diyos ay tinutupad niya ang kanyang pangako na pinagkakaloob sa ating lahat, ang totoong kabanalan para sa atin tanggapin ang banal na biyaya ng langit at pangalagaan ang kaluluwa at ang katawan, ipinakikita ang dugtong  sa pagitan ng tao at Diyos sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya na ating tinatanggap sa ating mga puso. Higit sa lahat  sa mga bagay na ating pinag-uusapan, kapag nararanasan at nauunawaan ang totoong nakikita sa ating puso, nakikilala natin ang katahimikan ng kaluluwa kapag tinanggap natin siya na karapat-dapat at tayo ay makakadama ng pagmamahal na galing sa napakalinis na pagmamahal  na inilalaan ng Diyos para sa atin; ngayon ang Banal na Eukaristiya ng Diyos ay makikita at pinagkakaloob sa tao, sa pamamagitan ng misteryo ng Diyos na hinahayag na nanggaling sa milagro ng Banal na Eukaristiya.

 

Sa mga nagdaang buwan at taon, ang pinakabagong araw sa simbahan dito sa altar, ang Diyos ay makikita sa Banal na Eukaristiya na ating ginugunita na parang paraiso sa langit na nasa Banal na Altar. Nagkikita sila ng kanyang mga anak kapag nahayag sila; ang pagkikita sa mabuting paraan upang magbalik ang tao at palakasin sa buhay ang pananampalataya lalo na sa ranggo ng mga pari at sa mga ordinaryong tao. Ito ay hindi madaling makita subalit ang Diyos ay pinapayagan tayo na sumaksi at gunitain para makita ang liwanag; ito ay may ebidensya para maunawaan natin ngayon ang Apat na Kahulugan ng Pagyukod at inialay natin sa Diyos. Ito ang mga bagay na tayo ay dapat yumukod na may pasasalamat at may palatadaan ang Diyos na ipinagkaloob sa mga tao. Kailangan ipakita natin na nanggagaling sa puso, at espirito ang kadakilaan na inilalaan ng Diyos sa atin sa pamagitan ng banal na Eukaristiya. Kapag tayo ay yumuko na inialay sa Diyos, at inialay din natin ang lahat ng bagay sa ating kaluluwa ng sapat,at iniaalay sa Diyos ang puso at ang pagyukod na may espiritong nagsisisi.

 

Ngayon, sa gabi sasabihin ko ang tungkol sa Apat na Pagyukod na nanggagaling sa Diyos Espirito Santo; marami pa ring bagay na hindi natatapos  sa oras ng panahon. Mayroon pa ring mga bagay na tahimik nating inialay sa Diyos; ang kaligayahan, katahimikan at pagmamahal ay sa Diyos lamang natin makakamtan. Sa ngalan ng lahat ng lalaki at babae sa pamamagitan ng pagyuko sa Diyos, sa pamamagitan ng Apat na Pagyukod, tayo ay yumuyuko ang ulo para sambahin ang katawan at Dugo ng Diyos na siyang tinatawag natin na Banal na Eukaristiya ng Diyos Jesus Kristo.

 

 

 

 

The Fifth Kowtow or Ang Pang Limang Yukod Na Inialay Sa Limang Banal na Sugat ni Jesus

 

Ngayon, mayroon tayong masaganang buhay,malaya na mayroong karapatan pumili dahil sa Limang Banal na Sugat. Ang Limang Banal na Sugat ay iniligtas tayo para maipamana sa atin ang paraiso sa langit, binayaran sa pamamagitan ng dugo ng Ikalawang Katauhan ng Diyos Anak. Naririnig natin ng kaunti at nauunawaan kung gugunitain natin ang Krus, ngunit ang totoo ang Krus at ang Limang Banal na Sugat ay nakatago sa banal at sa dakilang pagmamahal ng Diyos sa tao.

 

Itong takip na nasa ating kaluluwa, ay pakikinabangan natin kung mauunawaan at malalaman ang wastong kahulugan ng Limang Banal na Sugat. Maski ang tao ay nabuhay sa kasalanan at hindi sumusunod, marami pa ring bagay tayo ay parurusahan na nararapat na nanggagaling sa “Hustisya ng Diyos”, subalit kung iisipin natin ang Limang Banal na Sugat at ang testimonyo ng Limang Sugat ni Jesus, mayroon pa rin tayong pagkakataon para magbago at magsisi. Ito ay isang bagay na dapat bigyan natin ng pansin dahil ang Diyos ay punong-puno ng biyaya. Siya ay hinahayaan niya tayong maliwanagan ang mga bagay na dapat nating gawin- nakatago sa pagmamahal at lalo na sa espesyal na biyaya ng kaligtasan; tayo ay hindi makakaalis at hindi maaring itanggi at burahin sa buhay ng tao.

 

Ang destinasyon ng tao ay iniligtas ng Diyos sa pamamagitan ng Limang Banal na Sugat, para magkaroon tayo ng masaganang buhay hanggang sa kabilang buhay, subalit kung pipiliin at maunawaan ang kahulugan o hindi ay nakasalalay sa bawat tao ayon sa ating pansariling pagpili. Lahat ng ito ay maaalala natin sa Anim na Pagyukod, at sa Limang Pagyukod tayo ay binigyan ng pagkakataon para maintindihan ng maliwanag ang Banal na Limang Sugat, subalit sa buhay natin ngayon ay parang nakalimutan at hindi natin naunawaan ang kahalagahan nito. Ngayon, ito ay binabalikan natin sa pamamagitan ng paghayag sa atin para maunawaan ang kahalagahan ng Limang Pagyukod; pilitin natin hanapin at balikan ng buong pusong nagsisisi, na may takip na pinagkaloob sa atin ng Diyos, para sa pamamagitan ng Limang Banal na Sugat tayo ay magkaroon ng pagkakataon na yumuko ang ulo para pasalamatan at itaas sa Diyos na hindi natin siya maaaring kalimutan, sa pamamagitan ng palatandaan at gawa na nagpabalik sa atin noong tayo ay nasa kadiliman ng kasalanan patungo sa maluwalhating pagwawagi sa pamamagitan ng paghadlang ng Diyos sa kanyang katauhan na ginagampanan  niya para sa mga tao.

 

Tayo, kilalanin natin ang ating kaligtasan sa pamamagitan ng Limang Banal na Sugat, ay hindi pangkaraniwan dahil ito ay pinagbayaran ng dugo sa pamamagitan ng marangal na pagtitiis, lubos na pagpapakumbaba sa lahat ng bagay na pinabayaan, ang Diyos lamang ang maaring tumulong sa atin para bumalik tayo sa kanya lalo na noong tayo’y nasa kasalanan pa at dalhin niya tayo sa liwanag para makapasok tayo sa paraiso sa langit, kung totoong naintindihan at nagsasanay tayo sa mga itinuro na iniwan sa mga tao sa pamamagitan ng Limang Banal na Sugat. Ngayon, ang salita ay nanggaling sa Banal na Bibliya, sa pamamagitan ng magandang balita para paalalahanan tayo; ngayon tayo ay may katibayan at yumuko ang ulo na lantad, kasama ang ating kaluluwa at buong puso na iniaalay sa Diyos, sa ngalan ng mga kapatid natin na lalaki at babae sa buong mundo. Ang mga makasalanan ay humingi ng awa sa Diyos at kapatawaran sa pamamagitan ng Limang Banal na Sugat, hinihiling natin sa Diyos na bigyan tayo ng pagkakataon na makikilala ang Diyos ng Awa para ilubog tayo sa buhay na tubig. Kung ang bawat isa ay nakakaunawa at sumasang ayon sa pagbabalik at naunawaan ang Limang Banal na Sugat, tayo ay yuyukod ang ulo at iaalay natin ang Limang Pagyukod sa Diyos.

 

 

The Sixth Kowtow or Ang Pang-anim Na Yukod Na Iniaalay Sa Mahal Na Birhen

 

Panginoong Diyos,inaalay namin sa Diyos Ama ang Pang Anim na Yukod. Nagpapasalamat kami sa biyaya ng Ama sapagkat ang Ama ang siyang Pinakamataas at Pinaka-makapangyarihan tao sa lahat ng bagay na nangyari,  mangyayari, ang Ama ang siya maaring magdesisyon para iligtas ang mga tao. O aming Ama, inialay ko sa Ama ang Pang- Anim na Pagyukod at itinatanong naming sa Ama na ialay itong pagyukod sa Mahal na Ina, na may iginagalang at Pinakabanal na Puso ng Inang Maria; tayo iniaalay at iginagalang ang Puso ng Ina,siya ang Ina ng Banal na Eukaristiya, siya ang Banal na Ina ng Awa, siya ang Inang walang katapusang tumutulong sa atin, siya rin ang pamagat ng Ina ng mga simbahan,at siya rin ang Ina sa katauhan ng mga tao. Ang mga bagay na ating  nalaman,at ang mga bagay na naintindihan nating mabuti, ang kahulugan na ating sasabihin ay nanggagaling mismo sa Ina. Ang Ina ay tao na iniaalay ang kanyang buong buhay sa Diyos Ama na pumili sa kanya sa katauhan ng mga tao; ang mga bagay na madalas niyang ginagawa ay sumunod sa lahat ng kabanalan at gawa, ang Ina ay ginagampanan at sumusunod siya sa kaisa-isang anak ng Diyos hanggang patungo sa Krus- tayo ay sumusunod sa buong buhay ng Mahal na Ina. Sa katahimikan hanggang sa dakilang kabanalan  na mayroon tayo ngayon.

 

Sa makatuwid lahat ng ginagawa ng Ina ay nanggagaling ng Diyos Ama. Ang Ina ay Reyna ng Langit; ang Ina ay Ina ng Ikalawang katauhan ng Diyos at ang Ina ay may titulo na ating kababanggit lamang sa nakaraang minoto. Ngayon sa relasyon sa Banal na Eukaristika, ang Ina ay Ina ng Eukaristiya; ang Ina ay laging kasama ni Jesus, nakikita niya si Jesus sa piraso ng tinapay, at sa pamamagitan na maliit na bintana mandoria, ay tumitingin sa katauhan- na may paninira, na may takot at may kalungkutan sa katauhan ng mundo. Lalo na sa isang daang taon, marami ang paghihirap at ang halagang ibinayad ay ang Limang Banal na Sugat, ang halaga ng ibinayad ngayon ay Krus na nakikita ng bawat tao at nauunawaan ang kahulugan; subalit ngayon, ito ay naging pangkaraniwan na lamang; naging ugali at ito ay unti-unting lumilipas sa tao. Maraming bagay ang nangyayari sa daang taon; ang mga tao ay hindi kumikilos at inuunawa ang magandanag balita sa unang araw; nakikita natin sa oras ngayon ang mundo ay sinusubaybayan ng sopistikadong talino na likha na nanggagaling sa demonyo, mga masamang espirito na gumagawa ng paraan para mahikayat ang ating kaluluwa at katawan ng mga tao sa mundo- na may kayabangan,may sariling katauhan,mayroong materya,mayroong pera, katanyagan,sariling paghahangad at lahat ng bagay na kailangan ng tao. Nakita ng Ina,at napag alaman niya at nauunawaan niya ang kahulugan ng buhay ng tao dahil ang Ina ay nabubuhay ng maraming buwan at taon sa mundo;nabubuhay sa mga tao at ginagawa ng Ina ang mga bagay na pinagagawa ng Diyos sa Ina –kung ganoon, ang Ina lamang ang taong nakakaunawa at makapagtuturo sa atin na kailangan nating gawin sa nalalabing panahon- at nakikita natin ang paglabag o paglaban nila sa Diyos ay humantong sa katauhan ng mga tao na hindi karapat-dapat-ang panahon na nakakatakot at mahalay. Hindi pa natin binabanggit na ang mga tao ay patuloy na ginagawa ang pagkasutil at kakulangan ng interes ,patuloy na itinatanggi ang Diyos at patuloy na hinahadlangan ang likas na yaman at kalikasan na pinagkaloob sa atin ng Diyos. Nag-iisa lamang klase siya; subalit ang mga tao ay nasa katigasan pa rin,mga sutil at sa maliit na bagay ay patuloy nilang sinasaktan ang Diyos.

 

Kung walang Inang Maria,kung ang Ina ay hindi malapit sa atin para magdasal araw- araw,kung ang Ina ay hindi malapit kay Jesus para magtanong upang ipagpatuloy ng Diyos na gabayan tayo sa mundo, hindi tayo malilikha hanggang ngayon. Ito ang bagay na dapat liwanagin sa Pang-Anim na Pagyukod,tungkol sa dahilan kung bakit ang Diyos Ama na inialay na may paggalang, sa espesyal na paraan sa ating Mahal na Ina.Talagang kailangan natin ang Ina; Ina pakisamahan mo kami,tulungan mo kami aming Ina na ipaalam sa amin ang huling mangyayari, kung ano ang dapat naming gawin at gagawin,sa masigasig na paraan, at kami ay nagpapakumbaba upang tanungin ang Diyos na maawa siya sa atin sa araw ng pagdating ng paghihirap na ating sasapitin sa darating na paglilinis.

 

Napakaraming bagay sa kalagitnaan sa mundo, tayo ay nabubuhay subalit hindi natin alam ang kahulugan na ang Diyos ay binibigyan tayo ng pagkakataon magbago- subalit patuloy pa rin tayo sa kayabangan, masakim, maramot, mahalay sa lahat ng bagay,iyan ang mga kamalian ngayon sa mundo.

 

Lahat ng bagay na sumang-ayon tayo ay papunta sa kamatayan, ang masamang espirito ay pinipigilan at pinagtatakpan ng mabigat na silo na iniiwas niya tayo na huwag makaalis sa madilim na silo ng kasalanan. Dahil doon  ngayon mayroon likas na mangyayari sa maliwanag na paraan, dahil ang mga tao ang pumili at pumipili- at hindi nila pinipili ang Diyos kundi ang pinipili nila ay hindi totoong Diyos at sinasamba at pinipili nila ang pasya na madaling lumipas.

 

Ang mga tao ay tumapak sa lugar na mayroong kaguluhan; iyan ang sagot sa mga tao na tinanggap sa kanilang sarili, na alisin nila ang bigay na biyaya ng Diyos, gumagawa sila ng paraan para maranasan nila ang maraming hirap,upang ipagpatuloy ang alitan ng bawat-isa, para ang mga tao ay matatapos ng walang katahimikan at walang pagkakaisa para ipagpatuloy ang pagtatalo at marami pang bagay na nangggaling sa masamang paraan na ginagawa ng tao para lipulin ang bawat isa. Marami pa,maraming bagay ang makikita natin sa darating na araw; kumikilos tayo laban sa moralidad, tayo ay lumalabag sa nilalang ng Diyos Ama na dapat tapusin ng mga tao at makikilala natin ang mga bagay-bagay na tayo ang may kagagawan at walang tayong dapat sisihin sa Diyos. Ito ang pinakamahalagang natanggap natin sa Mahal na Ina. Ang Ina ang nakakaalam na maaaring mangyari sa tao sa ngalan ng “Hustisya sa Harap ng Diyos”- ang Ina ang nakakaunawa na ang mga tao ay sisihin nila ang kanilang sarili sa ginawa nilang kasalanan. Kaya mayroon tayong Ina na pwedeng magsalita at tanungin tayo na bigyan tayo ng oras, na bigyan tayo ng pagkakataon magsisi,pagkakataong bumalik, at mabigyan ng pagkakataong malaman natin sa natitirang oras na mayroon tayong biyaya at bendisyon na tatanggapin natin ngayong daang taon. Talagang kailangan natin yumuko,bumalik sa pamamagitan ng Anim na Pagyukod na dapat ikalat sa buong mundo,para malapit tayo sa ating Ina para ang Ina ay matulungan tayo. Ang Ina ay nangako na tutulungan tayo kung papayag tayo na yumukod ng Anim na Beses na mayroong mahalagang kahulugan na pinaaalam ng Mahal na Ina sa mga tao.  May paggalang at pagmamahal na puso na yumuyuko, hinihiling natin sa Diyos na patawarin tayo sa mga pananaw na iniisip natin sa mga taong mababait at alang-alang sa makasalanang tao; hinihiling natin  sa Diyos na bawasan ang galit at parusa na dapat tanggapin ng mga tao sa nalalabing araw sa katapusan ng daang taon.

 

Panginoong Diyos, salamat sa biyaya at sa inyong pagmamahal sa amin na pinayagan mo kami magkaroon ng Ina. Sa ngayon masasabi natin sa Diyos na talagang kailangan natin ng Ina sa araw-araw, sa mabuting buhay,sa buhay na ginawa ng ating Ina. Ngayon sinusundan natin ang palatandaan ng Ina para mapalapit tayo sa Diyos; ang Ina ay punong-puno ng katauhan bago nagsalita ang Diyos sa kanya; ang Ina ay kumakalinga para ipagtanggol niya tayo sa harap ng Diyos- at lahat ng anak sa buong mundo na naghihintay sa kanilang dalamhati, naghihintay ng kanilang pagsisisi sa pamamagitan na mayroong kahulugan ng Anim na Pagyukod, ang Ina ay naghihintay para matulungan niya tayo at mamagitan sa anong mang mangyayari sa mundo.

 

Para sa lahat na kapatid na lalaki at babae na tumatanggap,nakikinig sa kahulugan ng Anim na Pagyukod ay napakahalaga na dapat gawin sa lugar na binigyan tayo ng pagkakataon na sumamba  sa Diyos at laging magdarasal ukol sa Mabuting Salita ng Diyos, at sambahin siya. Tayo ay nakakarinig at nakakabasa tungkol sa pagsamba sa Diyos subalit pagdating sa gawa ng pagsamba sa Diyos ang ating ginagawa ay panloob lamang na walang gawa, na mukhang mahirap makita ngayon sa mundo. Ito ay hinihintay ng Mahal na Birhen Ina na yumuyukod tayo na nanggaling sa ating puso at kaluluwa, ating katawan at mga pusong nagsisisi para tumanggap tayo ng sagot sa Mahal na Ina, para humadlang sa nalalabing oras at ang mga bagay na hindi nating kayang labanan ang mga demonyo at ang masamang espirito na nasa mundo. Tayo ay dapat lumapit sa Mahal na Ina at umasa sa Ina sa mga alagad ng Angel, mga santo ay tutulong din kung babalik tayong gawin ang Anim na Pagyukod. Ang Anim na Pagyukod ay tutulungan tayong harapin ang panganib at hapis at hirap sa darating na araw; ito ang ilaw na iniwan ng Limang Banal na Sugat ng Diyos na ipinagkaloob sa bawat isang kaluluwa sa pamamagitan ng palatandaan para maliwanagan tayo at magpakumbaba sa pamamagitan ng Anim na Pagyukod.

 

Napakaraming bagay na hindi natin masyadong maintindihan, ang alam natin ang Diyos ay mayroong Ina; ang Ina ay tutulungan niya tayo sa bagay na kailangan nating gawin, mga dapat gawin ng madalian para matulungan ang mga kaluluwa, tulungan ang kaluluwa ng mga kapatid na lalaki at babae at ang mga taong nasa paligid natin at mga taong ating ipinagdarasal. Panginoong Diyos, patawarin at kaawaan mo ang bawat tao na sasagot sa “Hustisya sa Harap ng Diyos” sa nalalabing araw na darating sa katapusan ng daang taon. Sa ngayon ay binigyan tayo ng pagkakataon na magsalita tungkol sa napakahalagang Anim na Pagyukod. Ipagpatuloy natin ipaalam sa bawat isa at ipagpatuloy ikalat sa lahat ng ating kapatid na lalaki at babae, mga Kristiyano na mga anak ng Diyos.

 

Talagang kailangan tayo ay magbalik; tayo ay yumuko at lumuhod sa pagsamba sa Diyos; dapat nating maunawaan sa ating buhay sa nalalabing araw para tayo ay maligtas, para matanggap natin ang awa kung ang mundo ay naghihirap sa kamatayan, sa dami ng mga tao na  nasa kasalanan at naghihimagsik at hindi sumusunod. Talagang dapat tayo magtiis para maipagpatuloy ng tahimik at maipagpatuloy na walang takot; ang mahalaga ay nakilala natin ang Diyos Ama; ang ginagalang at sinasamba, kailangan nating maipadama na nanggaling sa puso, sa kaluluwa sa pagbabalik na yumuyuko at sumasamba sa Diyos. Kung sakali napag alaman natin ito, ang Ina ang tutulong sa atin, magtuturo at mamagitan sa atin. Ang buong alagad ng Diyos sa langit ay nakahanda at ang mga anghel ay maghihintay sa tawag ng tao, kung may pagbabago sa kalagayan at walang dapat katakutang hirap na maaring mangyari sa mundo.

 

Ito lamang ang katangi-tanging paraan para tanungin natin ang Diyos ng Awa at tanungin ang Mahal na Ina na humadlang para sa atin, para tanungin tayo na mabawasan ang paghihirap, kapighatian, na nangyayari ngayon sa mundo. Ngayon ito ang isang bagay na hindi nanggagaling  sa tao kundi sa Banal na Espirito ng Diyos na gumagawa at masigasig na tumulong para maunawaan natin ang kahalagahan ng Anim na Pagyukod sa ngayon  kailangan magpatotoo, ipahayag at ikalat sa lahat. Kahit ano pa ang papel, kahit ano pa ang kundisyon, kahit anong klase, kapag tayo ay nagbalik at nakilala ang Diyos, maaalis ang kapalaluan natin, isusuko natin ang kayabangan at isusuko natin ang mga bagay na namana natin sa tao magmula sa alikabok, tayo ay nilalang ng Diyos.

 

Tayo ay dapat kumilos at sumamba sa isa at nag-iisang Diyos dahil siya lamang ang nag-iisang tao na makapagliligtas sa atin sa mga kasamaan, sa mga paghihirap, sa mga hapis at hirap. Siya lamang ang makapagbibigay ng kaligayahan at katahimikan sa buhay hanggang sa kabilang buhay- siya lamang ang taong tinatanggap ang kamatayan sa Krus para sa atin. Lagi niyang pinaaalala ang nakaraan sa atin,mga kaluluwa na dapat nating payagan na magkaroon ng pagkakataon na magbalik upang tanungin ang Diyos na patawarin tayo alang-alang sa kanyang wastong daan, tinatanong natin siya na payagan niya tayong magbalik sa Diyos patungo sa paraiso sa langit o kaya manatili sa bagong mundo bago tayo tumanggap ng madaliang paghihirap sa araw ng paglilinis sa katapusan ng daang taon.

 

Para ialay ang Anim na Pagyukod na nanggaling sa inspirasyon ng Diyos Espirito Santo ay dapat magsalita at magpapatotoo sa lahat ng ating kapatid na lalaki at babae sa buong mundo, maski doon sa mga anak sa simbahan para maunawaan ang mga bagay na ginawa ng Diyos. Ang Banal na Eukaristiya ng Diyos ay pinapayagan niya tayong makita ang mga bagay na totoo at hindi totoo, para ang mga tao ay malapit ang loob sa Diyos, para magbalik sila sa anak, at umasa sa Mahal na Birhen Maria,ang Ina na nagsusubaybay sa atin para lumapit sa Diyos, para makilala siya,para tanggapin natin ang paghadlang at patawarin tayo ng Diyos, sa tulong ng Mahal na Ina sa darating na panahon. Sa ngalan ng Banal na Pangalan ng Jesukristo ang ating Diyos. Amen

 

 

Huwag nating kalilimutan at pasasalamatan si San Jose; lagi nating siyang naaalala at natatandaaan dahil siya ay napili na tulungan niya ang mga tao sa mundo; sa pagpapala si San Jose ay napili siya ng simbahan na taga-subaybay sa buhay ng mga tao. Ang Panginoong Diyos ay pinagkaloob sa lahat ng anak sa buong mundo, ang  buhay  pamilya kay San Jose para tayo ay humingi ng tulong sa kanya- na walang maiiwan na walang-wala. Ang mga biyayang ipinagkaloob sa atin na nanggaling sa Santo ay tinutulungan tayo na magkaroon ng paniniwala sa buhay para makilala ang Diyos, para maniwala sa Diyos at sumamba sa kanya. Huwag nating kalilimutan ang Tatlong Mataas na Angel,Santo Michael,Santo Gabriel at Santo Rafael- at ang lahat ng angkan ng mga anghel sa paraiso sa langit, siyam na grupong kumakantang anghel at marami pang anghel at santo na lagi naghihintay para tulungan ang mga tao sa mundo; sa pamamagitan ng mga salita na ating dinarasal, at  pakikipagtulungan sa kabanalan ng Diyos, tinutulungan niya tayo na bumalik ang ating puso at tumanggap ng tulong  sa mga anghel at sa mga santo. Huwag nating kalilimutan ang pasasalamat sa mga biyaya at magpasalamat lalong-lalo na sa mga anghel na nagbabantay sa atin na hindi natin naiisip subalit matahimik silang pinangangalagaan nila ang mga tao at sumusubaybay sa atin araw-araw.

 

Napakalaking bagay ang matatanggap ng simbahan ng Sta. Theresa; ang mga Santo na ating dinadasalan, ang mga pangalan ng Santo  na ating dinadasalan, ang mga Santo na tahimik kong dinadasalan ay hinihiling ko sa kanila na mamagitan sila sa Diyos para sa atin. Sa ngayon ay tinataas ko ang pasasalamat, papuri sa Diyos at pasasalamat sa Mahal na Ina sa pagtulong niya sa atin. Pakiusap tulungan po ninyo kami maipagpatuloy ang aming tungkulin at mga testimonyong patotoo sa mga araw na darating, hinihiling ko sa mga Anghel at mga Santo lalo na ang mga Santo na nasa ating harap na tulungan tayo ipagpatuloy na matapos ang nagmula sa unang lugar at sa ibang lugar na pinapayagan ng Diyos, ang patotoo ng Anim na Pagyukod, na dapat ikalat sa buong mundo para ang mga tao ay makilala, magbalik, at maunawaan ang Anim na Pagyukod sa nalalabing mga araw. Talagang kinakailangan nating magyukod, sumamba at piliin lamang ang Diyos para sambahin; tayo ay dapat yumukod ang noo sa sahig habang nakaluhod, magbalik, magsisi na may kaluluwang nagpapasalamat, nagsisising kaluluwa upang hilingin sa Diyos ang pagpapatawad at bigyan tayo ng awa kung tayo ay nasa panganib at naghihirap sa gitna ng mga kalagayan natin ngayon sa mundo.

 

Inuulit kong muli ang pasasalamat sa biyaya ng Diyos, salamat sa biyaya ng Diyos Espirito Santo na tumulong upang maibigay ang buong kahulugan ng Anim na Pagyukod ngayon. Tamang-tama na 1:08 ng umaga ng Sabado, 2015 ito ang araw na ipinagdiriwang ang paggalang para sa puso ng Mahal na Birhen Ina at ang Sabado ay ginugunita ang Santo Dominic. Ngayon, ay ang unang oras ng pagdarasal sa kanya ng Mahal na Ina ay tinutulungan tayo na maunawaan ang kahulugan ng Rosaryo lalo na ngayon na maraming nangyayari sa bahay Monghe na nasa pangalan ng Santo Dominic. Ang paghahanda ay para sa pag-aalala kay Santo Dominic na nag-umpisa sa mga nakaraang araw at ngayon din ito ay matatapos pagkatapos nating matanggap ang estorya ni Santo Dominic; Santo Dominic tulungan mo kaming magdasal na nauukol sa paraiso sa langit; naniniwala kami ngayon at nauunawaan namin ang mga bagay na ipinagdarasal sa Diyos, sa mga Santo at sa Mahal na Ina. Santo Dominic subaybayan mo kami at tulungan na maintindihan ang kahulugan bago kami lumapit sa Ina, umaasa sa Ina at itanong sa Ina kasama ang Santo, kasama sa paraiso ng langit, sa lupa at sa purgatoryo, para itaas tayo sa Diyos at tulungan tayo na maniwala sa kanya,  tulungan ang bawat isa na mamuhay na nakakasaya , at maisip ang turo ng Diyos na iniwan at ipinagkaloob sa atin.

 

Ako’y muli na nagpapasalamat sa Diyos, salamat sa Banal na Espirito Santo at salamat sa Mahal na Ina lalong lalo na kay Santo Dominic, hinihiling natin sa kanya lumapit siya sa atin ngayon, tulungan tayo sa ating sasabihin na makakatulong sa ating pananampalataya sa buhay, tulungan tayong maunawaan ang kahulugan ng Rosaryo na inialay natin sa Mahal na Ina dahil marami ang hindi nakakaunawa sa misteryo kapag inialay sa Ina. Hinihiling natin na tulungan tayo na makipag-isa na magdasal sa ating sarili, ipagdasal natin ang ating mga kapatid na lalaki at babae sa ating paligid,ipagdasal ang mundo,ipagdasal ang bawat isa kapag nabatid natin ang kahulugan ng Rosaryo para umasa tayo sa Ina- sa ating Ina, at sabihin sa Ina na gabayan tayo sa kalagitnaan ng mundo.

 

Pagkatapos ng mensahe ng Anim na Yukod ngayong umaga, humihiling ako ng testimonyo na nanggaling sa paraiso sa langit, na ang buong katawan natin ay manginig at maranasan na tumindig ang mga balahibo. Iyan ang testimonyo na pinapayagan ng Diyos sa pamamagitan ng Anim na Pagyukod na iniaalay sa harap ng Altar at Krus ng Diyos at sa Rebulto ng Mahal na Birhing Maria.Nagpapasalamat ako sa espesyal na biyaya na nilalaan ng Diyos para sa atin, kasama ang mga Santo, anghel, inspirasyon sa kahulugan ng misteryo ng Diyos sa Tatlong Katauhan ng Diyos ay sobrang ganda para ipamahagi sa mga maliliit na taong katulad natin. Pakitulungan mo kaming buksan ang aming mga puso,tulungan tayong maging masigasig,maging matalino, at maging taimtim  para tayo ay maka testigo, at mapagsilbihan ang Diyos na nanggagaling sa turo n g DIyos at tulungan tayo sa darating na araw na mayroon tayong tapat at  matiyagang puso hanggang sa huling saglit ng buhay.Amen.Salamat sa Diyos. Amen.

 

New Revelations through the Eucharist

www.nrtte.net

 

error: Content is protected !!