Bago Revelations Eucharist Sa

Makinig kayo sa Akin, Magbalik kayo sa Diyos

DSC00851

Makinig kayo sa Akin, Magbalik kayo sa Diyos

Agosto 24,2013 -10:25 ng umaga

Lucia: Panginoon Diyos, pakiusap payagan mo akong makilala ang Inang, pakiusap payagan mo akong makilala si Inang.

O Inang, tuwing pinapayagan mo akong tumanggap ng mensahe nanggaling sa Diyos, ang Diyos pinapayagan akong sumulat sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu.

Sana palagi siyang lumapit sa akin.

Pakiusap Inang, lumapit ka sa amin.

Pakiusap, lumapit ka sa lahat ng kapatid na lalaki at babae nasa lupa.

Kailangan ka namin ng lubos sa lupa, kailangan, palagi ka naming kailangan.

Ikaw ang tao na nagpakahirap ng lubos.

Ikaw ang tao na pinayagan mo kami bigyan ng pabor na nanggaling sa Diyos,

Ikaw ay palaging nasa aming tabi upang ipagdasal kami, nasa tabi ng Diyos upang mamagitan sa Diyos Ama na bigyan tayo maraming oras para magbago, at magkaroon ng maraming oras para makabalik sa Diyos, maraming oras upang makilala ang amin pagkakamali.

Palagi kang lumalapit sa amin na lumuluha.

Lumalapit ka amin na may dugo ang iyong luha.

Sumasama ka sa amin sa maraming lugar.

Hindi ka naninirahan sa langit nag-iisang Reyna ng Langit.

Marami ang saksi sa bagay na ito

Ipinakita mo ang malalim na pagmamahal mo sa mga tao.

Bukod sa Diyos, ikaw lamang, Inang.

Naunawaan mo kami

Tinuruan mo kami kung papaano lumapit sa Diyos.

Ikaw ang namamagitan sa amin, at kung hindi sa iyong intervention o pakikialam, wala kami sa araw na ito.

O Inang, ang kasalanan ng tao ay hindi madaling patawarin.

Ang tao ay malupit.

Napakaraming masama sa lupa, mga pinapatay na hindi mabilang  na walang muwang na tao, nagpapatayan ang isat-isa, nagpapatayan ng dahil sa kanyang hangarin, mga pamilya sa lipunan ng bansa, lahat masama. Ang masama ay sumasagana dahil sa ego o makasarili ang tao, dahil sa kasakiman ng kanilang puso, para pagbigyan ang kahilingan ng katawan o laman.  Gusto nila ang salapi, katanyagan at marami pang bagay.

Inang, tnuruan mo kami noong umpisa, na hanapin ka. Ang Reyna ng langit. Hindi ka gumagamit ng puwersa kapag nakikitungo ka sa tao, bagaman ang inyong mga anak ang naging dahilan ng  iyong maraming pagluha, kalungkutan at pagdugo ng sugat ng Ikalawang Persona ng Trinity.

Tumatayo ka sa kanyang tabi, tinatanggap ang paghihirap na tiniis ni Hesus sa mga tao, umaasa na ang mga tao ay magbabalik, umaasa ang mga makikita ang pag-ibig ng Diyos, sa pamamagitan ng pahihirap, upang maibalik ang mga tao sa kanya.

Ang mga tao hindi pa rin nila nakikilala ito, dalawang libong taon ang nakakaraan at hindi pa rin nakikilala. Ang mundo ay nahahati.

Ang Diyos isa lamang ang itinuturo.

Isa lamang ang katotohanan.

Isa lamang ang Ama sa langit

Isa lamang ang Ina sa langit.

Hindi natin sinasamba ang Diyos, hindi natin pinupuri ang ating Ina, lahat tayo ang alam natin ay mag-away. Ano ang pinag-aawayan natin sa lupa?

Tayo ay papunta sa kapahamakan ng kaluluwa at katawan. Papunta tayo sa impiyerno dahil sa atin pagkagahaman, mga masamang ginagawa. Hinahayaan natin ang demonyo gamitin tayo, at makontrol  tayo.

Lumalabag kayo sa mga Utos ng Diyos, hindi kayo nakikinig sa inyong mensahe, hindi kayo nakikinig sa mga itinuturo sa inyo.

Maski ang iyong luha hindi kami nasaling, maski ang luha ng dugo sa iyong puso hindi kami nasaling, ngayon ang Dugo ni Hesus sa Banal na Eukaristiya, ang kanyang buto, ang dumudugo niyang laman**para ang tao ay magbalik sa kanya, at pinaalalahanan ang mundo na magbalik sa Diyos at sa atin Ina.

Tigilan na ninyo ang masamang gawain.

Tigilan na ninyo ang pag-aaway.

Ang mundo darating na sa katapusan.

Kayo ay kumikilos na hindi nag-iisip. Ang mundo ay dominado ng demonyo, nahuli sa bitag ng demonyo at ang inyong kaluluwa ay patungo sa impiyerno.

Si Inang nakikita iyan.

Ang Diyos nakikita iyan,

Ang Diyos benigyan ang tao ng kalayaan na mamili at ang mga tao pareho pa rin, nagpapatayan sa isat-isa, nag-aaway, ang dahilan ng digmaan, pinapatay ang taong walang muwang, pinapatay ang sanggol sa sinapupunan at ang dahilan ng maraming paghihirap sa isat-isa ng dahil sa poot o galit.

O kakila-kilabot! O kakila-kilabot!

Kung hindi kayo makikinig sa mensahe, saan ang inyong kaluluwa pupunta? Ang galit ng Diyos ay padating.

Ang Diyos ay hindi na maghihintay kailanman.

O Inang, nadadama ko ito. Umiiyak ka ng malakas katulad ng akin pag-iyak para sa mundo.

Pinagpalang Ina: Mga anak huwag na ninyong ipagpatuloy ang masamang gawain.

Tigilan ang paggawa ng masama

Tigilan ang paggawa ng masama.

Araw-araw, ang hindi mabilang na sanggol na hindi pa ipinapanganganak ay pinapatay.

Araw-araw, ang hindi mabilang ng tao ang pinapatay sa digmaan.

Maraming tao ang nag-aaway, sa pamilya sa lipunan.

Paano tatanggapin ng Diyos ang masamang ginagawa ng kanyang nilikha.

Bakit, mga anak?

Nakinig ba kayo sa akin mensahe sa mundo?

Nakinig ba kayo sa akin mensahe sa bawat isa sa inyo?

Sana lahat kayo magbalik sa katotohanan, subalit ilan ang tunay na nakikinig, ilan ang tunay na ginagawa?

Ang magagawa ko lamang ay maghintay at umiyak.

Lucia: O Inang, ano ang magagawa ko kapag narinig ito at nakilala ito? Ano ang magagawa ko? Maski ipadala ko ang iyong mensahe, ang mga tao hindi maniniwala. Pakiusap, bigyan mo ako ng lakas na maikalat ang iyong mensahe sa mundo. Payagan ang iyong anak na tumatanggap at nakikinig ng iyong mensahe, at ginugugol ang buhay, na humiwalay sa tukso sa lupa, upang maikalat ang iyong mensahe. Ang mensahe ay  hindi nanggaling sa akin kundi sa Banal na Espiritu at ang mensahe ay ibinigay ni Inang sa lahat ng kanyang anak sa lupa.

Pinagpalang Ina:  Mga anak, madalas kong pinapayagan kayo na makilala ninyo ang inyong pagkakamali at magsisi.

Lahat ng inyong kasalanan, kahit gaano ka grabe, ang Diyos ay magpapatawad, kung magbabalik kayong mayroon pusong nagsisi, at isinuko ang masamang gawain, mabuhay ayon sa mga Utos ng Diyos.

Mahalin ang Diyos, sambahin ang Diyos, magbalik sa Diyos ng buong puso.

Ang bawat isa kailangan magkaroon ng kapayapaan, magkaroon ng pagmamahal, magkaroon ng kasiyahan sa buhay , maging sa pamilya, sa lipunan o sa lugar ng trabaho.

Kung mayroon kayong pagkakataon, tratuhin ang iba ng mayroon katarungan.

Kapag ikaw ay nagtatrabaho. Tanggapin ang suweldo para sa iyong trabaho.

Huwag maging sakim.

Huwag magselos.

Huwag hayaan ang inyong ego o makasarili at pagkatao dalhin ka sa pagnanasa sa laman.

Mabuhay sa katotohanan na ibinigay sa iyo ng Diyos, ang katotohanan sa iyong puso, makilala kung ano ang matuwid at kung ano ang masama.

Huminto sa masamang gawain.

Umiwas sa kasalanan.

Matuto na maging matuwid na tao, maging karapat dapat na anak na tinubos ng Dugo ng Diyos, ang inyong kaluluwa at katawan, para makapunta kayo sa lugar na kanyang inayos para sa inyo, ang walang hanggang lugar, na iyong minimithi.

Nanggaling na ako doon. Nakita ko at nalaman. Ito ay napakagandang lugar at makikita mo ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Wala salita makakapaglarawan ng lugar.

Nakita ko at hinahangad ko sa bawat kaluluwa ng akin anak na mapunta doon, makasama ako.

Ayoko ng makita ang akin mga anak na bumagsak sa bangin ng kasalanan at nagiging malala sa bawat araw na nagdaan.

Ikinaila mo ang Diyos.

Tinanggihan mo ang Diyos.

Hindi mo kinikilala ang Diyos.

Sa dahilan ito, ikaw ay nabubuhay na masama, nabubuhay sa kahirapan, dinadala ka ng demonyo, na may hawak ng iyong kaluluwa, inilalayo ka na ang Diyos ay mamagitan, inilalayo ka na makinig sa akin mensahe.

Lahat ng bagay na nakikilala ni Lucia ay nanggaling sa akin.

Ako akin mga anak lumalapit sa inyo.

Ako akin mga anak nagsasalita sa inyo.

Hindi na kayo nasa ilalim ng isang simbahan.

Noong iniwan ko ang mundo, iniwan ko ang mga apostles nagkaroon ng maraming apostoles, hanggang ngayon araw na ito.

Kung gusto ninyong makiisa sa pag-big, sa katarungan, para madala ang katotohanan ng Diyos sa lupa.

Nang dahil sa inyong ego, hinati ninyo ang simbahan, ang simbahan itinayo sa inyo. Kaya ngayon mayroon pagkakamali at ang mga turo hindi umayon sa mga itinuro ng Diyos na ibinigay sa mga tao.

Ang kasiraaan dumating na nanggaling sa tao.

Nang dahil sa kalayaan, marami kayong ginawang mali, lahat ng ranggo sa lipunan, sa bawat panahon at patuloy kayong nagkakamali, at hindi ninyo nakikilala ang katotohanan. Kaya ngayon, ikaw ay natatapos sa nakakakilabot na bunga.

Ang Diyos nakikita ang lahat.

Kung hindi  mo tatapusin ang masamang gawain, ang kanyang galit ay malapit at lahat ng bagay ay mangyayari itinakda.

Kailangan maunawaan ang katotohanan.

Sa katapusan ng panahon mayroon pangyayari na hindi ninyo maisip dahil ito ang oras ng labanan sa pagitan ng masama at mabuti.

Ang Diyos binigyan ang tao ng karapatan mamili, ang kalayaan na gumawa ng mga bagay na kailagan nila.

Nakita ninyo ang mga lumipas na araw, kung ano ang nangyayari sa bawat bansa, mga patayan, mga paghihirap na ipinataw ng mga tao sa isat-isa na ang resulta ay taggutom,digmaan.  Ito ay gawa ng mga tao. Bago ang kaparusahan ng Diyos, nagpapatayan na kayo sa isat-isa, sa inyong kagustuhan, nasa ilalim kayo ng kapangyarihan ni satanas, binubulag ang totoo, binubulag ang matuwid na ang Diyos ang nagdala na tubusin ang mga tao. Nakalimutan ninyo kung ano ang nangyari. Nakalimutan ninyo ang totoo na ang Diyos ay dumating 2000 libong taon ang nakalipas at pinatay ng tao. Nang dahil sa inyong kasalanan, tinanggap niya ang kamatayan at tinubos ang mundo sa kanyang Dugo.

Hindi pa rin ninyo nakikilala ito, pagkatapos ng maraming taon at patuloy kayong gumagawa ng kasalanan, sinusundan ang paraan ng mundo, nag-aaway sa kanilang sariling hangarin at ito ay nangyayari sa mga pari.

Ano ang makukuha ninyo sa lahat ng ito, kapag namatay kayo, kapag haharap na kayo sa Diyos?

Saan ang inyong kaluluwa pupunta, nanatili kayo sa makasalanan buhay?

Mahal kong mga anak.

Ako ay nalulungkot kapag nagsasalita ako ukol sa mga bagay na nangyayari.

Ayoko makita ang paghihirap.

Ang mga tao ay nanatili nakalubog sa bitag ng demonyo.

Ako ay mamagitan sa Diyos Ama na bigyan kayo ng maraming oras, bigyan kayo ng maraming biyaya upang tulungan kayong makinig sa mensahe, makinig sa pagsisiwalat sa panahon ngayon, mga mensahe nanggaling sa akin at sa Diyos, para makita ninyo ang milagro.

Kailangan akong maniwala.

Marami akong ginawang milagro upang pagtibayin ang inyong pananalig, ibalik kayo, dalhin sa inyo ang kaligtasan, dalhin sa inyo ang Banal na Awa ng Diyos.

Ang Diyos ay nangako na tutulungan kayo at dadalhin kayo sa walang hanggan lugar subalit kailangan lumapit kayo sa kanyang Banal na Awa, para linisin, para pabanalin, para baguhin, maging karapat dapat na tumanggap ng pagliligtas na ibinigay ng Diyos sa mga tao.

Mga mahal kong anak, sa katapusan ng panahon, ang Diyos binabasbasan ang bawat isa sa mga pinuno na kanyang pinili para sa inyo. Tingnan ninyo ang mga kilos ng pinuno, ang paraan ng kanilang gabay, sa espiritu ng Diyos, sa espiritu na gusto ng Diyos, sa bawat isa na magbalik sa paraan na kanilang nakalimutan. Sa mapakumbabang paraan, na kailangan ng mundo upang mapalapit tayo sa Diyos.

Hindi tayo inilalayo sa atin isip, sa pamamagitan ng walang laman na salita, sa pamamagitan ng pagkasakim na naging dahilan na nawala ang inyong pananalig.

Subalit ang mga tao ay lumalayo sa simbahan, sila ay kumikilos na labag sa batas ng simbahan, hindi nila nakikilala ang mga bagay na gusto ng Diyos na makilala, upang tanggalin ang ego, ang pansariling hangarin, tunay na lumapit sa Diyos, kasama ang basbas na ibinigay ng Diyos sa iyo.

Ang Diyos ay ang makapangyarihan tao.

Ang Diyos magagawa kahit anong bagay, subalit pinipigilan niya ang kanyang kamay.

Kapag ang tao ay nakalibing sa burak ng kasalanan, gusto pa rin niya dalhin ang pagmamahal upang supilin, dalhin ang pagmamahal sa pamamagitan ng kanyang krus para mapalapit siya sa iyo, upang dalhin ang kanyang itinuro nanggaling sa langit sa iyo.

Ako ay nasa inyong tabi, bilang halimbawa sa iyo, magtiis na tahimik, sa pag-asa na sa isang araw, makikita ninyo at makikilala ang katotohanan. Wala na kayong masyadong oras na natitira, para itago ang inyong pagkakamali.

Kailangan tingnan ninyo kung ano ang nangyayari sa mundo ngayon, tingnan ninyo ang akin paanyaya na nanggaling sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang milagro.

Nagpakita ako sa inyo ng maraming beses, binigyan kayo ng maraming mensahe.

Gusto kong magbalik kayo sa Diyos, ng buong puso.

Ang Diyos hindi tatanggihan ang iniaalay na nanggaling sa puso, kung kayo ay babalik ng kagandahang loob, hindi dahil pinilit kayong gawin ito ng dahil sa takot kundi kapag bumalik kayo sa katotohanan, sa pagsisi at naniniwala na ang Diyos ay mabait na Ama.

Kung ginawa ninyo, pagkatapos makakatagpo ninyo siya at hahayaan niya kayong marinig, marinig, makita, at malaman ninyo na siya ay mamagitan para sa inyo.

Ang Diyos ay narito sa lupa, sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya, naghihintay bawat araw, binibigyan kayo ng pagkakataon na lumapit sa kanya, para pagalingin niya kayo, sa inyong kaluluwa hanggang sa katawan at palakasin ang inyong pananalig.

Ito ang mahalagang bagay na gusto ko kayong paalalahanan.

Ako ay pumunta sa maraming lugar upang tulungan ka makilala ito.

Marami akong pinagaling na sakit sa mundo.

Ako ay narito upang makilala ang bawat isa sa akin mga anak.

Kung bubuksan ninyo ang akin puso ay magdasal ng rosaryo  bago humiling ng tulong, at tutulungan ko kayo.

Ang Diyos binibigyan kayo ng maraming biyaya ngayon sa katapusan ng mundo.

Kailangan kayong maniwala.

Binabalaan ko kayo.

Ang digmaan ay ginawa ng tao subalit mayroon iba pang tribulation katulad ng sakuna at nakakatakot na pangyayari upang linisin ang mabuting tao at masamang tao.

Kailangan harapin ninyo ito.

Kaya, pinaalalahanan ko ang mundo, napakaraming masama, napakaraming kasalanan ginagawa at napakaraming tukso.

Nagbabala ako sa inyo.

Ang Diyos ay nagbigay ng maraming biyaya, na hindi binanggit sa Ebanghelyo dahil ito ay katapusan ng panahon.

Ang Diyos nagbabala sa inyong lahat, ang hula na hindi nasabi sa Ebanghelyo, para makita ng tao at mapansin.

Ang paanyaya ng Diyos sa pamamagitan ng milagro, ang milagro na hindi magagamit ang iyong mata para makakita suballit makikita ito ng iyong puso, para mapansin ang kanyang gusto, sa bawat era o panahon, upang paalalahanan ang bawat isa na magkaisa. Kung kayo ay hiwa-hiwalay, kayo ay aatakin, maaatak kayo at kayo ay matatalo dahil binigyan ninyo ng pagkakataon ang demonyo na dalhin kayo at hawakan ang inyong kaluluwa. Sa natitirang araw, ang Diyos gusto niyang magbalik kayo sa kanya, tumayo sa katotohanan, lumapit sa matuwid at makita ang masamang paraan noong buhay kayo.

Ito ang katotohanan.

Kailangan maniwala sa katotohanan.

Ito ay hindi nangyari sa mundo noon: Si Hesus ay dumating sa pamamagitan ng Banal ng Eukaristiya upang pumili ng propeta, binigyan kayo ng kanyang mensahe, upang ikalat ang mensahe. Alam ninyo na ang tao hindi magagawa ang bagay na ito, ang tao walang kakayahan na gawin ang mga bagay, kung walang tulong.

Huwag ninyong patigasin ang inyong puso.

Buksan ang inyong puso upang makakita, makatanggap ng biyaya sa Diyos, na siyang pumili ng lugar.

Magkikita sila ng kanyang mga anak, na nanggaling sa ibat-ibang lugar, dumating upang makilala na ang Diyos ay narito sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya, kasama ang mensahe sa mundo.

Ako ay nagbigay ng pagsisiwalat sa pamamagitan ng mensahe, para ang akin mga anak makikita ang akin pagmamahal na madalas nasa inyong tabi, para tulungan kayo, turuan kayo ng madalas na kailangan ninyo.

Sa sandaling ito, kailangan kayong lumapit sa Banal na Awa ng Diyos.

Kailangan kayong kumapit sa kanyang Banal na Awa.

Humiwalay ang inyong sarili sa mga kaakit-akit sa lupa, baguhin ang inyong ugali sa buhay na pasarapin ang inyong ego o sarili.

Ang mga pari kailangan tingnan ang espiritwal na buhay ng bawat kaluluwa, kung sino ang Diyos nag-aanyaya, upang tulungan sila na magbalik sa katotohanan, magbalik sa mabuting balita na ibinigay ng Diyos sa mundo at sa simbahan.

Kilalanin ang mga bagay na kailangan baguhin, para makabalik, nagkakaisa, sa ilalim ng isang simbahan.

Ang Diyos palaging protektado ang kanyang simbahan.

Ako ay malapit sa simbahan upang ibigay ang akin suporta.

Ang akin simbahan ay iyong simbahan, kailangan kayong magkaisa, para tumanggap ng proteksiyon nanggaling sa Diyos, tumanggap ng dalangin, pagkatapos kayo ay aalalayan sa katapusan ng panahon, hanggang sa ikalawang pagdating ni Krsito, at hindi kayo aatakihin ng tukso  sa mundo.

Kayo ay nasa sitwasyon kasalukuyan kung saan kayo ay nahahati dahil wala kayong tunay na pagtitiwala sa Diyos.

Kayo ay nalinlang, naloko ng huwad na propeta, naloko ng demonyo na gumagamit ng pang-akit na paraan upang supilin ang iyong kaluluwa na abalang-abala sa masidhing pagnanasa at sa sarap ng kaaliwan sa lupa.

Ang Diyos ay walang hanggan mapagmahal na Ama, ang Ama na palaging gumagamit ng mapagmahal na salita sa kanyang mga anak,  para paalalahanan ang bawat isa na mayroon ranggo sa lipunan, para maunawaan sila.

Gusto ng Diyos na magbalik kayo sa katotohanan, magbalik na mapakumbaba, magbalik upang harapin ang isat-isa, na hindi na sila gagawa ng masama, at hindi na gagamit ng makina na naging  dahilan ng pagkakamali kung hindi mo alam na gamitin.  Ang makinang ito inilalayo ka sa Diyos, ito ang dahilan na maging sakim kayo at dinadala kayo sa bangin ng kasalanan.

Ang mga tao na mahilig sa kaaliwan ng mundo, itong mga moderno, ang ginhawa, ang kombinyente at mga tao nahilig na makuntento sa gusto ng iba sa lupa.

Sinasabi ko ang mga bagay na ito, hindi para huwag ninyong gamitin ang pakikinabangan ninyo kundi gusto kong pag-usapan ang buhay ng kaluluwa, para maliwanag ninyong makita ang pagkakaiba sa pagitan ng mga bagay na tama o mali, mga bagay na kailangan sa inyong buhay at mga bagay na dapat itapon dahil dinadala kayong maligaw dahil hindi ito nanggaling sa Diyos.

Huwag tayong maguluhan.

Mayroon mga tao na nagtatrabaho sa serbisyo ng Diyos, subalit ang iba ay alipin ng kapusukan, ang tiyak na masarap, na unti-unti silang inilalayo sa Diyos at pagkatapos, natatapos hindi na nila nakikilala ang tama o mali at kung ano ang lumalabas sa kanilang ego at kung ano nanggaling sa Diyos. Ito ay nakakatakot tingnan dahil ang tao kailangan madalas na mayroon silang dahilan, upang makita nila ng maliwanag at gumamit ng pangangatwiran, kaya doon malalaman kung kailangan ninyong lumapit sa Diyos, at alam ninyo ang gusto ng Diyos at alam ninyo kung ang ginagawa ninyo ang itinuro ng Diyos o hindi.

Itinanggi ba ninyo ang inyong sarili?

Nakinig ba kayo sa paanyaya ng Diyos?

Tunay ninyo bang mahal ang kapatid na lalaki at babae, at ibalik sila sa Diyos?

Patawarain ang kapatid na lalaki at babae, tulungan sila na maging magkawang-gawa sa kanila, ibalik sila sa Diyos, maging mapagpatawad sila, magsanay magmahal sa inyong natanggap sa Diyos, kumilos na mayroon pagmamahal sa iba, kumilos na mayroon pagmamahal sa kaaway, magkaroon ng charity na ibalik ang kapatid na lalaki at babae.

Kailangan kayong magtiwala madalas.

Kailangan kayong magdasal madalas. Kailangan ipagdasal ninyo ang lahat ng bagay. Kailangan kayong magdasal sa Diyos, hilingin sa Diyos ang biyaya.

Ako ay nasa inyong tabi upang gabayan kayo, tulungan kayo tuwing humihiingi kayo ng tulong. Hindi ko tinatanggihan ang akin anak na lumalapit sa akin, kung ang kanilang hinihiling ay makatuwiran o resonable.

Hindi ninyo alam ang oras.

Hindi ninyo alam ang araw.

Ang Diyos alam.

Ito ang gusto kong sabihin sa mundo.

Ako ay nalulungkot sa mga bansa na pinapatay ang Kristiyano, mga bansa na pinapatay ang mga madre, mga pari.

Mayroon din sa simbahan  ang mga tao na sinasaktan ang kanilang kapatid na lalaki dahil hindi sila naniniwala sa Diyos, dahil naligaw sila dahil nakagawa sila ng kasalanan at inalis ang katotohanan.

Ang Diyos hindi nakikita? Ang Diyos ayaw niyang mamagitan? Ang Diyos ba ay humahanap ng ibang paraan? Hindi, nakikita ng Diyos subalit ayaw niyang mamagitan at hinayaan niya ang tao na magkaroon ng kalayaan pumili at makita ang haba ng kasamaan na gagawin ng tao.

Nakita ninyo ang dahilan ng aking mensahe at mensahe ng Diyos sa mundo.

Ang   “pananalig at pagtitiwala sa Diyos” ang makakatulong sa tao upang tanggapin ang sitwasyon at magbalik sa Diyos.

Ang Diyos bibigyan ang bawat tao, pansariling paraan at ayon sa kanilang pananampalataya.

Ang Diyos mayroon paraan upang iligtas ang bawat tao.

Ang Diyos gusto niyang ang tao tingnan ang kanilang kasalukuyan buhay, makita ang kasamaan na ginagawa nila sa isat-isa, maunawaan kung saan dadalhin ang klase ng kanilang buhay.

Kung patuloy kayong gumagawa ng masama, saan kayo matatapos at saan matatapos ang inyong buhay?

Hinihiling ko ang bawat isa na tigilan ang paggawa ng masama.

Mayroon mga tao na hindi kilala ang Diyos, gumagawa ng masama, mga tao ginagamit ang kapangyarihan upang mamuno sa lupa, gumagamit ng kapangyarihan upang sirain ang walang muwang na tao na mayroon karapatan mabuhay na normal.

Hindi tayo nakikitungo sa isat-isa na mayroon pagmamahal.

Kayo ay patuloy na nagpapatayan sa isat-isa, kailan kayo titigil pumatay?

Nakalimutan ninyo na ang Diyos ay makapangyarihan tao.

Nakalimutan ninyo na ang Diyos ay mayroon kapangyarihan sa inyong buhay.

Alam ba ninyo ang oras at araw ng inyong pagpanaw sa lupa?

Kailangan mag-isip kayo, bawat tao sa lupa, pangulo o kahit sino mataas ang ranggo, hindi puwedeng magpatuloy kayo sa paggawa ng kasalanan, kailangan kayong magbalik sa katotohanan kundi kayo ay mapupunta sa paghihirap at kapareho ang bunga  ng mga  taong gumagawa ng masama.

Sinasabi ko ito sa inyong lahat, para makita ninyo ang tama at mali, para tigilan ninyo ang pagpatay sa mga walang malay na tao.

Sa bawat kilos ninyo, kayo ay magbabayad ng presyo sa mga pasya ng bawat tao, sa lipunan at sa bansa.

Kung umani ka ng masama, ang aanihin mo ay masama rin at nakakapangilabot na paraan. Ito ang batas ng kalikasan. Ito ang resulta kung wala kayong pananalig sa Diyos. Matatapos kayo sa masama sa masamang na inyong ginagawa.

Subalit kapag tinigilan ninyo gumawa ng masama, kung magbabalik kayo na nagsising puso, humihingi ng kapatawaran, pagkatapos makakatanggap kayo kabanalan nanggaling sa Diyos, makakatanggap kayo ng kapatawaran sa Diyos dahil sa kanyang Banal na Awa, na narito sa lupa, na nagtatrabaho sa lupa at pinapayagan ang tao magsimula ang buhay.

Kailangan kayong lumapit sa Banal na Awa, para magkaroon kayo ng kaligtasan at kapatawaran, maging karapat-dapat sa regalo na ibinigay ng Diyos sa tao, walang hanggan buhay na palagi kong gusto na makilala ng bawat isa.

Mga anak, makinig kayo sa inyong Ina at magbalik kayo sa Diyos.

Mayroon handaan naghihintay sa inyo, naghihintay na kayo ay magbalik.

Tingnan ninyo ang inyong buhay, lumapit kayo sa Diyos,magdasal sa kanyang Banal na Awa, humingi ng tawad sa Diyos, linisin kayo, maging karapat dapat tumanggap ng biyaya na ibinigay ng Diyos sa inyo, tumanggap ng kaligtasan nanggaling sa Diyos.

Inaanyayahan ko ang buong mundo na pagtibayin ang kanilang paniniwala.

Ang Diyos ay lalapit sa inyo upang makilala ang senyas ng Diyos ay tunay na narito, sa pamamagitan ng Dugo na madalas dumudugo para sa katotohanan.

Ang Diyos ibinalik kayo sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal, kasama ang dugo na kanyang itinigis o shed upang tubusin ang tao, tubusin ang kaluluwa.

Makinig kayo sa akin.

Magbalik sa Diyos.

Lumapit kayo para makatagpo ninyo ang Diyos sa Banal na Eukaristiya.

Kung mayroon pananalig, kayo ay tatanggap ng biyaya, ang regalo na ibinibigay ng Diyos sa katapusan ng panahon.

Para sa mga taong nabubuhay sa kasalanan, makipagkasundo kayo sa Diyos sa pamamagitan ng Sakarmento ng kumpisal, para makita ninyo, para tumanggap kayo ng kapatawaran nanggaling sa Diyos, para tumanggap kayo ng kanyang Katawan at Dugo, para pakainin ang inyong kaluluwa, pakainin ang inyong katawan, pakainin ang espiritu, para tumanggap na mamagitan at proteksiyon nanggaling sa Diyos, tumanggap ng milagro na ginagawa ng Diyos ngayon katapusan ng panahon.

Gusto ko ang mga pari na maglaan ng oras sa kumpisal at bigyan ng pagkakataon ang mga tao nabubuhay sa kasalanan na tumanggap ng Sakramento ng Kumpisal.

Sana ang mga pari gamitin ang natutuhan nila nanggaling sa simbahan, nanggaling sa Ebanghelyo, ng buong puso, kasama ang pagmamahal kapag nakaharap sila sa taong makasalanan, o kung makaharap sila sa tao na buong puso nakikipagkasundo sa Diyos.

Ito ay mahalaga sa mundo, tulungan ang mga tao na bigyan ng lakas na magbalik sa Diyos.

Mga pari, makinig kayo sa akin salita:

Maging masipag. Maglaan kayo ng oras na makinig sa kumpisal, maghintay sa mga bata na magbalik sa Diyos. Gamitin ang salita na nanggaling sa inyong puso at nanggaling sa Diyos, nagtatrabaho sa inyo, patawarin ang tao naligaw, mga taong dumating pabalik sa Diyos, tulungan silang makipagkasundo sa Diyos, tulungan silang magkaroon ng tiwala na lumapit sa Diyos. Ito ang akin mensahe sa mundo, sa mga pari, sa simbahan ng herarkiya.

Ang oras ay nauubos na.

Nakita ninyo ang posibilidad na magdigmaan, Nakita ninyo ang resulta ng klase ng sandata ginagamit.

Isipin ninyo ang bunga, kung mananatili kayong nabubuhay sa poot, kung mananatili kayong nakikipag-away, kung nanatili kayong nakikipag laban sa pinuno, kung hindi kayo naniniwala sa Diyos, kung hindi ninyo hihilingin ang mamagitan, sino ang makakaligtas sa digmaan, mayroon nuclear na sandata at maiiwasan ba ninyo ang sakit na nanggaling sa digmaan?

Mahal kong anak, ang mundo ay nangangailangan ng dasal.

Ang matuwid na tao kailangan magdasal sa mga taong nabubuhay sa kasalanan at kailangan gawin ang bagay na gusto ng Diyos alang -alang sa mga tao nabubuhay sa kasalanan.

Hinahangad ko na madalas magdasal ng rosaryo, magdasal sa mundo ukol sa biglang paglitaw ng digmaan na kakalat sa maraming bansa.

Ang patayan ng hindi mabilang na tao at ang plano patayin ng marami ay nakakakilabot at pangit.

Nagpapatayan ang isat-isa, bago dumating ang Diyos.

Kung hindi kayo aasa na mamagitan ang Diyos, kung hindi kayo magdarasal, paano kayo makakatanggap ng biyaya nanggaling sa Diyos?

Ang Diyos lamang ang mayroon kapangyarihan na mamagitan sa nangyayari sa inyo.

Ito ang akin mensahe sa mundo, ang mensahe na tinanggap ni Lucia ngayon. Gusto kong ipadala ang mensahe sa mga kapatid na lalaki at babae sa mundo, para makinig sila, para maikalat ang katotohanan, para makarating ang mensahe sa akin mga anak.

Sana ang inyong taynga ay makarinig, ang inyong mata ay makabasa at makakita, ang inyong puso ay makadama at makilala ang pangyayari na nangyayari.

Ang akin mensahe ay tutulungan kayo ukol sa inyong ego, sa inyong pagkatao at para ikalat ninyo ang mensahe sa iba, upang bigyan sila ng Mabuting Balita,  na ang Diyos pinili kayo, upang ialay ang inyong sarili sa misyon, dalhin ang mensahe sa mundo, tulungan dalhin ang kaluluwa ng kapatid na lalaki at babae pabalik sa Diyos, sa paanyaya nanggaling sa Diyos at sa akin sarili.

Ito ang misyon na gusto kong magawa ni Lucia, sa katapusan ng mundo, dalhin ang mensahe sa akin mga anak. Lucia huwag kang matakot. Marami pang dararting, pagkatapos magampanan ang nakaraan buwan. Magpalakas sa iyong trabaho dahil ang Diyos ay pinili ka, at  gawin mo ang gusto kong gawin mo sa mundo.

Ang Kapayapaan ay Sumainyong lahat.

Lubos ko kayong mahal.

Paalam akin mga anak.

Inang

*   Ang doktrina ng Our Lady bilang Mediatrix ang lahat ng biyaya tinuturuan tayo na ang lahat ng biyaya na ibinibigay ng Diyos ay nanggaling kay Inang. Ang lubos na pagkakaisa sa pagitan ni Inang at ng Diyos naging maliwanag maunawaan ang mensahe. Ang isa pang elemento na maaring narito ay ang mga araw na nabubuhay tayo ngayon ay hindi katulad nila, hindi para sa pambihira mitigation ng katarungan ng Diyos na ang Our Lady ay nakatanggap para sa sangkatauhan. Ito ay dapat sabihin dahil sa mensahe, noong si lucia ay nagsasalita sa ilalim ng Banal na Espiritu; Ang salita ni Lucia ay inspired.

** Ito ay ukol sa Milagro ng Eukaristiya na nasaksihan ni Lucia at iba pa, lalo na ang kasalukuyan dokumento. Ang isa ay sa Mexico.

www.nrtte.net

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

error: Content is protected !!