Bago Revelations Eucharist Sa

Ang Huling Susi

THE FINAL KEY

THE FINAL KEY

Ang Huling Susi

Marso 22,2016  Martes na Mahal na Araw

L. Panginoong Diyos noong Marso 22,2016 sa Santa Teresa simbahan sa harap ng rebulto ng Sacred Heart ni Hesus, rebulto ng Our Lady of Guadalupe kasama si Juan Diego at rebulto ni Santa Teresa dito tinanggap ni L. ang mensahe ukol sa 6 na Pagyukod o Kowtows.Maraming mahalagang bagay akong nakita araw araw lalo na ngayong Martes ng mahal na araw ; ang salita na aking natanggap ay hindi lamang para sa atin kundi ukol din sa mga tao na may ranggo katulad ng mga pari. Pareho pa rin tumanggap at makinig sa mga turo at gabayan ang mga bata sa buong mundo na magbalik sa Diyos , gabayan ang mga nawawalang tupa o ang mga taong nabubuhay sa kasalanan, upang  magkaroon sila ng pagkakataon na maunawaan at sadya na makaharap ang Diyos hindi lamang sa laman noong lumipas na panahon sa mundo kundi sa paraan na alam at naririnig sa libro.

Kapag nakaharap  natin ang Banal na Eukaristiya mas lumiliwanag ito sa bawat araw na ating ginagawa at nakikita  natin ang kapangyarihan ng Diyos at ang Diyos lamang ang puwedeng magpasya at magkaloob sa buong mundo . Huwag tayong matakot o hindi maniwala.Dapat alam  natin na ang Diyos lamang ang makagagawa  at mapagtanto ang mga dumadaming  gawain bawat araw at makikita natin ang ating tungkulin  at kapanagutan hindi lamang sa atin kundi sa mga taong nakikinig, nakakaalam at sa mga tao na may tungkulin na ipahayag ang ebanghelyo sa mga tao; lahat ng tao kailangan magbalik ang kanilang puso sa Diyos upang makatagpo at maunawaan ang kahulugan ng pagtubos ni Hesus na ipingkaloob niya a mga tao daang taon ang nakakaraan,siya ay buhay sa araw ng Martes ng mahal na araw.

Ang ating tinanggap sa nakaraang buwan ay katotohanan at huwag tayong umasta na hindi natin naunawaan at sabihing walang halaga sa bawat taon ang mahal na araw. Ang mahal na araw ay maraming epirituwal na kahulugan na ipingkaloob ng Diyos sa espesyal na paraan na mensahe sa inspirasyon ng Banal na Espirito : himukin ang lahat na hindi nila minana sa tao kundi ito ay ipinahayag ng Diyos para sa lahat ng tao; para ang bawat isa at bawat papel lalo na ang may taynga ay makarinig at ang may mata ay makakita, at ang kanilang puso makaharap si Hesus na pansarili sa pamamagitan na Banal na Eukaristiya. Magdasal  tayong kusa at bigyan natin ng pagkakataon na maunawaan ang itinuturo ng Mahal na Ina ang kahulugan ng 6 na Pagyukod o Kowtows ; makikita natin ang kasaganaan ng kabanalan (1) na magagawa sa espesyal na paraan para sa atin. Kailangan manggaling sa ating puso, isip, kaluluwa at  katawan kapag lumapit tayo sa Diyos at tatanggapin tayo ng Diyos sa pamamagitan ng grasya na kanyang inilalaan sa kanyang mga anak ; mga taong hindi siya nakikilala, mga taong hindi naniniwala subalit mayroon silang pagkakataon na magsanay at makita ang gawa ng Diyos at madama nila ang bastanteng  banal na grasya ng Diyos na inilaan at ipinagkaloob para sa lahat at bawat tao.

Ang dapat kung sabihin nasabi ko na; ang kailangan kung ibalita ay nanggaling sa inspirasyon ng Banal na  Espirito (2) natapos ko ang mensahe at ang Banal na Espirito isinasaad ang kahulugan at himukin tayo at tulungan sa  mga araw ng pagpasok ng Mahal na Araw  at taon ng Awa at pinaalalahanan tayo ukol sa kahulugan ng 6 na Pagyukod o Kowtows na itinuro ng Inang Maria. Sa oras na ito hinihiling ko sa Diyos na pumarito siya sa akin. Alam ko sa araw na ito ang Diyos natatandaan lahat ng kanyang nagawa 2000 taon ang nakakaraan ; ang sakit at balisa ng Diyos ay nasa katauhan ng tao sa mundo. Ang bagay na naiwan ng Diyos nakikita lahat at ginagampanan niya ito daang taon ang lumipas noong matapos ang hirap (passion ). Ang doktrina namamarati at ang Diyos ay nagbubuhos na maraming grasya sa mundo ngayon subalit gaano karami sa mga tao nakakaunawa at tumatanggap ng kaligtasan ( salvation ), gaano karami ang nagbalik , kilalanin, palaisip  para maging anak tayo ng Diyos at Kristiyano ? Ang boses ay tumataginting sa pamamagitan ng   inspirasyon ng Banal na Espirito (3) mga salita na ibinigay na milagrosa at kahanga-hangang grasya  na nanggaling ngayong daang taon.

Ngayon tinatanong ko ang Diyos na lumapit siya sa akin at sa aking mga kapatid na lalake at babae na nakikinig, upang malaman kung ano ang dapat naming gawin at malaman kung may kulang pa tayong dapat gawin;  sa oras na ito,sa araw ng pagaayuno (fasting) ang gusto ng Diyos ay aliwin siya,paginhawahin ang nalulungkot niyang puso, gumaan ang balisa at mabawasan ang pagkamalamig o  walang bahala ? Ito ay dahil sa ating kataksilan at katigasan ng ulo kaya ang tao ay nabubuhay sa hirap, mga araw na walang katahimikan, mga araw na hindi masaya at araw ng paghihirap at kamatayan (4). Sa isang sandali, gusto  kung matahimik ang aking kaluluwa upang marinig ang boses ng Diyos  papunta sa akin.

Ang Diyos Ama: Mga Mahal  kung Anak,

Sa katunayan sa mga araw na ito nalalapit sa araw na ito ang magtatag ng Huling Hapunan 2000 taon ang nakakaraan (5) ang aking puso ay parang piniga sa sakit, ang aking kaluluwa ay malungkot at walang laman, lahat ng  nasa paligid ko magmula sa unang daan taon at ang bagong henerasyon hindi nila lubos na maintindihan ang kahulugan ng aking pinanggalingan. Pumunta ako sa inyo upang tanggapin ninyo ang aking pagibig ,ang aking pagtubos (redemption) upang ibigay sa inyo ang doktrina at katotohann ;  bigyan kayo ng silungan, tabing at ilayo sa mga masasamang espirito na sanhi ng pagtisod sa kasalanan at kamatayan sa umpisa ; hinahangad ko at inaasahan na alam ninyo ang aking pagibig ay walang hanggan ; lahat ng aking isagawa ay isa lamang ang katapusan na makita ninyo ang kasalanan na dapat ninyong iwasan na aking tinanggap ng dahil sa inyo. Dinalhan ko kayo ng nagbagong puso sa pagitan ng lalake ; at ako ay nagtiis ang sarili kung buhay ipinagkaloob ko upang alisin kayo sa kadiliman ; iyan ang tanda na ang ilaw ay lumiliwanag ng maganda, mabuti at perpektong gamit na ang tao ay karapatan na pumili at gawin.

Mahal kong mga anak ang mga bagay na nakatago ay nalantad ; ano ang nangyari ngayon daang taon ay katugunan sa inyo at nakatanggap kayo ng sagot sa gitna ng mga tao ;lahat ng nanggaling sa aking doktrina ay  nakapangyayari ang pagibig na hindi nagbabago at siya ang kasagutan ngayon,natupad ko ang lahat ng bagay ; ginawa ko  ang lahat upang iligtas kayo sa paligid ng kadiliman ng kasalanan ; ginawa ko ang lahat ng paraan upang makilala kayo, matuklaan at ibalik kayo.

Maraming tao mga anak na may ranggo na aking napili, mga taong may kinatatayuan na kilala at nagsilbi sa akin subalit ginagawa pa rin nila ang para sa kanila; mahal nila ako at nagsisilbi sa akin at ginagawa lahat ang mabuti ayon sa doktrina subalit mayroong bagay na hindi nila magawa ang magpatawad sa sarili nilang kapatid, hindi sila nagkakaisa na sumama sa malaking grupo ng tao na kumilos na nagkakaisa at unang maging gabay sa mundo. Iyan ang opisyal na relihiyon na ipinagkaloob ko ang aking katawan at dugo para tumistigo na ang Diyos ay totoo,ang Diyos ay buhay, pinakamapangyarihan Diyos na tumutulong sa mga anak, sarili kong anak subalit ngayon gaano karami ang nakakaunawa nito, ilang mga tao ang nabubuhay sa ganito at gaano karami ang nakikilala ito?

Patuloy parin akong naghihintay ; patuloy na balisa sa oraa-oras, lahat ay nakasalalay sa tiyaga upang maghintay ng maghintay ; iyan ang aking gustong gawin manatili sa  Banal na Eukaaristiya. Tandaan ninyo ang huling desisyon ay nanggaling sa Diyos Ama na napagalaman at inayos noong umpisa pa lamang.Ang kanyang pagibig  ay walang hanggan ukol sa tao at lahat ng kanyang ginagawa ay may kahulugan at buong tulong. Siya ang Pinakamataas na Diyos  na may karapatan na magdesisyon ng lahat ng bagay na galing sa Diyos na nakakaalam kung ano ang darating na dapat mabawi ngayon para hindi maitanggi na ang Diyos Ama ang nagkaloob ng lahat ng bagay at lahat ay nanggaling sa kanya.

Ngayon narito pa rin ako sa mundo dahil ayaw ko kayong iwan na nagiisa sa inyong sari; ayaw kong makita kayo sa inyong gawain na hindi ninyo kayang gampanan at umasa kayo sa akin at sa pamamagitan ng Inang Maria na ang mundo ay lumagi ngayon. Lahat ay alam natin sa batas ng Diyos ; alam ninyo ang umpisa at katapusan at natapos sa araw na nakita ninyo ang senyas at nakakamangha na nagpapakita, mga pangyayari na nangyari at lumitaw upang malaman na hindi ito nangyari noon subalit ngayon aking ipinakikita, tinitingnan, nakikita ang babala na darating sa natitirang araw na hindi ninyo puwedeng iwasan.

Ang araw na ito ang Diyos Ama inihanda at inayos at alam ang umpisa para sa mga tao; ito ang araw ng omega na ang mga tao ay nabubuhay ngayon, ang araw ng omega ay hinabaan ng Diyos para magkaroon ng mahabang oras, mga milagro na ating nakikita na pinaalalahanan tayo. Ngayon nakita natin ang tunay na anyo na nanggaling sa masama at ang hindi pagsunod ng mga tao na hindi nangyari noon ay ibinuhos sa tao ngayon; ang bagay na hindi nakikita ng mata ay nagpakita at sinabi sa tao. Kung ano ang tinanggap noong daang taon ay natatapos kung hindi kayo mabubuhay sa doktrina ,hindi kayo naniniwala sa akin at ang inyong pinaniniwalaan ang dius diyusan o ibang rilihiyon na inyong kasagutan ngayon, ang daigdig na walang pagkakaisa at walang kapayapaan.Ito ay kitang kita upang malaman ninyo kung ano ang nanggaling sa Diyos, at kung ano ang hindi sa Diyos para may kamalayan tayo.Alam ninyo na ang hindi makadiyos ay hindi dapat magpatuloy at ang Diyos ay magbabalik,poproteksyonan at sisilungan ; at dadalhin kayo sa bagong daigdig na  inayos ng Diyos Ama na humingi ng awa noong una pa lamang para ang mga tao ay magkaroon   sa mga darating na araw at buwan ng kapayapaan, kaligayahan; at makita nila ang Diyos.

Mga mahal kong anak, ito ang salita na nanggaling sa katotohanan na aking ibinigay sa mga tao ; umasa sa ebanghelyo, kung ano ang sinabi sa daang taon na nakakaraan ay ipinaalaala ngayon at patuloy ang mensahe na pinayagan ng Diyos Ama na  tinatanggap ng matwid. Ang misteryo ng  kabanalan ay nanggaling sa tao sa mundo ; ang mga kababalaghan ay ipinaalala sa tao na umasa sa Banal ng Awa upang makapagpatuloy sa  mga nalalabing araw at para sa  mga tao na gustong makinig, yakapin, upang magsanay at maligtas para makapasok  sa bagong daigdig. Lahat ng ito ay katotohanan na aking minimithi at mahabag para hindi ito maging paulit- ulit ; sa mga nakaraang daan na taon bawat  Pasko ng Pagkabuhay, Mahal na Araw, Kurisma (Lent) ay oras para makilala na ang Aking Banal  na  awa na kanyang nakatapat  at galing  sa daang taon, nagdadala ng pambihirang senyas at sagrado katakataka na salita, ang salita na ipinagkaloob sa buong mundo na huling susi ng Inang Maria at hinihiling sa Diyos Ama para maunawaan ng mga tao ngayon (6). Ito ang maliwanag na ibidensiya at patuloy na dinala ng mensahero at propeta sa mundo, para tumistigo sa katotohanan na kanyang pinayagan.

Ang  Banal na Espirito  nagtatrabaho sa mundo na ipinagkaloob ng masigla sa mga tao, katulad ng  mensahe na kasama ang ebanhelyo, na mayroong magandang balita na inuulit at natatapos sa kasalukuyang gawain na nangyari sa banal na kaharian subalit makikita sa Banal na Eukaristiya. Ito ang pangkahalatan na mensahe sa bawat klase lalo na sa mga anak na napili sa ranggo  sa simbahan. Ang mga tao na may dala ang pagpapari na trabaho ay dapat makilala na mabuti komo ito ay malapit sa Banal na Eukaristiya na ako ay nakatago sa pamamagitan ng kamay ng mga pari, na kanilang ginagawa at  ipinagdiriwang sa Banal na Misa, parang katulad ng unang misa na itinatag. Ngayon ang ikalawang araw ng Mahal na Araw  at sa Huwebes ng gabi ang unang  pagtatag ng Huling Hapunan ; ang hapunan ang Huling Hapunan na ito ang unang hapunan ninyo sa simbahan na alam ninyo na ako ay nakatago

Ano pa ang dapat himukin: kundi bigyan ng silong  at proteksiyunan , mamagitan para sa inyo at mamalagi sa inyo kapag nakaharap ninyo ang disgrasya sa kahinaan ng tao, sa araw na hindi natin naunawaan ang kahulugan ng pagibig na aking inilalaansa inyo sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya na ating nakaharap na nasa inyo dahil ang Diyos Ama ay naghinto ang galit sa mga tao?  Lahat ng bagay  nangyari ayon sa kasunduan sa oras na binalak ; hindi na ito magpapatuloy ng matagal at hindi puwedeng ipagpatuloy ayon sa  pangngangatuwiran ng tao. Ang mga tao ay patuloy na  umaayaw sa akin ; patuloy na sinasaktan ako ; patuloy na hinahamon nila ang Diyos at ang kanilang buhay na karamihan ng mga tao ay nasa kapangyarihan ng demonyo.  Hindi ninyo nakikilta ang pinanggalingan ng katotohanan na ipingkaloob ng Pinakamalakas na Diyos subalit umasa sa katotohanan ng mundo, sa sopistikado at kaaki- akit na elemento na ipinagkaloob sa lahat ng klase at papel para  bumagsak at  maagaw sa bitag. Ito ang kasagutan kapag ang mga tao ay bumagsak sa buhay alang alang sa dotrina,buhay na may paniwala kapag hindi nila sinama ang kanilang kaalaman at isinara ang pandiyos na makikita sa tao na ang paniniwala lamang  ang makapagpaliwanag kung ano ang aking gawain.

Ngayon gusto kung ipagpatuloy para marinig ninyo ang mga magandang salita at pangunahan  ko kayo kung saan ako nanggaling ; hindi ako gumagamit ng agham (scientific), sanay na paraan ; hindi ako umaasa sa sopistikado na nalisya;  Gusto ko ang purong puso at purong kaluluwa. Gusto kung ipagkaloob sa inyo ang mas maganda  na higit sa  inyong natanggap sa mundo subalit isinara ninyo ang inyong sarili at hinayaan ninyo ang laman at ang kamunduhan ang maghari sa inyong buhay ; hindi ninyo nakikita ang para sa akin, hindi ninyo nakikita ang nasa kailaliman ng paniwala, sa puso at pagibig,kaya patuloy kayo sa buhay at nakikita ang halaga na inyong ibinayad. Hindi ako nagpaparusa sa inyo dahil maraming  anyo na  bubot, tahimik na baliw at mahina ang laman ; naloko kayo ng masamang espirito  na tinutukso kayo sa mataas na antas (level). Gusto kung sagipin at tulungan kayo ; dapat matandaan at malaman ninyo na ako ang kumilos at nagtiis at ginawa ko ang lahat ng dapat gawin ; iyan ang aking dugo sa kalbaryo, kamatayan ang naging katapusan,pagibig at pagpapatawad.

Ngayon nakatago ako sa Banal na Eukaristiya upang gawin ang bawat paraan ng kabanalan para makita kayo at bigyan kayo ng pagkakataon na makilala ang malaking grasya kapag kayo ay nahawakan. Marami ang pambihira,kagilas- gilas na bagay na inyong maririnig at makikita ; kapag binuksan ninyo ang inyong puso makakaharap ninyo ang banal na biyaya na inilaan at ipinagkaloob ko sa inyo. Mayroon isa lamang bagay na dapat gawin, na ang bawat isa ay kumilos sa kanilang papel upang makita nila ang kaluluwa ay nagtitiis at kinakailangan na ang kanyang buhay ay magbalik sa Diyos. Ang mga taong ito nangangailangan ng tulong, kailangan ang mga tao na tumistigo sa katotohanan at  tumulong na makilala at magbalik sa akin.

Maraming bagay ngayon na inyong narinig at sinabi ang katotohanan ;  ang aking boses pinaalalahanan ang mga lalake sa mundo ukol sa kanilang paniniwala at pagbalik sa Diyos. Ang araw ay hindi na mahaba ang lahat ng bagay ay inayos ayon sa plano ng Diyos Ama na nanggaling sa tao sa mundo ; ito ay madaliang araw na inyong alam at narinig. Sa sandali na maranasan ninyo ang paghihirap,hapis at harapin ngayon ang sitwasyon, pinagkalooban ko ang mundo ng aking grasya at ang aking Banal na Awa (Divine Mercy) ay nasa inyo upang tulungan kayo sa kasalukuyang pangyayari. Ang aking pagibig a y magpapatuloy upang bigyan kayo ng pagkakataon subalit kailangan magpasya kayo na magbalik at na kasama ang pagibig, kailangan makilala kung ano ang kasama sa pagtulong upang makabalik kayo sa akin sa araw na aking hinihintay sa nalalapit  ngayon sa mundo. Lahat ng bagay sa dapat mangyari ay dapat mangyari sa inyo para makita kung sino ang kasapi ng Diyos ; mga taong matigas ang ulo, mga taong tinatanggihan ang banal na   biyaya ng Diyos, mga taong tinatanggihan ang kaligtasan at patuloy na tinatanggihan ang aking paibig iyan ang pansariling desisyon ng bawat tao.

Ang aking hangarin magmula ng dumating ako sa inyo ay mamatay ng dahil sa inyo upang bigyan kayo ng liwanag at upang dalhin ang ebanhelyo at bigyan kayo ng pagasa, ayaw kong makita ang maraming tao sa huling oras ay nabubuhay pa rin sa kasalanan, nabubuhay sa immoralidad, nabubuhay sa mga bagay na nagpapahirap sa kanila magmula sa pangkaraniwan gawa ng  tao at iwinawala lahat ang dakila at mahal. Ang oras ay dumating na inimbitahin ang bawat isa na isuko lahat ang masama  makasalanang isip, gawa at kilos. Magbalik ang puso, magbalik na yumuyuko at dumapa, magbalik sa tulong ng Inang Maria,ang banal na grasya ay pinagkaloob sa atin ; makikilala at mararanasan sa pamamagitan ng Divine Mercy o sa Banal na Awa sa pagbabago at maging banal na inilaan ng Diyos sa mga taong naniniwala sa kanya, sa mga taong ginagawa ang 6 na Pagyukod o kowtows sa turo ng Ina, sa mga taong tumanggap at nakinig. Mga taong nabubuhay sa katotohanan, dinadala ang kaalaman at narinig at tumitistigo sa lahat na kapatid na lalake at babae na hindi makapagpasya,ang daan sa buhay sa pagitan ng bitag ng kasalanan at katotohanan ng buhay.

Ngayon ang ikalawang araw ng Mahal na Araw ; salamat sa inyong lahat (7) sa inyong oras na ginagamit sa akin ; inaaliw ninyo ako sa pamamagitan ng gawain na inyong ginagawa habang natutulog. Nanatili kayo sa akin upang marinig ang aking salita na patuloy na tumitistigo sa kasaysayan (history) na nanatili sa sa gitna ng mga tao sa mundo subalit ang araw ay dumating upang pumasok sa huling pahina ng kasaysayan ng Banal na Eukaristiya at sa mga masayang salita na ipinagkaloob ko sa mga tao.

Ito ang lahat na gusto kong sabihin ; sana mga anak makinig kayo at maunawaan, gawin at tanggapin para magawa ang kanilang tungkulin. Hinahangad at umaasa ako na matutuhan ang katotothanan at makinig sa katotohanan. Huwag kayong tumigil sa inyong kasakiman kundi tumistigo at ipagpatuloy na tingnan ang mga kapatid na lalake upang bigyan sila ng pagkakataon na makinig ; hanapin ang mga tao na inyong kilala,nagsasanay ; hanapin ang mga tao nabubuhay sa kabanalan at nabubuhay ng nagtitiis ; hanapin ang mga tao na hindi nakikilala, mga taong nabubuhay sa kasalanan na may pagkakataon na makabalik. Ang mga makasalanan ay may pagkakataon na marinig, may pagkakataon na magbalik upang ilubog sa Divine Mercy na may mensahe,ang pinakabagong paghahayag upang turuan sila sa daan na binabati at nagbalik sa akin ; isuko lahat ng bagay na kanilang nakasanayan sa mga araw na patuloy na paghihirap sa mundo dahil busabos sila ng masamang espirito. Kayo ay busabos ng masamang espirito kaya wala kayong kawala sa kabigatan na inyong hinaharap ukol sa pera, kasikatan, sariling paghahangad, libog, ambisyon at marami pang bagay na nasa makasalanan at kamatayan ; hayaan ninyo na ang kaluluwa na makilala at maisip ang mahal at magandang bagay.

Maraming mga bagay na ang inyong puso na dapat maunawaan ,kung ano ang sakrifisyo , kung ano ang pagtanggap, kung ano ang gawain ng Diyos, ano ang mga turo at totoo na kailangan malaman ng kaluluwa, mga puso para magpatuloy sa daan sa naririnig at alam at tumistigo sa katotothanan na may banal na biyaya  na ibinigay ko  sa inyo, sa pamamagitan ng grasya ng Diyos upang kayo ay  magtiis at magbago sa tulong ng grasya ng Diyos . Kapag naniwala kayo magagawa ninyo ang lahat ; kung kayo ay may kamalayan at magbalik sa perpeksyon na aking inilalaan at ibinibigay sa mga tao ngayon upang maghanda kayo, palakasin ang inyong paniniwala para maharap ninyo ang paghihirap, magkaroon kayo ng lakas at maging tapat na maghintay sa huling sandali  ang mga taong iyon ay makakapasok sa bagong daigdig at ang taong iyon ay napili sa mundo ng Diyos Ama na siya ang nag-ayos at inilaan sa bawat isa.

Ito lahat ang masasabi ko sa  oras na ito ; sana naunawaan at nalaman ang salita na ipinadala ko sa inyo na siya ring pang- kalahatang mensahe sa mga bata kahit saan, para sa lahat ng papel sa henerasyon  ngayon.Ito ay dapat  malaman ng lahat ang taon ng Jubeleo at ang ikalawang araw ng mahal na araw nagpadala ako ng masiglang salita para sa mga tao, lahat ng papel at lahat ng klase upang ibahagi sa bawat isa para maging testigo sa mga bagay na narinig, mga natutuhan upang piliin sa ating sarili. Piliin ang daan na may puso na determinado na gampanan ang mabuting gawa, iniaalay ang buhay na may pananampalataya na ating pinakikinggan,  kumikilos at nagbabalik upang tanggapin ang banal na basbas ni inilaan ng Diyos at  spesyal na grasya sa mga anak na ginagawa ang 6 na Pagyukod o kowtows na nanggaling sa turo ng Inang Maria .Buksan ninyo ang bibig upang sabihin ang dapat ninyong sabihin (9); yakapin ang buhay na malaki ang paniniwala na may tapat na puso, magdasal kayo sa Diyos Ama at humingi ng tulong para makabalik ; iyan ay magiging  hiwaga na ipagkakaloob sa espesyal na paraan sa inyo upang maging tauhan niya kayo. Isuko ninyo ang lahat na kasalanan at ang grasya ng Diyos ay tutulungan kayo. Ang Banal na Awa ( Divine Mercy) ay gagawin banal ang mga tao lahat ng nagsanay ; lahat ng may taynga nakarinig,ang may mata nakakita, may puso nakadama ; lahat ng may determinasyon ay lumakad sa kabanalan.

Ngayon ipinadala ko ang mensahe sa inyo ; ang aking pagibig ay hindi magbabago ; ang halaga ng dugo ay mabisa kapag naintindihan ninyo ang salita na itinaas ninyo sa Diyos,itinaas ninyo ang tao, sa tulong nga Banal na Espirito. Sa  kalagayan ng mga tao, ang pagibig ng Diyos Ama  binigyan ang  bawat kaluluwa, bawat puso habang kayo ay humihinga, gawin ninyo ang dapat gawin. Huwag ninyong iwala ang pagkakataon ; huwag ninyong bawasan ang ugali ng tao ; napakaraming biyaya at grasya na ibinigay para sa inyo lalo na sa huling araw,madaliang araw para tanggapin at maunawaan ang plano ng Diyos at ayusin. Ipinagkaloob sa inyo upang palakasin at bigyan kayo ng lugar na ipagkatiwala ninyo ang sarili na walang makapagbibigay na malayo sa Diyos, wala ng iba na ukol sa paniniwala ; kapag ginawa ninyo makikita ninyo ang proteksyon, ang  silungan na inilaan ng Diyos  at ipagkaloob ang banal na kaharian Ang kapayapaan ay sumainyo. Mahal ko kayo. Paalam mga anak.

L. Panginoong Diyos ,salamat sa grasya ng Diyos na  inilaan mo  sa amin para sa mga kapatid na lalake at babae narito ngayong gabi upang tanggapin ang salita na Diyos. Akala ko umpisa ngayon at hanggang Biyernes ng mahal na araw, hindi ko makikita ang Diyos, kaya patuloy akong nakikinig sa salita sa inspirasyon ng Banal na Espirito subalit ngayon sa huling sandali habang kami ay naghihintay, ang Diyos ay nakipagkita sa amin at binigyan kami ng pagkakataon na marinig ang boses ng Diyos ,marinig ang kanyang pagtuturo ;  mga mensahe na walang katapusan na  klase at maraming papel para maunawaan ang Awa ng Diyos (God’s Mercy) sa mga tao. Ang Diyos ay nagpapaalala sa mga tao siya ay  ating gabay ; ang pagibig sa Banal na Eukaristiya ni Hesus hindi siya tumatanggi sa bawat isa. Ang Diyos tinutulungan tayo na buksan  ang ating puso,kaluluwa upang tanggapin ang Banal na Awa ng Diyos, para tanggapin ang mensahe na ipinagkaloob ng Diyos, maunawaan ang kahulugan ng Passion o paghihirap na namatay si Hesus sa Krus.

Ang Mahal na Araw ay nagpapaalala sa atin na ang Diyos ay tinubos (redeem) tayo sa presyo ng Dugo ; ang Diyos tinubos tayo sa pamamgitan ng 5 Banal na Sugat ; ang Diyos ay nagtiis sa hampas at bugbog para sa ating buhay ngayon ; tingnan natin at damahin ito na may kalungkutan,magbago at magdesisyon na magbalik sa kabanalan na ang Diyos ay naghihintay sa atin. Sa oras na ito hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin alang – alang sa lalake at babaeng kapatid sa buong mundo, sa bawat papel,klase pasalamatan, purihin at igalang at itaas na may pasalamat tayo sa Diyos at humingi ng tawad. Sa banal na pangalan  Hesus Kristo ang ating Panginoon, L. natapos ang mensahe sa gabi Martes Marso 22,2016 sa Santa Teresa simbahan, sa rebulto ng Sacred Heart ni Hesus, sa rebulto ng Our lady of Guadalupe, rabulto ni Santa Teresa, si L . ay nagkaroon ng pagkakataon na tumanggap ng mensahe ngayong gabi. Salamat sa grasya ng Diyos at igalang ang Diyos. Salamat sa Banal na Espirito at sa ating Ina. Amen. Amen. Amen.

 

1.Maski ang mensahe ng 6 na Pagyukod o kowtows nanggaling sa Diyos Ama o kay Hesus ito ay galing sa inspirasyon  ng Banal na Espirito, ang Banal na Ina nakikita ang mensahe ng 6 kowtows ay sinabi sa kanya ng Diyos,bastante at banal

2. lahat ng parte ng mensahe ay galing sa inspirasyon ng Banal na Espirito mensahe sa Diyos, sa Banal na Ina, mga anghel at santo

3.Ang  talata ay pangkalahatan ;  ang pangloob na salita na galing sa pansariling pahayag salamat sa ipinagkaloob ng Banal na Espirito

4. Kamatayan ukol sa espiritwal na kamatayan hindi sa orihinal  na kasalanan na nanggaling kay Adam at Eve.

5.Ang hapunan ang tawag ngayon ay Huling Hapunan, Si Hesus ay nagsalita ukol sa Unang hapunan noong ang Eukaristiya  unang lumitaw sa lupa sa kanyang kamay

6. Ang 6 na Pagyukod o Kowtows ang huling susi sa pintuan ng Diyos ng Awa.Ito ang huling susi dahil pagkatapos ng Pinto ng Awa, sarado Nobyembre 20, tapos na ang pambihira  ng taon ng hubeleo, ang mga tao kailangan parin nilang mapalapit sa Divine Mercy, ang oras ng masama sa ating buhay. Pagkatapos ng taon ng Awa, mayroon pang  2 susi para sa tao; 1 pangkalahatan pagpapaliwanag ng bughi, na sinabi ni Saint Faustina ang kasukdulan ng era o panahon ng Mercy ang Diyos sasabihin sa tao ang estado ng kaluluwa at kung saan sila pupunta kapag namatay. Magkakaroon ng maraming pagbabagong loob pagkatapos ng okasyon maaaring kulangin ang mga pari para magbigay ng confession at misa, mga taong hindi  catholiko na magbabagong loob. Ang 6 na  Pagyukod o kowtows ang papalit sa sakramento ng confession kung kakailanganin sa darating na panahon. Ang mga tao dapat gamitin nila ang susi ngayon dahil ipinagkakaloob ang pasimula ng pagbabagong loob,laging nagbabago araw-araw. Makikita ang kahalagahan ng 6 na Pagyukod o kowtows sa mundo hindi lamang sa catholico.

7. ang dalawang kompanyero

8. Itong pansariling paghahayag na  itinuturo sa pangunahing paraan sa eukristiya ay mabubuo na. Ang unang libro ay lalabas na mayroong mensahe ukol sa Eukaristiya o kumunyon

9. ukol ito sa pansariling dasal habang ginagawa ang 6 na Pagyukod o kowtows. Ang ibig sabihin ibuhos ang ating puso sa Diyos at sa Mahal na Ina.

Bagong Pagsisiwalat sa Pamamagitan Ng Eukaristiya

 

Mangyari lamang na ibahagi ang mensaheng ito at website na may mga alam mo sa pamamagitan ng e-mail, social media, pag-print ang mga mensahe at salita ng bibig.

 

error: Content is protected !!