Bago Revelations Eucharist Sa

Ang anim na Pagyukod ng Noo sa Sahig Habang Nakaluhod na Dapat aIkalat sa Buong Mundo

Ang anim na Pagyukod ng Noo sa Sahig Habang Nakaluhod na Dapat aIkalat sa Buong Mundo

Nobyembre 15,2015

L.  Panginoong Diyos, tungkol sa huling salita,ang salita na nanggaling sa Banal na Espirito, ang salita na aking natanggap (2) na ipinamahagi sa mundo,mga salita na tumitistigo sa mga bagay na aming nakita at narinig; nagkaroon kami ng pagkakataon na ipamahagi ang lahat ng pagpapala na natanggap sa Diyos na ipinagkaloob para sa lahat ng tao at sa mga kapatid na lalaki at babae na sama-sama. Sa huling araw at buwan sa katahimikan ng bawat isa ay gagampanan ang tungkulin para buoin ang programa at mission para tayo ay tumistigo sa milagro at sa lakas ng Banal na Eukaristiya na may paalaala na ibinigay ng Banal na Inang Maria sa mga tao, kasama ang mga Santo na dumating para magbigay ng mensahe sa mga anak sa mundo,mga pamilya para marinig sa pamamagitan ng lakas ng Diyos na tumanggap at pinapayagan tanggapin ang walang katapusang biyaya na nangyari at nangyayari sa pambihirang paraan.Ngayon makikita natin ang grasya na nanggaling sa katotohanan, sa pinakamataas na  tao ang Diyos, sa gitna ng mga milagro ngayon sa mundo. Ititigil kona ito para makatanggap ako ng salita sa Diyos ngayong gabi.

Ama, L , MN, M. Ang aking  Tatlong Mahal na Anak

Ngayon, ang mga mata ay  nakakakita at ang taynga ay  nakakarinig lahat ng iyong makaharap(3) komo pambihira at mahirap ipaliwanag.Ang aking trabaho ay malapit at nasa kalagitnaan,lumalakas lumiliwanag sa bawat araw, dahil sa inyo at inihahatid sa inyo para makatestigo, at ipatupad at ipahatid ngayong araw na ito.

Mga Mahal kong Anak. Ako ay nalulungkot. Maraming mga bagay ang hindi ninyo nararamdaman.Ako ay dumating at hinahanap ko kayo. Hinahanap ko ang mayroong puso mapakumbaba, mga pusong marunong magbigay na aliw sa mundo, mga anak na walang magawa subalit sa kanilang katahimikan, ay para silang maliit na bata na  nasa aking paligid. Ngayon maraming mga bagay na nagpapabigat sa aking puso.Ang mga tao ay matigas ang ulo, wala silang pakiilam at hindi binibigyan ng pansin ang mahalagang bagay na kailangan nilang baguhin, at iwasan at  kailangan na  magdesisyon na iwasan ang mga krimen na patuloy na sinisira ang mundo. Marami ang nagsisitaghoy at humihingi ng hustisya kapag mayroong namatay na hindi inaasahan ;  hinihiling ang kabayaran ng buhay rin na ating  nakikita sa mga krimen ng mga tao na sa kanilang palagay ay mali sa kanilang kunsensiya o hustisya. Ang mga tao gusto lamang ipagpatuloy ang kanilang paghihirap, nagbibigay ng gulo sa mga kapatid, bawat bansa at walang katapusan at nakakatakot na kilos. Ngayon nakikita sa mga tao, mga anak na lalaki at babae na talagang hindi tinatanggap at hindi nila nakikilala ang Diyos na umiibig sa kanila at binigyan sila ng pagkakataon na maging mahalaga ang kanilang buhay.

Kailangan ko ang pusong tapat, ang pusong buo ang loob; mga pusong magsisilbi, hinahanap ako ng tapat, at tahimik na ginagawa ang kanyang katungkulan sa pamamagitan ng pagtitiis.Maski ang gawain ay maliit na bagay lamang ito ay pinanggagalingan ng lakas; kailangan balikan ang maliit na ginagawa natin sa pamamagitan ng pagsasanay, pagsubok ng buhay, sa ating mga gawain, sa ating kalagayan sa buhay na ating hinaharap para mayroon tayong lakas na piliin ang daan na patawarin ang mga tao,patawarin ang ating sarili at patawarin ang mga bagay na hindi sinasadya at mga taong sinasadyang saktan tayo.

Lalo ng nakakasakit ng loob sa puso kung ang tao ay hahamakin at aalisin ang doktrina(4) mayroon tayo at ako ay malulungkot sa habang panahon. Napakaraming pagsubok,mga pangyayari na pagdadaanan natin sa buhay ng bawat tao at hindi parin natin mapagtanto ang katotohanan kung ano ang kailangan natin sa buhay? Napakaraming kaguluhan mangyayari sa mundo na  hindi nanggagaling sa katotohanan at kung hindi nanggagaling sa Diyos ay nangyari, lahat ng hindi nanggaling sa Diyos na ibinigay sa tao subalit hindi pinaniniwalaan, itinatanggi, pinagkaitan ang naging kasagutan sa ating ginagawa, lahat ng ating pinili sa buhay alam natin ay mabuti at banal na gawa na kailangan ipakita sa mundo, mga gawaing dapat tapusin ng bawat tao dahil ako lamang ang makapagbibigay ng pag-asa sa mundo.

Tayo  ang  “tagapanguna” ,ang mga tao ay dalahin natin sa ating balikat,hindi para sa atin at kanilang familya kundi ang maging karapat dapat silang tumistigo para matulungan nila ang kaluluwa ng mga  kabataan at mga kapatid natin lalaki at babae sa buong mundo. Iyan  ang gusto kong inyong makita at bigyan ng pansin ang mga gawain na inyong nakita at naranasan hindi iyong mga gawain na nakita natin sa sariling damdamn  na desisyon na ginawa natin sa nagdaang oras. Gusto ko ay makilala kayo.Gusto kong ipaalala ang mga bagay bagay at ang banal na Espirito ay ipaalam ito sa mga tao sa mundo.

Ito ay mangyayari sandali at magkakaroon tayo ng pagkakataon na ibahagi at maunawaan ang mga gawain sa panahon ngayon ng kadiliman, panahon na napapalibutan tayo ng mga masamang demonyo at mga kaluluwang bumagsak, mga kaluluwang nabubuhay sa kasalanan, mga kaluluwang hindi nakikilala ang katotohanan at doktrina. Ang mga taong patuloy na nabubuhay,sila ay naniniwala, bumabalik sila sa komunidad na kanilang tinitirhan, sa mga estado na kanilang tinitirhan, sa mga lugar na malapit sa kanilang trabaho subaliit nakalimutan nila ang doktrina na dapat nilang ayusin para mapabuti ang kanilang buhay. Ngayon, sa  bansang malayo nakakaranas na sila ng gulo subalit bukas at sa darating na bukas sa nalalabing araw ang gulo ay nasa kanilang paligid na bago “ (5)

Kung hindi ninyo naintindihan ang kahulugan para matulungan ang ating spiritual na buhay at ang spiritual ng buhay na ibang tao, paano mabubuo ang salita na ipinagkaloob ko sa buong mundo, ang salita na ibinagay ko sa bawat tao, ang mga salita na nakakapagpabago sa mga tao para maunawaan nila ang kahulugan ng pagibig ang kahulugan na ipinagpalit ni Jesus sa halaga ng kanyang dugo para iligtas ang mga tao sa kasalanan at sa kadiliman ng kamatayan? Napakaraming bagay na hindi natin mabilang at  maraming beses na nawalan tayo ng pag-asa ang mundo ay mawawalan na katahimikan sa bawat araw ; sa darating na mga araw makakarinig kayo ng mga nakakatakot na pangyayari na mangyayari na plano sa panahon na matahimik. Ang oras ay dumating sa tao para makita ang kabihasnan ,ang sopistikadong mga bagay na ating pinipili at ginagamit ; kayo ay malapit sa kanila,ang tingin mo sa kanya ay isang kaibigan sa isang saglit ; ito pinapalitan ang aking pag-ibig, ang oras na dapat  ay para sa akin ay  nakakapigil sa aking pag-ibig sa iyo. (6) Ang “pagsalba” ay pang habang buhay at ipina-aalala ko sa inyong puso subalit kailangan ang sagutin sa buhay,sa mga may edad na tao para makita ang kaligayahan, saya at makita ang hinahangad ng bawat isa sa mundo.

Ito ang mga bagay na  nangyari at mangyayari maraming kaluluwa umaalis  na  hindi inaasahan, na nagiging dahilan na pagkakahiwalay ng mga familya ;Ngayon ang mga tao ay nabubuhay sa hirap at sa sama ng loob. Ano ang mangyayari sa inyo? Ang Mahal na Ina ay patuloy na pinaaalahanan ang mga tao na magsisi,magbalik at magtulungan sa buhay.(7) ;ang mga tao ay nangangalilangan pagkain ang katawan para maipagpatuloy sa araw at buwan ang testimonyo para may pagkain sa kaluluwa sa pamamagitan ng grasya at biyaya na inilalaan ng Diyos sa mga anak na mayroong puso upang ipagpatuloy na ikalat ang kailangan malaman ng tao, marinig at tulungan silang magbalik.Ang inyong debosyon ay ang  mabuting palatandaan ;magiging palatandaan na kailangan ng tao para harapin at makita kung papaano sila makitungo sa ibang tao sa bawat sulok, kung papaano harapin ang aspeto habang nagtatrabaho, kung paano sila kumilos kung mayroong pagpipilian, gusto nilang pumunta kahit saan o kaya mga bagay bagay para magsanay at buoin ang tungkulin at pagpapakilos na ibinigay sa kanila.

Mga anak, ng dahil sa akin ipahayag ang mga mahalagang trabaho ngayon na alam ninyong totoo ; huwag kayong matakot na harapin kundi maging matalino kayo sa pakikinig ng diretso, na may katalasan na ibinigay ng Banal na Espirito na dapat gawin sa darating na araw ang pag-aayos at  sa tulong ng Mahal na Ina  ay binigyan  tayo ng sandali para makilala ang trabaho na dapat nating gawin,mga testimonyo sa kahulugan ng Anim na Pagyukod na dapat ikalat sa buong mundo. Gusto ko na ipagpatuloy itong mga biyaya at tanggapin ninyo ang grasya ; ng dahil sa grasya nagkaroon kayo ng karapatan na ibigay sa mga kapatid na lalaki at babae kung kailangan nila para tulungan sila sa kanlang paniniwala, sa kanilang pag-sisi para ang kanllang puso ay tatanggap ng kapatawaran sa Diyos, makatatanggap ng maayos at maligtas sila sa nalalabing araw na ating narinig at naunawaan.

Mga mahal kong anak,ngayon ay maraming lugar at bansa at mg taong nabubuhay sa hirap at nagdadalamhati.Wala silang pananampalataya sa buhay at wala silang pangunawa kung sino ang kanilang pagkakatiwalaan.Ang alam lamang nila ay ipagkaloob ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng pwersa na siyang ginagamit para mangibabaw sa bawat isa at saktan ang bawat isa. Ito ang pangangatwiran upang ibagsak ang buhay na  naniniwala sa Diyos, buhay na kilala ang Diyos at ang buhay christiyano ; Huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil ang nangyari at ang mangyayari ay para magkaroon ng Katapusan. Sa katapusan makikita natin ang pag-kakaisa at ang damdamin natin na tulungan ang mga tao, mga mahal natin sa buhay, mga taong makasalanan sa pamamagitan ng kahulugan ng Anim na Pagyukod na ibinigay na regalo ng Mahal na Ina ang grasya para sa natitirang araw sa katapusan ng daan taon.

Ipagpatuloy ninyo ang inyong mission. Hinahangad ko na huwag kayong winawagay-way,  huwag matakot, at huwag mag-alala sa mga nangyari na at sa mga darating pa. Gawin ninyo ang dapat gawin Mga desisyon sa trabaho, para sa mission, at matulungan ang mga kapatid na bumalik, makita ang katotohanan at mabuhay at ipagpatuloy ang mga gawain ng mga tao na kanilang pinili, sa batang nakikinig sa hinaharap na katotohanan at pagsibihan ang programa na aking isinawalat sa mundo lalo na sa inyo. Isang bagay na nakakalungkot kung ang mga anak ay may pagkakataon na hindi tanggapin at mamatay na hindi inaasahan ; ipagdasal ang mga kaluluwa, ipagdasal ang mga kapatid na lalaki at babae,maski iba ang kanilang salita.Ang katotohanan ngayon ay makikita sa mga bata na nawala ng landas na matuwid at makatuwiran na tao lalo na inyong walang alam. Ang kanilang paglipad ang kalungkutan ng mahal sa buhay ang aking puso ay nalulungkot,at lumiliit ang puso—lalo ng nalungkot ang aking puso sa mga tao ngayon sa kanilang kakulangan,lumalayo, itinatanggi at patuloy na nabubuhay sa kasalanan at kasamaan.

Mga mahal kong anak, wala pang bagay na lalaki sa inyong puso   at kababaan ng loob dahil ang tapat na puso at ang pusong may damdamin katulad ng nasa inyo ay nakakabawas ng lungkot, nakakatulong sa mga bagay na aking hinaharap sa aking anak—sa kanilang katigasan, sa kanilang immoralidad, sa dami ng gulo sa mundo na ang mga tao ay nawalan ng paniniwala,hindi nauunawaan ang aking dating at hindi nila alam ang aking ipinagkaloob  ; ipinagpapatuloy ko na makasama  kayo at ipagpatuloy na maghadlang sila para inyo at ipagpatuloy na ipagkaloob at bigyan kayo ng maraming oras. Ang oras ay hindi magtatagal ; lahat ng bagay ay mangyayari at matatapos. Ang oras ng katapusan sa darating na araw ng grasya at biyaya ay hindi na masyadong matagal, pilitin ninyo na tumistigo,maging tagapanguna,para gawin ang bagay na magkaisa ang mga tao, para makilala at tanggapin ng bawat tao ang buhay na inihanda para sa maaring mangyari na hindi inaasahan sa bawat sandali. Huwag mong isipin na nakatira tayo sa bayan na may katahimikan ; hindi  mo alam ang mga lugar na hinahangad ng demonyong sirain ; sirain lahat ng aspeto, gusto nilang magkahiwalay ang mga tao—ngayon gusto nilang sumunod tayo sa mga demonyo.Ang masamang espirito ng demonyo ang gusto ay wasakin tayo, mabuhay sa laman(8) at makikita ito sa lugar mataas na kinatatayuan ng mga may kapangyarihan na nagbibigay ng gulo sa mundo ngayon .

Dahil sa batang isip pa sila, dahil ang mga tao ay hindi makapag-isang pumili at magpasya para sa kanilang sarili ukol sa kanilang haharapin, ang nangyari ang nakahiligan nila ay  umasa sa pera,sa ating papel at lahat ng kasakiman at ang hangarin ay para sa kanilang sarili sa mundo,gusto lamang niyang tulungan ang sarili, kalibugan, pagkamakasarili,mga pangarap, pagtatalik, kasama ang mga nakakatakot na bisyo sa ating buhay.Kapag nakikita ko ang kasamaan lalo akong nalulungkot at dapat nating ipagpatuloy ang ating mahalagang ginagawa ng tahimik ,at ito ay mabisa at may pagkakataon na ikalat, kung may pagkakataon na makilala.  Ito ang katotohanan : Gusto ko ang mabuting balita na mabuhay muli, Ang Mabuting Balita ng Panginoong Jesus Kristo  sa nalalabing  araw bago matapos ang daang taon na mayroong mensahe. Ito ang natitirang pag-asa sa araw kapag ibinigay ang masaganang grasya sa mga tao, sa mga taong matuwid at makatuwiran, sa mga taong makasalanan, mga taong nakakaunawa at hindi nakakaunawa ,mga taong naniniwala at hindi ,lahat ng nasisikap at mga taong nabubuhay sa kasalanan, nabubuhay sa oras na ang namamahala  sa kanila ay  demonyo.

Nasa bawat kaluluwa ang desisyon, sa nakikita natin sa pagitan ang masama at mabuti, ang kailangan ay magkaroon tayo ng buhay na mayhalaga at masaya ; Kung papaano tayo magkaroon ng pundasyon sa buhay na nanggaling sa ating desisyon, para gampanan ang ating gawain sa pamamagitan ng ating papel. Tandaan ninyo ano man ang mangyari manati kayong mapayapa at magdasal ; I tuturo ko sa inyo ang banal na Espirito ay tutulungan kayong gawin ang dapat gawin at kung ano ang dapat isilbi, at dapat sabihin at marami pang bagay na natapos natin. Ako ay natutuwa na makita ang mga puso na ginagampanan ang dapat nilang gawin at may pagkakaalam sa kahalagahan ng buhay at pangangailangan na magsilbi at ipagkaloob ang mga biyaya sa mundo sa pamamagitan ninyo.

Sana makita ko ang pagtutulungan ng bawat isa, pag-ibig ng bawat isa,pagsubaybay ng bawat isa at mapalapit ang bawat isa dahil ang aking gawain kailangan mapagtanto ng bawat isa. Itong mission na ibinigay ko :  nakikiusap ako na tapusin ng lubos ang mga mahalagang bagay. Sa nakikita natin sa mundo ngayon ang mga tao ay nangangailangan ng biyaya at grasya sa pamamagitan ng Anim na Pagyukod ng Noo sa Sahig habang Nakaluhod na aking ipinagkaloob sa tao para mapalapit sila at makilala, maunawaan ang kahulugan para magdasal, ipagdasal ang mga kapatid na namatay na hindi inaasahan. Ang Anim na Pagyukod ay gigisingin ang mga kaluluwa ; Ang anim na Pagyukod ay tatanggapin ng Diyos Ama ; Ipagkakaloob sa inyong buhay na iyong ginagawa na,at iyong nagampanan sa mga kapatid. Ang inyong ginawa ay mabuti ; ito ay testimonyo sa daan na inyong pinili na nanggaling sa  bagong pagsisiwalat na ibinigay ko sa mga tao,lalo na sa bawat isa, na may espesyal na paanyaya sa bawat tao na tinawag na magtestimonyo at magsilbi ng tahimik.

Mga mahal kong anak , maraming bagay ang nangyari na at mangyayari. Tandaan ninyo sa lahat ng bagay na nangyari kahit ano pa lagi kayong maging kalmante.Lagi kayong tahimik at huwag ninyong pababayaan na mawala sa inyo ang kapayapaan.Lagi kayong magdarasal ng madalas at makita natin ang mga bagay na hindi perfecto, lahat  ng bagay na mabuti sa buhay, kailangan natin ang bawat isa, ibigin ang bawat isa, gabayan ang bawat isa, magkaisa para ang ating  gawain ay mapagtanto natin para isalba tayo ang ating mga kapatid at gampanan ang mga tungkulin at responsbilidad na ang Diyos Ama ay hangarin niyang ayusin ang kanyang mga anak sa mundo. Ngayon ang napagusapan ng bawat isa kung ano ang hinaharap, ito ay mga bagay na naunawaan ng kaunti na nanggaling sa grasya na ipinagkaloob sa akin at sa inyo. Ipagpatuloy ang  mission, igalang ang bawat isa, ibigin ang bawat isa at maging malapit ang bawat isa at tulungan sa ating  trabaho at tapusin ang mga mahalagang gawain na ipinagkaloob ko sa inyo gusto kung makita ang bawat bata na nagsisilbi na nanggaling sa puso at kaluluwa ; ang bawat tao ay pipiliin na ipaptuloy ang programa at pagnanais na tulungan ang lahat ng mahalagang gawain na nangangailangan ikalat sa buong mundo.

Ngayon ito ang gusto kong sabihin. Gusto ko kahit anong kalagayan ay matandaan ninyo na ako ay laging nasa inyo upang pangalagaan at ipagtanggol kayo. Huwag kayong matakot ; ipagpatuloy lagi na mayroon kayong buhay na madasalin at ipagpatuloy ang tungkulin at responsibildad komo kayo ay napili na magsilbi sa programa sa inyong kakayahan . Sundin ang mga mabuting gawain na nanggaling sa Banal na Espirito at tulungan ang bawat isa na magkaroon ng kailangan nila at kung ano ang dapat gawin at sanayin para ipakita sa mga anak. Kailangan magkaisa ang bawat isa sa buhay na napili at maka testigo para matupad ang responsibilidad na ipinagkatiwala, ang programa para dalhin sa mundo ang puso,upang ipakita ang paggalang, pasasalamat, para makita na kailangan nilang makilala at mapansin ang regalo ng grasya sa nalalabing araw.

Ito ang regalo na natanggap  nila sa kanilang sarili ,na pwede silang magsanay sa kanilang sarili ,na pwede nilang makita ang katotohanan sa pamamagitan ng pagibig at grasya na aking ipinagkaloob sa bawat tao, at ipagpatuloy ninyo tagapanguna ng Anim na Pagyukod para maibigay ang kahulugan at ng maipakilala at dalhin ninyo sa akin ang mga taong inyong makakaharap. Kung naniniwala kayo sa pambihira at hindi maipaliwanag na gawain, kayo ang mga anak na makapagpapatuloy ang pinakamahusay na bagay para sa mga kapatid at mga tao sa lahat sa mundo, at magsanay sa kanilang buhay . Ito ang huling araw ng buwan para magdasal ang buong mundo, ipagdasal ang mga kaluluwa ;ito ang nalalabing buwan para ipagdasal ang mga kaluluwa, (9)

Magtiis mabuti ,magsikap, mabuhay na may pang-unawa sa pag-aayuno ,dalamhati sa lahat ng  mahalagang biyaya na aking ipagkakaloob ipamimigay ko at tanggapin ang mga dasal kapag nuunawaan at ikaw ay nakakaalam ng buhay testimonyo,buhay na may magandang balita na ipinahayag,buhay na naunawaan ang  trabaho na ipinagkaloob at patuloy na ipinagkaloob para palakasin ang loob, pagpupursige at mga lakas na ipagpatuloy na sabihin ang kahalagahan ng trabaho na ipingkaloob ko sa mundo at sa bawat tao.

Ngayon ito ang gusto kung sabihin. Maraming salamat sa mga trabaho na inyong ginagawa na hindi sa inyo subalit inayos ng sunod- sunod , sa pamamagitan ng gabay ng Banal na Espirito. Nakikita ko ang masayang puso at espirito na dala ang mahalagang trabaho para ikalat sa buong mundo : iyan ang trabahong dapat ninyong ipagpatuloy. Sa pamamagitan ng gabay ng Banal na Esprito mapapansin ninyo ang pambihirang trabaho at maraming bagay na makapag-papaliwanag sa buhay ng testimonyo ,na may grasya at biyaya na may kahulugan ng Anim na Pagyukod na kasalukuyang ikinakalat ,bilang tagapanguna na obligado kayo na inyong tanggapin. Ipagpapatuloy ko na ibigay sa mga kapatid na lalaki at babae na may pusong nagkakaisa sa isang daanan para madaling magsilbi ,magtrabaho at matulungan ang mga kapatid kapag nagkita at humingi ng dasal. Ang inyong tungkulin ay ipagdasal sila at tumanggap ng salita na gusto kong ipagkaloob sa aking mga anak kahit saan lalo na sa mundo ,sa mga anak na nagsisilbi ng matahimik sa mga nagdaang araw. Ngayon maraming mahalagang bagay ang nangyayari. Kailangan ko ang inyong puso, ang inyong kaluluwa, ang inyong kusang pagtulong para mabuo ang programa na aking ginawa at pinili na aking ipinagkaloob ang mga grasya at biyaya sa inyo.Ang kapayapaan ay suma inyo .  Lubos na iniibig ko kayo. Paalam mga anak.

L. O Panginoong Diyos, salamat sa grasya ng Diyos una sa lahat ako ay humihingi ng dispensa sa Diyos ; Sa oras na ito hindi pa rin ako gising at inaantok. Alam ko ang dapat gawin subalit ang mga salita ay hindi nanggagaling sa akin ; ito ay nanggagaling sa Banal na Espirito (10). Sabi ng Ama gusto niyang ipahatid, magsilbi ako ng lubos ayon sa Banal na Esprito at sa daan na kagustuhan ng Diyos Ama ,paki bigyan mo ako ng malusog na katawan at lakas para sa aking mga kapatid na lalaki at babae para magkaisa na ipagpatuloy na ikalat ang programa na ibinigay sa amin at  kami ay binigyan ng Diyos Ama ng pagkakataon na tumistigo at maging tagapanguna, para maipagpatuloy ang mga dapat gawin ngayon na kailangan ng mga tao katulad ng paibig ng Diyos ,pakikiramay, ang kanyang pagpapatawad, siyang daan para magkaroon tayo ng kapayapaan, kaligayahan at  tungkulin at makatuwiran paliwanag upang aliwin an Diyos, at tapusin ang lahat ng mabuting gawain na itinuro ng Mahal na Ina at gabayan tayo. Ang  Mahal na Ina ay nasa ating tabi para tulungan tayo na matapos ang ipinagagawa sa atin na kailangan ikalat sa buong mundo ang Anim na Pagyukod at turuan ang bawat puso na tapusin ang mga gawain na ipanagagawa ng Diyos para matutuhan nating malaman kung ano ang gusto ng Diyos at mga bagay na hindi inaasahan at kung ano pa ang programa para bumalik tayo sa Diyos. Kailangan magkaroon tayo ng lubos na pagtitiwala. Kailangan ipagpatuloy kahit maraming hirap at hindi sumasang-ayon.

Katiyakan ang buhay ng pagsisilbi ,ang buhay na tinatanggap natin ang salita ng Ama , tatapusin  namin ang ipinagagawa ng Diyos alang alang sa mga kapatid na lalaki at babae sa mundo ; ipagpapatuloy na ihatid at ipamigay  sang-ayon na mabuo at magawa ang gusto ng Ama. Paki  tulungan mo ako sa aking mga trabaho na aking nakikita at sa tulong ng kaluluwa na buong ipagkatiwala at magtiwala para maipagpatuloy ang testimonyo, maipagpatuloy ang dapat gawin at responsibilidad na ating alam at naririnig at ikinakalat sa buong mundo. Sana ang mga kapatid na lalaki at babae ay  makisama sa atin na may tapat na puso ; pusong gustong magsibi sa Ama, at mga kapatid ; mga pusong hindi susuko maski mahirap at haharapin ang mga bagay na nangangailangan ng pasubok sa atin.

Sa Katapusan, kailangan ang Diyos Ama na makapanaig sa ating puso ,kailangan payagan natin ang Ama,ang taong binibigyan tayo ng silong ,pinangangalagaan tayo para ngumiti ;maging masaya sa ating ginagawa at kung ano  pa ang dapat ipagkaloob natin sa Diyos Ama. Gusto natin buong puso tayong kasapi ng Diyos sa araw-araw. Ang mga bagay na hindi kasapi sa Diyos paki tanggalin ; ang kasapi sa Diyos katulad ng buhay na may kahulugan, masaya at matahimik na ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Ang paghihirap na nangyayari sa mundo at bawat bansa, paki tulungan mo kami na may espiritong nagkakaisa para magdasal sa bawat isa. Diyos Ama bindisyunan mo ang mga tao at dalhin mo sila sa daan ang mga kaluluwang pumanaw na hindi inaasahan sa langit sa paraiso ng Ama.

Sa banal na pangalan ni Jesus Kristo, salamat sa Diyos Ama, pinupuri at sinasamba ang Ama.Ngayon ang Ama ay binibisita kami na may eukaristiya na dilaw na kulay at bilog, napaka-ganda napakalaki at binigyan tayo ng pagkakataon na mapalapit tayo sa espirito ng paglugmok at magpasalamat sa Diyos Ama.Panginoon Diyos paki pagpatuloy po ninyo na gabayan kami at bigyan ng pagkakataon na magsibi,gampanan ang makatuwirang paliwanag sa mga tao na nagbigay ng magandang balita, para maging saksi sa katotohanan na ipinagkaloob ng Diyos Ama para ating gunitain;  ang mga taong nakikinig at inihahatid ang mga gawain ng Diyos Ama ay pinaalahanan ang buong mundo lalo na ang mga taong may papel; para makasama natin ang mga kapatid na lalaki at babae. Kailangan tayo ay magtiis at maging masigla at masipag para magawa ang ipinagagawa ng Diyos Ama na  dapat ikalat at tumistigo sa Pag-ibig ng Diyos Ama.

Ako ay nagpapasalamat. Pinupuri at sinasamba ang Banal na si Jesus Kristo ating Diyos. L. natapos ang mensahe na nanggaling sa Diyos ang Pagsisiwalat noong gabi 1:58 ng umaga; natapos ang mensahe noong Linggo Nobyembre 15,2015 sa bahay, ang lugar na natanggap ni L. sa inspirasyon ng Banal na Espirito ang mensahe. Ako ay nagpapasalamat sa ngalan ng mga tao sa grupo na may paggalang at nagpapasalamat na puso, pinupuri at sinasamba ang Diyos. Amen, Amen ,Amen

  1. Ang mensahe ay para sa ating grupo na tinutulungan si L. sa mission, ang ibang parte ay iniaalay sa mga naniniwala sa pribadong pagsisiwalat; Ito ay ang anim na pagyukod na ating ginagawa. ( tingnan ang 08-19 -2014 na mensahe)
  2. Ito ay inspirasayon na m ensahe ng Banal na Espirito kay L. halos bawat mensahe na tinanggap ni L. nag-uumpisa at natatapos sa inspirasyon ng Banal na Espirito na nagsusubaybay.
  3. Ang milagrong litrato at mensahe
  4. Ito ay ukol sa magandang balita ni Jesus Kristo
  5. Unang araw bago tinanggap ang mensahe, ang terrorista Isis ay inataki ang Paris at 127 ang patay. Ang pagkakagulo ay nalalapit sa mga tao sa madaling panahon
  6. Ang Diyos ay inibig tayo. Kung walang tumatanggap at walang oras na sumasamba, iyan ay problema dahil ang pag-uugnayan ay dalawang tao ang nagdadamayan. Si Jesus ay tinuturuan tayo makipag-ugnayan sa kanya sa pamamagitan ng dasal
  7. Ang Anim na Pagyukod ay regalo sa atin ng Mahal na Ina
  8. Ang demonyo ay umaate sa mga tao
  9. Ang Nobyembre ay araw ng mga patay
  10. kinukuha niya ang mensahe at inirerekord niya na nanggaling sa puso, ginagawa niya ito ng mabilisan. Minsan hindi niya alam ang mensahe, pinakikinggan niyang muli ang mensahe.( ito ay parang ilaw sa baso, hindi ito malinis subalit makikita parin natin ilaw sa baso) Ito ay nagpapatunay na pribadong pagsisiwalat dahil si L. ay tatlong grado ang natapos at wala siyang alam ukol sa salita ng Diyos.

Bagong Pagsisiwalat sa Pamamagitan Ng Eukaristiya

Ang hindi kilalang mensahero, L. nakatanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng (interior locustion) ang tao na nakakatanggap ng plano para gawin ang isang bagay o imahinasyon na pinagmulan sa labas ng Espirito. Sa pribadong pagsisiwalat at nakikita niya ang milagro sa Eukaristiya at nakukunan niya ng litrato at itinatala niya. Tuwing ang Diyos ay magbibigay ng mensahe kay L, ito ay nanggagaling sa mabait na Ama para sa kanyang mga anak.

www.nrtte.net

error: Content is protected !!