Bago Revelations Eucharist Sa

Magbalik na Nagkakaisa

Magbalik na Nagkakaisa

February 23,2016

Ito ang mensahe ng Banal  na Espirito ka L. noong pumunta saya sa Israel. L. Panginoong Diyos noong nakaraang araw, pumunta kami sa bayan ng Jewish bansa. Una naming pinuntahan ang Jerusalem ; Ngayon  Martes Feb . 23,2016 puminta kami sa Bethlehem ; 10:47 O Panginoong Diyos una sa lahat ako ay nagpapasalamat sa grasya ng Diyos sa nakaraang araw ; kasama ang grupo na naglalakbay kami sa banal na lugar, lahat ay matahimik.Ang ating mga kapatid na lalaki at babai na kasama namin at ang pari hindi alam kong ano ang dapat  gawin.Ang Diyos ay ibinibigay sa amin ang banal na mission para pumunta sa bayan ng Diyos at sa bayan ng Mahal na Birhen upang bumalik noong tayo ay isalba ng Diyos ang mga tao sa kanilang kasalanan noon  ang Diyos ay nagkatawang tao.

Panginoong Diyos sa mga huling araw ay nagkaroon kami ng pagkakataon na makinig sa mga magandang salita na ukol sa kasaysayan na ipinaliwang ng pari Fr. Joseph ang aming  pinuno ng grupo ang mga pangyayari na nanggaling sa Mabuting Balita ng Panginoong Hesukristo,sa mga mabuting balita na iniwan sa atin sa pamamagitan ng pagtuturo, mga katotohanan na ang Diyos ay buhay.Ngayon sa banal na kaharian ng Diyos ang Diyos ay ginagabayan tayo. Mga pangkaraniwang tao lamang tayo hindi natin alam kung ano ang inilalaan ng Diyos para sa atin.Alam natin pumunta tayo, hindi sa ating desisyon kundi ukol sa banal na mission ; Gusto ng Diyos na pumunta kami sa Israel para tanggapin at makinig sa bawat pagkakataon na makita sa aming mga mata, makinig at mayroong pusong tinatanggap lahat ng bagay sa ating paligid para maunawaan at mabuhay muli ang magandang balita na ipinagkaloob sa Bagong Pagsisiwalat.

Noong huling punta namin sa Israel kulang ang paliwanag at hindi namin naunawaan at hindi kami tumanggap ng grasya sa Diyos ng masidhi. Ngayon ay may pagkakaiba, ang pakiramdam namin  ang Diyos ay ginagabayan kami sa pamamagitan ng grasya para makapagsalita at matanggap sa pamamagitan ng inspirasyon ng  Banal na Espirito  at kanyang gabay(3). Panginoong Diyos una sa lahat iniaalay sa Diyos ang Banal ng Awa (Devine Mercy ) rosaryo sa ngalan ng lahat na kapatid na lalaki at babae sa grupo,sa ngalan ng familya ng mga kapatid, sa kanilang panukala, sa mga taong humihiling na itaas ang kanilang dasal sa Diyos kapag dumating kami sa Banal na lupa.

Ngayon sa Mundo, maraming mga tao na hindi alam, hindi naniniwala, mga taong nabubuhay sa kasalanan,at mga taong ito ay walang liwanag kung gusto nilang magbalik sa Diyos. Ngayon  kumakatawan kami sa mga taong nabubuhay sa kasalanan, mga taong hindi nakikilala ang Diyos, mga taong hindi tinatanggap ang Diyos, mga taong sinasaktan ang  pag-ibig  ng Diyos na inilalaan sa atin para isalba tayo. Ngayon itinataas  ng buo na nanggagaling sa ating puso sa turo na Mahal na Ina na ibinunyag sa mundo  kung papaano tayo magbabalik sa Diyos. Ngayon nagbabalik tayo na may pakiramdam at hilingin natin sa Diyos na patawarin tayo,patawarin ang mga tao,ang ating mahal sa buhay , mga taong walang alam. Mga taong hindi naniniwala at hindi nila natikman ang matamis na Pag-big ng Diyos.

Kaligtasan ay naghihintay sa mga tao hanggang ngayon ; ang Dakilang Awa ng Diyos sa  Hubelyo na Taon ay nakabukas para sa lahat  upang ituro ang lugar. Wala kaming alam ukol sa hinaharap.Sa kasalukuyan alam naming na ipinadala kami rito para buoin ang mission na nakatago ng tahimik subalit unti unting umaasensong damdamin na ukol sa Diyos,mga dasal na itinataas na diretso sa Banal na Eukaristiya,na tinatanggap natin ang Eukaristya noon ang Diyos ay dumating at ipinagkaloob sa tao,para paalalahanan ang mga tao na ang Diyos ay buhay at tinutulungan tayo sa lahat ng bagay kung makikilala natin siya sa mundo na papasok sa pagsubok at sa kaguluhan. Ang Diyos ay dumating at ang Diyos ay pinapayagan na malaman natin na hindi niya tayo pababayaan. Ang  Diyos ay ginagabayan tayo. Ang pagmamahal sa Krus ay  walang hanggang tanda na nauukol sa Limang Banal na Sugat na tinatawag nating Pang limang Pagyukod sa sahig ng noo habang nakaluhod. Ang Mahal na Ina tinuturuan tayo na huwag matakot at mag-alala ng tumistigo sa kahulugan ng Anim na Pagyukod. Marahil ito ay bago pa subalit ito ang umpisa at ikot ng mga araw na dapat magbalik tayo sa Diyos na buong puso at kaluluwa.

Sa mga hindi mabilang na taon at buwan at daang taon,ang mga tao ay nabubuhay sa debate, sa pag-aalitan, maski sinsamba nila ang iisang Diyos, hindi nila alam na ang doktrina ng Diyos ay kunektado sa pagmamahal sa pamangkin. Magmula noong umpisa pa lamang,ang mga tao ay nahuhulog sa pagkakanulo, ang mundo ay pinangingibawan ng masamang espirito ; patuloy pa rin ang kanilang lakas sa daang taon. Iyan  ang minana ng mga tao,kayabangan at kanyang pansarili,mga kadamutan, pansariling  karapatan na walang katapusan yugto sa henerasyon sa daang taon,manatiling walang pagbabago.

Kung ganoon, ang Diyos ay dumating para magbigay  ng pagbabago magmula ng umpisa pa lamang mahigit na dalawang libong taon ng dumating si Jesus na nagkatawang tao  na bagong anak, ngayon ating gunigunita sa Bethlehem, ang lugar na ipinanganak si Jesus. Sa nangyari sa Nazareth ang angel Gabriel na nagbalita na ang Mahal na Ina ay babaguhin ang mundo dahil siya tinanggap ng Mahal na Ina ang paanyaya na maging ina ni Jesus (4) Fiat. Ngayon nagbalik kami sa Banal na Bayan para- ipaalala sa mga tao ang mga nakalimutan nilang pinagdaanan ng Panginoong Jesus na naging kaugalian sa nagdaang buwan at taon .

Ano ang naaalala natin buhay ngayon? Ano ang naaalala natin sa kabanalan ni Jesus noong siya ay nagkatawang tao ; Ngayon ay nagbalik siya sa pamamagitan ng misteryo ng Eukaristiya at banal na nakikita. Sa dilim sa langit ang eukaristiya ay nagpapakita ng liwanag ,kasama ang maraming anghel at mga santo na itinataas sa banal na  pagkilos para ipakita ng Diyos sa mga tao na siya ay buhay at naghihintay siya na ang mga tao ay magbalik-loob, magkaisa ang mga puso at kaluluwa, para ang Diyos ay makasama natin noong panahon  ng mabuting balita ng Panginoong Hesukristo na sinulat ng mga apostoles : Ako ay laging nasa inyo hanggang katapusan. Iyan ang sinulat ng Diyos sa  storya  sa libro(5) ;Ngayon ang kanyang ipinangako ay nangyari  sa daang taon at dinadalaw niya tayo araw- araw. Ito ang banal na misteryo ukol sa Eukaristiya na si Jesus hindi na tao kundi isang banal  na Eukaristiya na tinatanggap natin ang kanyang katawan at dugo kapag tayo ay nagsisimba  sa kanyang misa.Ang tao ay tatanggap ng grasya at paghadlang at isalba tayo ng Diyos kung maunawaan natin ang misteryo. Ang mga tao hindi maiintidihan ang misteryo kung hindi  nanggaling sa ispirasyon ng Banal na Espirito na tumutulong sa atin para malaman ang storya.

Ito  ang mga araw na binigyan tayo ng pagkakataon na malaman ang misteryo sa nalalabing araw sa buhay natin ; sa ngayon sitwasyon sa araw at buwan at taon ang mga tao ay nakakapit pa rin sa galit,hindi nagpapatawad, nakahiwalay at walang pagkakaisa sa buhay. Ito ang kinatatakutan at lungkot na nadadama ni Jesus sa kanyang mga anak habang ang Mahal na Ina ay lumuluha sa mga tao dahil wala silang pagkakaisa. Ang milagro na makikita natin ngayon ay ang gawain na ipinagkaloob sa atin ang banal na mission na ipinagkaloob sa tao.

Ang  Diyos ang pinakamataas na pinapayagan tayong mag-isip, makaharap at maging saksi para masundan natin ang pagkakaisa para bumalik sa ano  mang gustong  sabihin ng Diyos at kung ano ang gusto ng Diyos iwan sa mundo. Ito ang kayamanan kung kilala natin siya, kung naniniwala at tinatanggap natin siya ; Ito ay isang pangako at salita ng Diyos na iniwan sa mundo sa mga nakaraang araw na nagdaan. Tayo ay nahaharap sa pagitan ng mabuti at masama at ipinagpapatuloy na nag-aaway ang bawat isa,dahil sa  walang katapusan na isyu  ang mundo ay pumasok sa daan na walang paniniwala at ilaw na naniwala sa  Diyos. Tayo ay nabubuhay na makasulungat ; tayo ay nabubuhay sa krimen at patuloy na lumalawak dahil sa hindi natin nakikilala ang doktrina ni Jesus na iniwan sa tao. Nakalimutan natin ang tanda ng pagibig  , ang tanda ng buhay, ang tanda ng walang hanggang hinaharap ng kaluluwa, at ang tanda ng buhay upang gawin habang tayo ay nasa laman.  Hindi natin magagawa  ang ano mang bagay kung wala tayong grasya ng Diyos, kung walang paghadlang ng Diyos at kung wala si Jesus. Dumating siya sa lupa upang tanggapin ang resposibilidad para sa taong makasalanan na likas sa  kanilang sarili.

Ngayon tayo ay nagbalik sa bayan dalawang libong nakakaraan ,balik sa kasaysayan na patuloy sa kabanalan na totoo na ang Diyos ay inilaan at ipinagkaloob sa mga tao. Ngayon ay mayroon ebidensiya para mayroon tayong pagkakataon na lumuhod sa tubernakulo at sa altar na ang mga pari nagmimisa ng banal na eukaristiya ; sa lugar na ito tayo ay pinag-iisipan ang larawan ng bagong anak sa manger.Bukas pupunta kami sa lugar na ipinanganak ang Diyos ; sa ating damdamin,sa ngalan ng ating mga kapatid na lalaki at babae sa grupo tayo ang kinatawan upang ibalita ang  mabuting balita at ang bagong pagsisiwalat sa pamamagitan ng lakas ng eukaristiya sa mga tao sa mundo. Mayroon pang mas mahalagang kahulugan na gusto ng Diyos na gusto niyang ipagkaloob sa buong katauhan ng tao ,lahat ng papel, lahat ng klase para lahat ay maniwala at magbalik sa inilaan ng Diyos sa mga tao sa panahon ngayon ; mayroon confirmasyon, sa kapangyarihan na ang Diyos ay sinabi ang pagkalapit sa pamamagitan ng eukaristiya na ating tinatangngap.

Ngayon , Panginoong Diyos paki tulungan mo kaming maging masipag sa mga araw na nandito kami; upang tanggapin ang resposibilidad ng papel bilang kinatawan sa buong mundo ,bilang kinatawan ng Mabuting Balita upang maging kinatawan sa nalalabi at sa paghahayag sa natitirang araw bago pumasok ang paglilinis (6). Ibinabalik natin ang  Eukaristiya sa bayan  ni Jesus ; Ito ang bansa ng Israel na unang pinili ni Jesus ang lugar na siya ay naging tao at tumira at namatay. Ang kaligtasan ay nagmula sa bayan Israel. Ang taong kumatawan alang -alang sa mga tao,na patuloy na tumutulong ng pagdarasal sa mata ng Diyos ay ang Mahal na Birhen Maria. Napakaraming storya sa nagdaang taon ;Ngayon naririnig natin muli na ang misteryo ay hindi natatapos sa kuweba sa Bethlehem, hindi natatapos sa bansa ng Hudyo, hindi natatapos sa Jerusalem kundi ang Diyos na Pinakamataas sa buong mundo.

Ang lugar na ang Diyos ay nahayag ay nanggaling sa eukaristiya ni Jesus na nabuhay na muli ; sa panahon ngayon sa pamamagitan ng eukaristya,pinuntahan niya ang mga bansa, mga bata kung nakikita nila ang katotohanan, naniniwala sila ,at humahadlang sa mga nakakaalam at nagbabalik sa Diyos sa pamamagitan ng pagtuturo ng Mahal na Ina (8). Ito ang mga bagay na ginagawa natin ng matahimik sa nagdaang araw,kailangan ikalat, gawin at sabihin na nanggaling sa Banal na Espirito ng Diyos na ating gagawin  ngayong gabi bago matulog.Bukas ng umaga,bibisitahin namin ang kuweba sa Bethlehem, maglulugmok at itataas ang mga tao lahat ng pagkabigo ng mga tao,lahat ng bagay na walang kasagutan sa gitna ng mabuti at masama. Sana ang Diyos na makapangyarihan dalawang libong taon ang nakakaraan, na buhay muli ngayong araw na ito na rito nagmula ; sana ang Diyos ay humadlang para ang mga tao ay magbalik,maski maraming kahinaan ang laman ito ang pagkakataon na hindi nila nakikilala ang Diyos maski may milagro.

Kahit anong tigas ng mga tao, kailangan maniwala sila ; isa lamang ang Makapangyarihan Diyos na may lakas na ipagkaloob at ibigay sa mga tao ngayon. Mayroon tayong tungkulin na ibalik ang eukaristiya sa bayan ni Jesus at ang eukaristiya ay dakilang misteryo ,nagbibigay ng maraming grasya sa bawat bansa na kanyang napili noong umpisa pa lamang. Ipinagkakaloob niya ang grasya sa mga namumuno na matigas ang ulo na hindi naniniwala sa Diyos, na sumasamba sa hindi totoong Diyos. Ito ay isang bagay na ang mga tao na dapat mapansin at ang mga tao ay dapat maniwala sa ginagawa ng Diyos na ipinagkaloob sa tao. Panginoong Diyos paki buksan mo po ang aming puso, mata at taynga. Kung ano man ang mangyari sa lugar na ito ay siyang mangyayari sa hinaharap? O Panginoong Diyos nangyari ito sa mga taong nabuksan ang mga mata at naniwala; Ang Messiah ay dumating dalawang libong taon ang nakaraan subalit ang mga tao ay naghihintay parin dahil hindi nila nakikita ang Diyos sa Eukaristiya.Ngayon mayroong mangyayari na makikita natin sa langit ;Marami pang hindi mabilang na misteryo na darating sa  mga araw na ipinaplano ng Diyos Ama para sa mga tao. Ito ay ang  Alpha – umpisa at Omega-katapusan marami ang sasagipin bago dumaan sa katapusan ;maraming  mangyayari subalit ang malaking misteryo sa buhay ng Diyos ay pinapayagan niya tayong mapagtanto na kailangan tayong magkaisa para makilala natin ang pagmamahal ng Diyos, humadlang sa taong naniniwala at nagbabalik sa katotohanan.

Kailangan ipagpatuloy na hilingin natin sa Diyos na tulungan ang mga tao na hindi naniniwala,hindi nakikilala para magkaroon sila ng pagkakataon na magbalik sa Diyos. Sa ating gawa lamang kung papayagan natin ang ating puso na tanggapin at pakinggan hindi na ito nakaraan kundi ito ay totoo maroon Diyos,punong puno na lakas na nagbibigay na banal na daan kung ang ginagawa ay katotohanan. Siya ay narito at siya ay babalik sa darating na panahon subalit bago siya bumalik ang mga tao ay kailangan harapin ang katotohanan ukol sa mga kasalanan bago tumanggap ng hustisya. Bago ito mangyari ang Diyos ay darating upang bisitahin ang mga kaluluwa ng bawat tao ,bawat puso ,kapag ang mga tao ay pumunta sa daan kakaiba sa lugar na ipinangako ng Diyos, iyan ang eukaristiya ni Jesus Kristo, ang Banal na Misa upang pakainin ang kaluluwa at ang ating katawan.

Bigyan natin ng pansin ang  perpekto ;Ang Diyos ay hindi libro ng historya na binubuksan ang mga pahina, hind siya Diyos na nakikilala sa tradisyon at naging kaugalian subalit ang Diyos ay buhay sa bawat henerasyon,buhay sa bawat panahon at oras na malapit sa atin, sa pagibig dapat ang mga tao ay magbalik sa Diyos,matuwid at makatuwiran, sa katotohanan,pabalik sa pusong naniniwala, sa dotrina, at nagkakaisang puso at kaluluwa, mababang loob, sa paglugmok, at naghihintay kay Jesus sa ikalawang pagbabalik (9) sa mundo. Marami ang mangyayari sa kanyang pagbabalik na kanyang sinulat sa libro ng Apocalipsis ni Jesucristo.Mayroong mga balita na hindi natin pwedeng itanggi na ang mga tao ay kailangan magbalik sa Diyos. Kung ang mga tao ay magpatuloy na matigas at humiwalay sa simbahan at humanap ng paraan para atakakihin ang simbahan na iniwan ni Jesus,kasama ng ibang hindi pa nagigising na patuloy na nabubuhay sa kasalanan,sa kadiliman,ang huling ilaw upang paalalahanan tayo ay sa banal na anak,sa bawat papel,at klase para makilalaang Diyos na palapit sa mga tao.

Isa lamang ang Diyos,Pinakabanal at Pinakamataas na tao,punong -puno ng pagibig,ang Diyos ng Awa, Pinakamataas na tao na may dakilang kapangyarihan , na may karapatang magkaloob,bumawi at may karapatang sirain ang lahat ng bagay para magkaroon ng isang mundo na kanyang minimithi at hinihintay sa mga tao upang ibigay ang sarili at magbalik tayo sa Diyos na makapangyarihan.Isa lamang ang Diyos para tayo ay sumamba, yumukod, maglugmok,para tayo ay magpasalamat.Wala ng ibang Diyos kundi ang Diyos natin.Ito pinatotohanan sa Bethlehem,Bansa ng Hudyo,sa Jerusalem na tumuntong siya sa nagdaang araw.Umpisa ngayong gabi sa darating na araw ang Banal  na Espirito ay patuloy na palalakasin at  gagabayan tayo na nauukol sa huling historya at sa darating na mga araw,ang bagong libro ay magpapatuloy sa daan ng Banal na Espirito ngayon sa mundo.

Kung sino ang may taynga ay kailangan makarinig, kung sino ang may mata kailangan makakita, kung sino ang may puso ay kailangan makadama upang makilala ang Diyos na punong -puno ng pagibig at awa.Magsisi at magbalik agad ;kailangan maging mabilis na tanggalin ang alitan sa bawat isa dahil ang nakaraan na henerasyon, ang mga tao ay nagtatalo,naiinis at patuloy na nagpapatayan,sa unang oras sa susunod na oras. Ang masaganang lugar ay magiging zero,at mabubura ang Diyos sa bawat isa kung wala tayong panlaban, kung wala tayong permiso,darating ang panahon na mabubura tayo katulad ng nangyari sa daang taon. Subalit kung  gusto nating maligtas,at makasama natin ang Diyos,makamtan natin ang mayroon ang henerasyon ngayon sa darating na susunod na henerasyon tayo ay tatanggap ng biyaya sa Diyos,isa lamang ang kailangan tayo ay magbalik sa pagibig ng Diyos, magkaisa,magkaisa ang bawat puso at kaluluwa. Magbalik tayo at maglugmok sa Diyos; magkakaroon ng paghadlang na gustong gawin ng Diyos maraming libong taon ang nakakaraan sa panahon ni Moses ang propeta sa historya; sila ay tauhan ng Diyos,ang Diyos ay gagabayan at bibigyan sila na biyaya habang panahon.Ang ating ama Abraham pananalig kaya tayo ay naging descendant niya.Lahat ng ipinangako ng Diyos ay kanyang tinupad subalit ang Diyos ay may karapatang sirain ang hindi kasama sa kanya taong  matigas, Iyan ang paalala sa henerasyon ngayon,ang dahilan kung bakit lumabas ang eukaristiya.Lahat ng dapat sabihin ay kailangan buoin at tapusin sa nalalabing daang taon,na ating nabatid ngayong gabi.

Tatapusin natin sa dasal ukol sa bansa ng Israel ang bayan ng Diyos,lugar na siya ay ipinanganak,ang paghahayag ng Mabuting Balita,ang storya ng Pagliligtas at ang lugar na ang Diyos ay nagpakita ng maraming milagro para sa mga tao,pagpapagaling ng katawan at kaluluwa. Ito ang lugar na ang Diyos ay sumasakit ang kalooban dahil sa katigasan ng mga tao ; itinatanggi nila ang pagibig ng Diyos dalawang libong taon ang nakakaraan,ngayon dinadasalan nila ang hindi totoong Diyos, at inaalis nila ang kapatid na babae at lalaki, mga alagad ng Diyos, at ang Diyos.Kailangan magkaroon tayo ng sagot.Ang Diyos ay naghintay at binigyan niya ng pagkakataon na tingnan ang kanilang puso at magbago ang isip sa mga bagay na ibinigay ng mga propeta mga mensahero,sa pamamagitan ng kanilang kamay pinatay nila ang mga propeta, sa ngayon ang mga dayuhan ay may dalang pinanggalingan ng grasya na nanggaling sa Diyos sa kanyang bayan,sa mga tao na nakikilala ang pagkakaisa at pagdalaw ng Diyos ang pinakamataas na tao hindi lamang nanggaling sa laman kundi isang banal na paraan siya ay buhay at pinagmamasdan ang tao at hinihitay magbalik sa taon Jubilee Year ng Devine Mercy.

Ngayon,iniaalay sa Diyos ang damdamin mayroon tayo sa Banal na Espirito ukol sa buhay ng mga tao na nauukol sa ating mga kapatid na lalaki at babae,maski iba ang lahi ay talagang anak sila ng Diyos,sa buong mundo. Sana buksan nila ang kanilang puso para makilala nila ang mensahe, ang banal na tanda na nanggaling sa Nazareth,Bethlehem,Jerusalem, lahat ng lugar na ito na ating binalikan (10) dalawang libo ang nakakaraan.Si Jesus ay nahayag sa kanyang bayan upang malaman nila na si Jesus ay Diyos,nagbibigay ng grasya at nagsasalba at humahadlang at tumutulong sa mga tao.Malayo sa Diyos,malayo sa magandang balita ng Diyos, walang makakatulong sa tao para matigil ang pagtatalo,pagkasuklam ang patuloy na pagpapatayan ng mga tao,walang galang sa buhay ng tao. Panginoong Diyos maawa po kayo sa amin,maawa ka sa mga  tao sa nalalabing araw lalo na ang mga taong nabubuhay sa kasalanan na  magbalik and makita nila ang kanilang kahinaan.

Lahat ng katotohanan ay darating ; ang araw na paglilinis ay hindi magandang  araw, ang langit na ipinagkaloob ng Diyos, isang hawak,isang  pag-isipisip,para makita ang mga tao na nagpapasalamat at may pusong nagpapahalaga.Sa katunayan sa walang kapusang daang taon ang mga tao ay nabubuhay na hindi naniniwala, matigas ,humihiwalay ; Ito ang paalala ng Diyos sa mga tao. Ang Diyos ay binigyan tayo ng pansariling pumili, at isa lamang bagay ang hindi pwedeng tanggihan ng Diyos, kapag pinayagan niyang mangyari ito ay matutupad sa tao.Subalit kung hindi natin susundin ang doktrina mapaparis ang bayan katulad ni Sodom at lahat ng bagay ay babahain; iyan ang mga bagay na nangyari sa lumipas na daang taon napakaraming nasira kung hindi tayo mamumuhay sa paraan na itinuro ng Diyos at hindi natin sinusunod ang doktrina.

Ang gusto ng Diyos ay katahimikan, magkaroon ng pagibig, magkaroon ng grasya na ipinagkaloob sa mga tao. Huwag tayong matakot at magbalik ang puso, yumuko at sumamba sa Diyos na ating kinalimutan sa mga nagdaang buwan at taon ;ipinagkanulo natin siya at sinasaktan natin siya.Kailangan kumilos tayo ;oras na  humadlang  siya para sa mga tao na kanyang kasakop.Mayroon siyang karapatan na magbigay hustisya sa mga tao na hindi sumusunod sa daan,sa mga taong hindi naniniwala sa Diyos,mga taong nabubuhay sa sarili nilang katigasan at daan at sumasamba sa hindi Diyos.Ewan natin ang lahat ng bagay sa Diyos na may lakas at kapangyarihan sa tao ; dakilang kapangyarihan, Pinakamataas na Tao na dumating at naghuhukom sa katotohanan.

Ito ang oras na ang mga tao ay kailangan magbalik ; lahat ng nangyari ay hindi pwedeng mangyari ng habang panahon nanggaling sa isang panahon at sa susunod na panahon lahat ay may katapusan.Ito ay tumatagal ng matagal dalawang libong nakakaraan at si Jesus ay nagbalik dalawang daan taon.Subalit mayroon parin tayong  nagiisang tao na naiwan higit pa sa sampung taon siya ay Mahal na Ina Mary(ll), lumuluha araw-araw at hinihiling niya sa Diyos Ama,na laging nagdarasal na malapit na eukaristiya ni Jesus upang ipagdasal ang mga tao  at paalalahanan ang mga tao.Sa huling oras tinatanggap natin, at opisyal na tinatanggap natin ang Jubilee Year,ang mga simbahan sinabi sa buong mundo ;  ang mga tao ay hindi pa rin sumasagot sa ipinagkaloob ng Diyos sa nagdaang taon, subalit patuloy parin tayo sa pagbibigay ng pagkakataon.Ang mabuti at kakaibang pagkakataon  na sagot sa Devine Mercy ng Diyos sa Jubilee Year,tanungin natin ang Diyos na patawarin tayo sa ating kasalanan at kalimutan ang nangyari at bigyan tayo ng pagkakataon na yumukod ang noo sa sahig habang nakaluhod na itinuro ng mahal na Birhen Maria hinihiling natin sa Diyos Ama kapag tayo ay nagyukod ng ulo ang  ating kaluluwa at puso,hilingin natin sa Diyos Ama (l2) na iligtas ang mga tao madalian ; at hinihiling natin kay Jesus na nasa atin mahigpit at huwag nating kalimutan ang doktrina.

Ngayon, ang simbahan ay patuloy na  kumakatawan sa Mabuting Balita, subalit ngayon sa mundo, gaano karaming  tao nakikilala at nakakaunawa sa kahulugan? Ang pagibig ng Diyos ay hindi natatapos sa ikalawang Pagyukod na iniaalay kay Jesus na siyang nagkatawang taong Diyos.

Ngayon tinatanggap natin ang mabuting bagay na ating pinipili; ito ang magandang balita na nanggaling sa inspirasyon ng Banal na Espirito, na ipinagkaloob sa  mundo ;tulungan mo kaming maipagpatuloy ang magbigay ng ilaw ng grasya upang makita ang mabuti at masama.Lahat ng klase alisin natin ang kayabangan, katigasan ng mga tao sa nagdaang  taon at magbalik sa Diyos ; sa pangangalaga ng Banal na Espirito, ibalik natin ang katotohanan,mabuhay sa katotohanan,para maranasan natin tunay na pagmamahal ng Diyos na ipinagkaloob sa atin at iniaalay sa atin sa buong henerasyon lalo na sa ngayong henerasyon.

Ang nakalimutan natin ay noong nakaharap si Jesus sa Banal na Eukaristiya na ngayon ay ang pang apat na Pagyukod ng noo sa sahig habang nakaluhod para sumamba at itaas ang ating pusong nagpapasalamat na may paggalang.Ang Eukaristiya ay dumating at nakikita na ipinangako ng Diyos.Siya ay umaasa na makakaharap niya ang bawat kaluluwa at tutulungan tayo sa darating na oras para makilala natin ang pambihirang  milagro na nakikita sa langit para sa mga tao sa lupa.

Ang pang limang Pagyukod ang tanda ng Passion sa panahon ng Kuwaresma, at pumunta tayo sa bansang ito sa panahon ng Passion .Ito ang lugar na ipinakita ni Jesus ang kanyang walang hanggang pagmamahal upang iligtas ang mga tao sa kadiliman at sa mga kasalanan, subalit nakalimutan natin  ito  ay naging pangkaraniwan na lamang, ngayon dapat natin balikan na may pusong nagpapahalaga,nagpapasalamat, na may pagyukod. Iyan ang kababaang loob ng tao na magbalik dahil kung malayo tayo sa Diyos walang magliligtas sa atin sa kadiliman ng kasalanan ,sa paghihirap at pagtitiis. Si Jesus ang nakagagawa nito at napako siya krus at nagbalik na nagwagi noong araw ng pagkabuhay,at hinahayaan niya ang mga tao na maunawaan sa kanilang puso ang pagbabalik na kanilang tatanggapin at sa paghadlang at tulong.

Huwas nating kalilimutan ang Reyna ng Langit na patuloy na nangangalaga sa mga tao, na patuloy na ipinaaalam sa mga tao sa mundo ang kahanga-hangang at kahalagahan na kulang sa kanilang buhay. Iyan ang pagkakaisa na hindi natin dapat kalimutan na itaas sa Diyos Ama na may pagyukod,hinihiling natin sa Diyos Ama na ialay ito sa Reyna  ng Lagit.Ang pang anim na Pagyukod iniaalay na may paggalang sa Pinakabanal na Puso ng Birheng Maria ;Siya ang Ina ng Eukaristiya ; Ang Ina ng Devine Mercy ,at pinaalalahanan tayo ngayon ukol sa pinto ng Devine Mercy  ngayong taong ito ; sa ating Inang Mahal , ang ina ni Jesus, ang ina ng simbahan at  ang ina ng bawat isa.

Kapag nagdasal tayo sa Ina,hindi tayo babalik na walang dala ; Ang Ina ay kasama natin lagi, tinuturuan tayo, pinaaalalahanan tayo magbalik  sa Diyos. Ang ginawa ng Mahal na Ina ay nagampanan niyang lahat sa kanyang buong buhay, naging  Reyna siya ng langit, ang Ina alam niya kung papaano maging Ina , sa buhay at may tanda na mayroong pagsamba(13). Hayaan natin na ang dotrina ng Diyos ay maging totoo sa ating buhay ; ang pagpapakumbaba sa kaluluwa ng katawan ; hindi tayo puwedeng hindi kikilos na may paggalang sa puso na inilalaan sa Pinakamataas na tao na ating sinasamba, buong pagkakaisa ng tao. Isa lamang ang Diyos na Hari, siya ang  Ama at Diyos,mayaman sa awa, gumagawa ng kabutihan, sa ngayon araw ang mga tao ay makasalanan, nabubuhay sa kasalanan ,sinasaktan nila ang Diyos, hanggang daan taon. Salamat sa Ina, kung mayroon tayong Ina alam natin ang dapat gawin at gagawin.

Huwag tayong maghintay at magtanong,huwag tayong gumawa ng ugali sa buong taon dahil nabubuhay pa rin tayo sa araw at taon na hindi natin naunawaan ang pagbalik sinasabi natin sa labi pagkatapos hindi naman natin ginagawa ukol sa Diyos. Ilagay natin ang para sa tao sa isang tabi, at ireserba natin ang para sa Diyos at sambahin at palakasin ang loob na ang Diyos ay Pinakamataas na tao at sinasamba na nagkaroon ng malaking pagkakaisa at magbalik upang tumanggap tayo ng kalinga at paghadlang ng Diyos na may karapatan at kapangyarihan sa mga tao. Mahal tayo ng Diyos. Iginagalang niya ang gusto natin ito ang  bagay na dapat sabihin dahil ang Diyos ang nagsabi sa pamamagitan na Banal na  Diyos Espirito.

Tinatapos natin ngayong gabi sa pagdarasal ng Devine Mercy rosaryo para sa mga tao,sa ating bansa lalo sa lugar na pinuntahan ng  kabanalan. Pagsamahin natin sa langit at ang mga Anghel at mga bantay na Anghel, Archangels na nagbabantay sa atin at ipinaglalaban ang mga tao, upang mabawasan ang mga demonyo na sinasaktan tayo at inilalayo tayo sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabalik, pagkakaisa at paggalang ng puso sumasamba sa Diyos lamang ang maghahadlang sa pamamagitan ng dasal,sa tulong ng Mahal na Inang Maria, ang ikalawang katauhan ng Diyos at ang Ina ng mga tao.

Sa Banal na pangalan ni Jesus Kristo ang ating panginoon ,si L. natapos niya ang salita sa inspirasyon ng Diyos Espirito,sa unang sandali na tumungtung tayo sa Bethlehem. Dumating kami ng gabi at si L. ay natapos 11:25 PM. Noong Martes Febrero 23,2016 sa Banal na bansa ng Israel. Kami ay 43 manlalakbay.Panginoon bindisyunan ninyo  kami,ipaalam mo sa kanila ang dapat nilang malaman tungkol sa Diyos. Paki buksan po ninyo ang kanilang puso, mata at kaluluwa para mataggap nila ang ragalo na ipinagkakaloob ng Diyos sa kanila sa natitirang araw.

Ang mga araw na darating ay nasa desisyon at gabay ng Diyos sa bawat isa upang ipagpatuloy natin ang pagtulong  at maging saksi tayo sa kahulugan ng Anim na Pagyukod na itinuro ng Mahal na Birhen Maria upang tayo ay bumalik sa Diyos at palakasin tayo bago dumating ang malaking pagsubok at hirap na darating at paghahanda ng pagbabalik ng Diyos sa ikawang  pagbabalik sa lupa.Nakasulat sa Salita ng Diyos ang bawat isa ay luluhod at yuyukod sa Diyos.Si Jesus ay babalik sa brocade robe,may ilaw na maliwanag, lahat ng kadiliman ay mawawala sa mundo.Kung ano ang gusto ng Diyos na ipagpatuloy ay pupunta sa bagong mundo ;ang hindi para sa Diyos ay magiging zero sa lupa na sinabi sa bagong pagsisiwalat. Sa ngalan ng Banal na Pangalan ni Jesus Kristo ating Panginoon , Amen, Amen ,Amen.

 

1.Ito para makita ang milagrosang  pangitain ng Eukaristiya, at si L. tumanggap ng mensahe. Ang bagong pagsisiwalat ay nauukol sa pinakabagong mensaha na natanggap ni L.

2.L. nanggaling sa paglalakbay anim na taon ang nakakaraan nag-umpisa ang mensahe

3.Si L. ay naging bihasa na sa pagkuha ng mensahe

4.Fiat ang ibig sabihin tinatanggap ni Maria ang paanyaya ng Diyos na maging ina ni Jesus

5.ito ay ukol sa 2 timothy 4:13, libro ng pagsisiwalat ,

6.sa katapusan ng mundo magkakaroon ng paglilinis ng tao at sa lupa ,libro ng pagsisiwalat.

7.ang pribadong pagsisiwalat na ukol sa eukaristiya,Devine Mercy,at sa ating buhay

8. ito ay para sa Anim na Pagyukod na ibinigay ng Mahal na Ina sa mga tao. Ito ang pinakamadaling paraan para makilala nila ang Diyos,kasama ang mga milagro para bumalik ang tao sa Diyos.Ang milagro ay ang mga litratong kinuhanan ni L. na makikita sa www.nrtte.net

9.Ito ay sa ikalawang pagbabalik ng Diyos sa mundo

10. nandito ang messiah

11. Ang mahal na Ina ay namuhay sa lupa ng higit na sampung taon pagkatapos ng pagkamatay ni Jesus

12. Sa inspirasyon ng Banal na Espirito L. nag-umpisa si L. magyukod (mensahe Agosto 19,2014)

13.Ang buhay ng Mahal na Ina ay inilaan niya ng puso at kaluluwa at pagsamba sa Diyos.( sa kanyang katawan sinasabi niya sa Venerable Mary of Agreda.)

*Ang hindi kilalang mensahero, L. nakatanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng (interior locustion) ang tao na nakakatanggap ng plano para gawin ang isang bagay o imahinasyon na pinagmulan sa labas ng Espirito. Sa pribadong pagsisiwalat at nakikita niya ang milagro sa Eukaristiya at nakukunan niya ng litrato at itinatala niya. Tuwing ang Diyos ay magbibigay ng mensahe kay L, ito ay nanggagaling sa mabait na Ama para sa kanyang mga anak.

Bagong Pagsisiwalat sa Pamamagitan Ng Eukaristiya

www.nrtte.net

Please share this message and website with those you know via email, social media, printing the message and word of mouth.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

t

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

error: Content is protected !!