Bago Revelations Eucharist Sa

Ang Kahulugan ng Paglugmok ng Ulo at Katawan sa Sahig Habang Nakaluhod

Ang Kahulugan ng Paglugmok ng Ulo at Katawan sa Sahig Habang Nakaluhod (The Meaning of the Prostration)

September 12,2015

Ito ang mensahe na ibinigay ng Banal na Espirito kay L.

L. Panginoong Diyos noong 8:25 ng hapon Sabado , Sept. 12,2015 sa simbahan ng Incarnate Word.Lahat kami ay magkakasama at  nagsimba kaming lahat,nagkwentuhan kami sa isat isa. Hindi ito sinasadya kundi  ito ay ginawa ng Diyos Espirito para gabayan kami.Ang Diyos ay gusto niyang marinig ang sinasabi ng mga kapatid ukol sa kanilang sarili.Ito ang mga bagay na pinili ng Diyos, gusto ng Diyos na ang bawat anak niya ay tumanggap ng biyaya sa Diyos ayon sa kanyang kakayahan.Ang Diyos gusto niyang ipamahagi sa bawat isa ang kanilang kakayahan para maunawaan natin ang katotohanan sa buhay. Kailangan natin ang bawat isa ,marami pang bagay ang hindi natin alam komo  marami tayong pinagdaanan sa maraming taon pero ukol sa mga storya na normal subalit hindi pa rin natin naranasan  kung ano ang paalala ng Diyos at ang gusto  niya ay tulungan tayo para mapagtagumpayan ang bagay na ating hinaharap at haharapin.

Ngayon ang kalooban ng Diyos ay laging nasa atin kahit sa anong bagay,kahit anong papel at kalagayan ang Diyos ang nakakaalam ng daan para makaalis tayo sa kadiliman na nasa paligid dahil sa ating “kahinaan” na minana natin dahil habang  tayo ay nabubuhay ay dala natin ang kahinaan na bahagi sa katauhan sa mundo. Ngayon ay naririnig natin ang salita sa mga anak subalit ang salita ay  nanggaling sa Diyos sa pamamagitan ng maliliit na tao, simpling tao at tayo ay magpakumbaba. Naniniwala sila Diyos,nakikilala at sila ang taong matalino  na tinutulungan tayo na humakbang sa daan na makasalubong ang Diyos na ating makakaharap natin ngayon.

O Panginoong Diyos,salamat  sa Diyos sa biyaya ng Pagibig. Kung titingnan natin ang pagibig ng Diyos sa atin ay kaaya-aya;Ang Diyos ay ginagabayan tayo,nag-aalala bawat segundo at minuto.Ang Diyos ay hindi tayo iniiwan,tayo ang lumalayo at hindi nakikinig sa kanya kung nagiisa tayo, ginagawa natin ang bagay na walang pahintulot ng Diyos, hindi natin pinapansin ang kagustuhan ng Diyos at desidido tayong  sundin ang mali  at yabang. Ito ang dahilan kung bakit tayo naghihirap mag-isa dahil sabi ng Diyos,lagi niya tayong binibigyan ng pagkakataon at itinituro niya ang daan patungo sa liwanag, daan ng pagasa at kaligayahan ay siya ang kapayapaan ng kaluluwa, ang damdamin na totoong  nabubuhay sa ating puso.

Ngayon ay makikita natin ang kasaganaan, ang Diyos na ibinibigay niya sa mga tao sa mundo lalo na sa mga walang  asawang tao na hinahanap siya,mga nakikilala niya at nagkaroon ng pagkakataon makinig,magmuni  para maunawaan ang kahulugan ang mga Mabuting Balita ng Panginoong Hesukristo, ang kahulugan ng  magandang  salita,pinagdaanan ng mga tao na nagkaroon tayo ng pagkakataon yakapin at makaharap. Hindi na kailangan kung  gaano katagal sapagkat kapag napili tayo ng Diyos Espirito Santo at mapagtanto ang katotohanan,mga bagay na makatwiran at nasa daan patungo sa Diyos na  na iniaalay sa bawat isa. Ngayon ay maraming mga biyaya na hindi natin kalimutan na pasalamatan.Tayo ay nagpapasalamat sa biyaya  ng  Diyos, sa Pagyukod ng Noo sa Sahig  habang Nakaluhod.Panginoon iniaalay namin ang unang Pagyukod sa Diyos Ama. Tayo ay nagpapasalamat  sa masidhing pagibig na napakahirap paniwalaan at ipaliwanag ng salita,ang yaman na inilalaan ng Diyos sa katauhan ng tao. Ngayon makikilala natin ang bawat isa ,ang storya ay hindi nanggagaling sa ating isip kundi sa kalooban ng Diyos at inaayos. Ang Diyos ay binibigyan tayo ng pagkakataon na maunawaan ang daan at  bawat isa ay tumitistigo sa banal na mission ng Diyos na pinili niya. Nagpapasalamat tayo sa biyaya ng pagibig na nanggaling sa Diyos subalit ang Diyos ay metikuloso at pansin at mahal niya ang  mga anak na  mabuti  para magkaroon tayo ng pagkakataon na malaman at maging matatag tayo sa ating pananampalataya sa buhay.Kailangan pilitin natin na matutuhan kung ano ang para sa Diyos, makinig tayo sa kanya para maunawaan natin kung ano  ang gusto ng Diyos na dapat nating  gawin.

Sa lahat ng bagay ang gusto ng Diyos ay mabuhay tayo sa pagibig na inilalaan niya upang  gamitin ang ating tungkulin at sabihin sa Diyos:Panginoong Diyos, salamat sa Diyos, pinupuri ko ang Diyos, igalang ang Diyos at sambahin ang Diyos.Iyan ang dapat gawin ng bawat christiyano, bawat anak ng Diyos na ipinanganak.Ngayon iniaalay sa Diyos ang unang pagyukod para marinig, malaman at matanggap ang katotohanan ng pagsisiwalat na nanggaling sa  patuturo ng Mahal na Ina. Lahat ng ginagawa natin at nagawa na ay programa na may kahulugan na makakatulong para buksan at maunawaan ang dahilan kung bakit dapat nating  gawin ang Pagyukod. Iyan ang paggalang na inilalaan sa Diyos sandali ng pagyukod na may pakumbaba,makikita natin na kailangan natin ang Diyos na tayo ay pag-aari ng Diyos para maging matuwid, mabait kapat dapat na tumanggap ng kaligayahan at kapayapaan ng Diyos na ipinagkaloob sa gitna ng mundo.

Iniaalay namin ang Ikalawang Pagyukod kay Jesus.Nagpapasalamat ako sa biyaya ng Diyos dahil nalaman naming ang buong katotohanan sa kanya ukol sa Doktrina ng Diyos na kanyang tinuturo. Ang kanyang mga salita ay nanatili sa ating kaluluwa,sa mga kabataan at matanda kung lumalapit sila sa Diyos, ang bawat isa ay hindi aalis na walang wala,kung tapat tayo para makilala ang boses ng Diyos at tayo ay masaya at tahimik na umiibig na binabasbasan tayo ng Diyos at para matandaan.

Ngayon mayroon tayong pagkakaataon na makita ng ating mga mata ang milagro na hindi malayo sa atin kung titingnan ng malalim,. Ang Diyos ay malapit sa atin habang panahon,lagi siyang nasa ating tabi para mahalin tayo,patnubayan;Para sa mga anak na tumatanggap ng gantimpala na ginawa ng Diyos ang paghihirap na pinagdaanan niya sa Krus na tanda ng kanyang pagibig sa atin, na iniaalay sa bawat kaluluwa sa mundo.Ngayon nagpapasalamat tayo sa mensahe ng Mahal na Ina ukol sa ikalawang Pagyukod na hindi natin dapat itapon na ating alam. Sa ngalan ng Paginoong Jesus Kristo  sa atin, para sa atin habang buhay.

Iniaalay naming ang ikatlong  Pagyukod sa Banal na Espirito Santo. Salamat sa lahat ng bagay; dahil  sa kanya ngayon marami  tayong alam  na yaman bilang taong  walang alam,hindi nakakaunawa at hindi makasalita paano tayo maniniwala paano ito nangyari? Subalit  sa Diyos ito ay regalo ng Diyos na inilalaan sa mga tao sa pamamagitan ng Ikatlong Persona ng Diyos. Ang Diyos ay iniibig tayo umpisa pa lamang.Noong tanggapin natin ang “Sakramento ng Binyag” tayo ay kasapi sa Diyos at kasapi sa Banal na Espirito ng Diyos; kesyo alam natin o hindi ,kasapi tayo ng Diyos, kasapi tayo sa Ikatlong Persona,ang  Banal na Espirito ay lagi tayong kasama,pinapatnubayan tayo sa daan patungo sa matuwid,para ipagkaloob sa atin sa isang sandali na tanggapin at buksan ang mga puso para tanggapin ang mga grasya at pagpapala sa pamamagitan ng Banal na Espirito. Panginoong Diyos ang Banal na Espirito,paki pagpatuloy ninyong buksan ang bawat puso para ibigin natin ang Diyos araw araw,makilala ang Diyos na mabuti, mabuhay tayo sa kanyang itinuturo,mabuhay sa katotohanan ng Diyos na ipinagkaloob ngayon sa mundo.Panginoong  Diyos,salamat sa grasya ng “Katawan at Dugo “sa pamamagitan ng Pang apat na Pagyukod.Ang Diyos at pinapayagan  niya tayong  tanggapin siya ng ating kaluluwa ng walang hanggang sa ating sarili.Ang Diyos ay binibigyan tayo ng maraming grasya sa ating espiritual na buhay at mukhang maraming bagay na  may kaugnayan sa tunay na buhay natin para makilala kung saan nagmula sa ating kaluluwa.Lahat ay tumatanggap ng epiritual na pagkain na inilalaan ng Diyos sa atin. Itong  “Katawan at Dugo” ng Diyos ay ang Pagibig ng Diyos na ipinagkaloob sa ating puso. Ngayon kailangan maging matapang tayong tumistigo ukol sa Pang apat na Pagyukod na iniaalay natin sa Diyos.

Ang gusto naming sabihin ay hindi nanggagaling sa amin kundi sa turo ng Banal na Espirito ng Diyos at alam natin sa buhay kapag naranasan natin maunawaan ang bahagi ng programa na inayos ng tao para bumalik sa Diyos ngayon,lalo na kung ukol Eukaristiya kailangan tayo ay yumuko ang ulo at pasalamatan ang Diyos na hindi natin nakikita subalit siya ay nasa ating kaluluwa at sa ating puso.Iyan ang pagibig na ipinalala sa mga tao para bumalik sa  matuwid,bumalik sa Diyos,parang kayamanan at parang susi hinahawakan natin ng mahigpit,yaman ng kaligayahan,kapayapaan,yaman na nakalimutan ng tao na siyang naging ugali. Ngayon ang ating buhay ay nag-aapoy sa pagyukod (1) ang kahulugan ng pagpakumbaba,ang kahulugan ng  pagyukod,ang katahimikan at ang lahat na mabuti ay darating na bastante sa pamamagitan ng iniisip natin ngayon.

Ang limang Yukod ay para sa Limang Banal na Sugat ng Diyos. Itinataas natin ito sa altar sa tubernakulo at sa Krus ng Diyos. Ngayong Lunes tayo ay pinaalalahanan ng simbahan ukol sa araw ng pinaunlakan ang Krus.Bakit ito tinawag ng Exaltation of the Cross? Mas marami pang pagsasalaysay na darating sa Lunes,ang Diyos  Espirito Santo ay aalalayan tayo ukol sa kahulugan. Ang kamatayan ni Kristo ay nagiwan ng Limang Banal na Sugat na nagiwan ng walang hanggang pagibig na nagpapatunay na ang Diyos ay hindi tayo pababayaan  ang mga tao sa mundo. Ang Diyos is pinaalahanan tayo dahil ang marka ng nangyari ay nasa ating puso pa rin, bawat isang tao sa pamamagitan ng grasya ng pagsalba para mabuhay tayo na maligaya,matahimik,at mabuhay ng masagana.

Napakaraming paningin na dapat natin tanggapin bilang tao,sa buhay ng tao, kung kilala natin ang Diyos,,kung  papayagan nating ang Diyos na pumasok  sa ating puso at makinig sa kanya,makinig sa kanyang itinuturo, makinig sa magandang balita,sa mabuting balita ng Panginoong Hesukristo, para maunawaan ang kahulugan ng Limang Banal na Sugat na inilalaan sa  mga tao sa mundo. Sa ngalan ng espirito kahit nasaan tayo,mayroon pa rin tayong pagkakataon na  yumuko ang ulo, sumamba at humingi tayo ng tulong sa Diyos sa panganib,mahigpit na pagsubok sa mga bagay na mangyayari at nangyayari sa mundo. Ngayon hindi tayo dapat matakot komo tinitingnan sila sa mata subalit nasa isipan at puso ang nangunguna.(2)

Para sa mga gawin na dapat gawin na may kahulugan na nanggagaling sa Limang Banal na Sugat, ipagpatuloy na tanungin ang Diyos para makatestigo at makapagpatuloy  tayo na tagapanguna para  makilala ang kahalagahan ng mga grasya na ating  kailangan para makapagtiis sandali sa madaling oras para ibalik sa mga henerasyon,tawagan an mga tao na gumalang, sumamba,magpakumbaba para makilala natin ang kahinaan natin sa tulong ng Diyos at sumunod tayo sa Diyos(3)Tayo ay nagpapasalamat sa grasya ng Diyos ng pagibig sa pamamagitan ng Limang Banal na Sugat para magpatuloy tayong nagpapakumba ang mga tao para makilala natin ang matibay na paniniwala para sa sandali na tayo ay yumuko ang ulo at magtiwala at hilingin natin sa Diyos na humadlang siya para sa atin.

Sa pamamagitan ng Anim na Pagyukod nagpapasalamat tayo sa grasya ng Diyos Ama at pinayagan ang mga salita  sa Mahal na Inang Maria iniaalay namin ang pagyukod bilang  pagparangal sa Ina, Pinakabanal na Puso ng Ina, at siya ang Ina ng Eukaristiya, Ina ng Divine Mercy, Ina ng Pusong Umiibig, Ina ng simbahan at ang  Ina ng katauhan ng tao.Lahat ng ginagawa ng Ina ngayon siya ang naging Reyna ng Langit,lahat  ng  ginagawa ng Mahal na Ina(4) ay pinagkaloob ng Mahal na Ina ang kanyang buong buhay na may pakumbaba, yumuyuko at ipinagkakatiwala ang pagtitiwala saDiyos.

Lahat ng ating natutuhan sa ngayon ay nanggaling sa pagtuturo n Mahal na Ina. Ang Mahal na Ina  ay banal at karapat dapat na tumanggap ng Anim na Pagyukod.Ang Ina ay karapat dapat itaas sa Diyos Ama at payagan siyang parangalan natin ang ating Ina dahil tayo ay nasa pangangalaga ng Ina dahil ang Mahal na Ina ay alam ang ating kahinaan bilang tao. Ang mahal na Ina ay nilagpasan niya ang lahat ng bagay,mga pagsubok at nagiwan ng pagpapatunay para magustuhan siya ng tao.Ang Ina ay kumakatawan sa harap ng Diyos Ama(5) dahil perfecto ang kanyang katangian,kabanalan,santa ,may pananampalataya sa pagsisilbi sa Diyos.Ang Diyos ay gusto rin niya ang mga taong kanyang nilalang ay may grasya para makilala ang Ina. Ang Mahal na Ina ay “Reyna ng Langit” subalit ang Ina ay mababa ang loob sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa ang mga tao ay mahina at makasalanan, bakit hindi natin matutuhan at maunawaan ang kahulugan para maging matuwid at makatuwiran tayo, maging banal na anak ng Diyos,tumanggap tayo ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa atin at ang buhay sa langit na inilalaan sa atin sa mga taong magbabalik at may pusong banal.

Dahil mayroon tayong Ina at Inang kasama natin,naunawaan natin ang kahulugan ng Anim na Pagyukod para ang mga tao ay magbago ang kataasan at kayabangan, mga bagay na hindi nila pinaniniwalaan, itinatanggi at hindi nila tinatanggap. Ang mga araw ng mga tao ay umiiral ang kataasan at kayabangan,ang mga taong ito ay may kamatayan,kalamidad at mananatiling patay dahil sa katauhan ng mga tao hindi nila nakikilala ang Diyos, hindi sila naniniwala sa Diyos at hindi sila yumuyuko dahil hindi natin kaya ang mga masasamang espirito, mga nakakatakot na mangyayari sa ngayong henerasyon. Mahal na Ina tulungan mo kami at subaybayan at turuan mo kami. Sana ang Mahal na Ina ay tulungan ang mundo na makilala ang mga kapatid na lalaki at babae na gumalang a sumamba sa Diyos para magkaisa  at hilingin sa Diyos ang “paghadlang;” para ipagkaloob ang pakakaisa at kapayapaan sa nalalabing araw.Kailangan natin ang Ina na tulungan tayo at ipagdasal tayo sa ngalan ng Banal na si Jesus Kristo ang ating Diyos. Amen, Amen, Amen.

Hinihiling namin itong mga biyaya kay San Jose na pangalagaan,bantayan tayo at gabayan ang ating simbahan. Sana ang mga Santo sa langit at mga anghel ay itataguyod,pangangalagaan at bantayan at tulungan ang mga tao na  makiisa sa mga santo sa langit ,anghel, purihin,pasalamatan ,sinasamba, pinagdarasal ang buong sanlibutan, mga taong walang alam,pinagdarasal ang mga makasalanan, mga kapatid sa purgatoryo,pakikipag-ugnayan at pakikipag –usap sa mga tao sa purgatoryo, sa dasalan na may paggalang at pagsamba, pakikipag-isa sa Diyos,sa Tatlong Persona.Sa ngalan ng Banal na pangalan ni Jesus Kristo ating Panginoon. Amen Amen Amen.

L. natapos niya ang mensahe eksakto 8:41 ng hapon Sabado, Sept. 12,2015, sa simbahan ng Incarnate Word na nagkaroon kami ng pagkakataon na magyukod ng anim na beses ng buong kaluluwa alang-alang sa mga kapatid nating lalaki at babae sa buong sanlibutan,mga taong nakatanggap ng mensahe sa CD para aking mga kababayan na may kapareho kong wika, mga taong naniniwala. Panginoong Diyos pakitulungan mo kaming buksan ang aming mga puso at maniwala sa dapat naming gawin. Pakitulungan mo kaming mapaghandaan ang arawng paglilinis,para makapasok tayo sa “Bagong Mundo.” Amen Amen Amen.

 

  1. Paglumok ay patungkol sa Anim na Pagyukod ng noo sa sahig habang nakaluhod at ang mga kamay nakadikit sa taynga.
  2. Sa kumpiyansa sa ginagawa ang Anim na Pagyukod (tayo pa rin ang tagapanguna Sept. 13, 2013) huwag tayong matakot sa mangyayari. Kapag ginagawa natin ang Anim na Pagyukod sa araw araw bibigyan tayo ng tibay ng loob ang ating mga kaluluwa at tayo ay magtitiwala sa Diyos at magiging umpisa ng pagbabago ng mga taong gustong magbalik sa Diyos.
  3. Inuulit muli ang tagapanguna para gawin ang Anim na Pagyukod, para makita ng tao makita ang totoo at kahalagahan na dapat natin gawin para sa ating sarili. Ginagawa natin ito sa publiko o pribado para ang mga tao ay may gayahin at maikalat ito.
  4. “Fiat,” latino sa Biblia, ang Birhen ng Awa ay sumang-ayon sa sinabi ng Anghel Gabriel sa siya magiging Ina ng Diyos.
  5. Hindi ito huling Paghuhukom. Ang Mahal na Birhen sa mga Katolikong Doktrina ay tagataguyod sa Diyos. Siya ang bagong Eva ng bawat tao sa pamamagitan ng grasya na Ibinigay ni Jesus ang mensahe at sinabi niya sa Mahal na Ina, Babae, “(behold your Son),” masdan ang inyong anak (John 19:26).
  6. Makukuha natin ang mensahe sa CD ng Vietnamese, English, Tagalog, and French.

 

*Ang hindi kilalang mensahero, L. nakatanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng (interior locustion) ang tao na nakakatanggap ng plano para gawin ang isang bagay o imahinasyon na pinagmulan sa labas ng Espirito. Sa pribadong pagsisiwalat at nakikita niya ang milagro sa Eukaristiya at nakukunan niya ng litrato at itinatala niya. Tuwing ang Diyos ay magbibigay ng mensahe kay L, ito ay nanggagaling sa mabait na Ama para sa kanyang mga anak.

Bagong Pagsisiwalat sa Pamamagitan Ng Eukaristiya

http://nrtte.net/

 Please share this message and website with those you know via email, social media, printing the message and word of mouth.  

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

error: Content is protected !!