Bago Revelations Eucharist Sa

Ang Pintuan ay Bukas sa mga Natitirang Araw

1008161847_resizedHulyo 4,2016 Araw ng Kalayaan sa Amerika

L. : Panginoong Diyos, 6:32 Lunes, Santa Teresa (1) siimbahan sa harap ng rebulto ni babay Hesus noong siya ay apat na taon (2) ang rebulto ng Our lady of Guadalupe kasama si Juan Diego. Ito ang lugar na tinatanggap ko ang mensahe ng Diyos sa pamamagitan ng rebulto ng Sacred Heart ng Diyos sa mga nagdaang buwan at taon. Sa harap ng rebulto ni Santa Teresa na tumatanggap ako ng mensahe sa Diyos at kay Mama Mary at kay Santa Teresa ukol sa mundo ang mensahe lalong- lalo na sa ating kapatid na lalake at babae sa ating grupo.

Ngayon ang ikalawang beses na nakatanggap ako ng mensahe sa Diyos sa bagong rebulto(3) ; Tuwing Lunes narito ako at mayroon akong pagkakataon na tumanggap ng salita ng Diyos. Kahit sa rebulto ng Sacred Heart ng Diyos o sa bagong rebulto alam ko ang Diyos ay nasa akin ; mga salita ng Diyos na gustong ipamahagi sa mundo, mga salita na laging ibinibigay sa atin ,mga salita ng pagibig ng Diyos ipinaaalala sa araw na ito sa mundo kasama ang mahalagang bagay na pinagkaloob ng Diyos upang ating tanggapin.Sa unang aking pagdating ang Diyos binigyan ako ng maikling mensahe ang ikalawa nakatanggap ako ng mensahe sa baby Hesus, ang kanyang mata ay nakatingin sa langit na mayroong ngiti, walang malay na apat na taong bata. Kapag tinitingnan namin ang rebulto ang pakiramdam namin ay masaya ; sa ating buhay kailangan tingnan natin ang rebulto upang malaman natin na ang kalungkutan ,ang pagiisip at ano pang mga bagay- bagay ay puwede nating itaas sa Diyos habang nag-iisip ; ang Diyos ay naging tao sa atin upang hangaan ang kanyang kalambutan, ang kanyang pagkamaliit, buhay na tinuturuan sa daan upang itaas ang ating sarili patungo sa Diyos sa langit.

Panginoong Diyos, salamat sa Diyos ; bawat rebulto pinaaalalahanan at pinapayagan tayo na maunawaan ang kabanalan ng misteryo ng Diyos sa mga tao sa malapit na paraan. Alam natin ang   lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa atin. Ang rebulto ay inilalapit tayo sa Diyos,komo ang rebulto ay Sacred Heart o kahit anong banal na rebulto na ating nakikita,iisa lamang ang Diyos sa umpisa hanggang sa walang katapusan na henerasyon ; ang Diyos ngayon at ang Diyos hanggang sa katapusan ng araw.Sa huling araw ng ating buhay,ang katapusan ng estorya, ang Diyos ay nag iisa parin ang Diyos na punong-puno ng pagibig, ang pagmamahal ng Diyos ay hinahanap ang mga tao, matiisin Diyos na nagbibigay ng pag-asa. Iyan ang pangako ukol sa Krus,pangako sa paghihirap ( Passion) ; walang katapusan pangako at hangarin sa mga tao sa mundo

Ngayon ang kahulugan ng I kalawang Pagyukod o kowtow (5) dapat nating maunawaan na pagdating sa pagsamba kay Hesus, ang ikalawang katauhan ng Diyos,ang Pinakmataas na tao na namatay ng dahil sa atin, nagkatawang tao at nanaog sa lupa sa nagdaang estorya. Nagpatuloy upang makasama natin siya sa buhay upang pagtibayin ang paniniwala at paniwala upang maging matapang at tanggapin ang gustong ipagkaloob na ibinibigay ng Diyos.Walang bagay na hindi magagawa kung nakakonekyon sa Diyos ; sa may naniniwalang puso, makikita natin ang ginawa ng Diyos na kahanga hangang bagay na nagbibigay ng daan sa ating paniniwala upang ipagtagubilin sa Diyos para tayo ay turuan, mabuhay na banal na anak ng Diyos at karapat dapat na tumanggap ng grasya ngayon, ipinagkaloob na makita at manatiling malapit sa atin at payagan makilala ang pagdalo upang gabayan tayong muli na Banal na Awa ( Divine Mercy ).

Ngayon mayroon tayong pagkakataon ; pinaalalahanan tayo ng simbahan na ang taon ng Jubilee of Divine Mercy na bukas para sa lahat at sa buong mundo ; kinakailangan lamang na magbalik, sumuko at yumuko at dumapa , magbalik ang puso at kaluluwa at nagsising kaluluwa. Ang Diyos ay hindi tayo pinababayaan at tinatanggihan. Tingnan natin ang banal na rebulto upang makita na ang Diyos gusto niya na makita tayong parang bata, walang malay,inosente ; tungkol sa mga bagay na lumipas na nakakabigat sa ating buhay, lahat ay mayroong nakakaharap upang tayo ay lumapit na parang bata sa Diyos ,itinataas ko ang lahat upang mabatid na ang ating makasalanan buhay ay walang patutunguhan walang masasandalan at walang puwedeng magpatawad kundi ang Diyos lamang na nagmamahal. Kami ay nanalig na ang Dugo, ang Krus at ang paghihirap ay walang hanggang estorya ng pagibig at pagpapatawad na nagbibigay daan sa katotohanan, at pagliligtas sa habang panahon, nanatili sa kanyang pagibig

Sa ngayon, tingnan natin at matuto tayo sa buhay, na bawasan ang bigat, mga pagsubok, mga paghihirap sa buhay ; maging bata tayo ; humingi tayo ng tulong magsanay at tanggalin ang masamang isip, ang paghahatol sa mga tao na lagi tayong nadadapa, ang ating yabang na nagiging daan patungo sa kadiliman kaya hindi natin makita ang ilaw ng Diyos na naging dahilan ng ating kawalan na pagasa (despair) Lahat ng ito ay nasa estorya hanggang ngayon ; ang pagibig ng Diyos ay daan para bumalik ; Mayroon tayong karapatan magpasya ; bumalik sa Diyos o sundan ang daan ng takot, daan sa kadiliman sa kamatayan, karamutan, sa libog marami pang dahilan sa buhay ng bawat tao.

Ngayon, ang Diyos inimbitahan tayo na lumapit sa kanya, upang maunawaan natin ang Divine Mercy ng Diyos. Ang Banal na Awa ng Diyos ay hindi natatapos sa atin kundi ito ay ibinabahagi sa bawat isa, itinataguyud ang bawat isa, lumalapit sa bawat isa at tumatanggap at natuto tayo sa mga biyaya ng Diyos na inilalaan at ipinagkakaloob sa mundo at sa bawat isa. Ngayon maraming bagay na hindi natin naintindihan awtomatiko kundi sa turo ng Diyos ; Tumigil ako para tanggapin ang salita ng Diyos lalo na sa bagong rebulto.

Aming Ama : L. ,M., mga anak, ngayon ay hindi sinasadya ,alam ko ang nadadama ng bawat tao ,nalaman ko na ang pagbabago ay naging dahilan para isipin ninyo at magulat. L., alam ko ang rebulto ng Sacred Heart, ang rebulto na Santa Teresa ay matagal na rito ; sa hindi mabilang na beses, nakaharap ko sila at sa lugar na ito ipinagkaloob ka sa inyo ang mga milagro na ating narinig, nakita at pinaniwalaan. Ukol sa sa mga tao, bakit walang lungkot, walang halaga ang nakita nating pagkakaiba? Dapat nating malaman na bawat banal na rebulto ay mayroong kahulugan, para tulungan ang bawat tao, ang mga naniniwalang puso, upang tulungan ang mga taong nakatagpo ang kahalagahan ng rebulto. Ang bawat rebulto ay mayroong estorya ,may papel at pinagkalooban tayo ng grasya at biyaya na nauukol sa mga anak sa buong mundo, kahit anong edad at bawat papel. Lumapit kayo sa akin, huwag ninyong isipin ang banal na rebulto ; lagi akong narito kahit anong rebulto kapag inilagay ako sa lugar na mayroong paggalang ,upang kayo ay makalapit at magdasal . Ang banal na rebulto sa mga simbahan ay binasbasan at sa basbas ay nakikilala nila ang aking ipinagkaloob . Sa buhay ng tao,kailangan nating makita, maging makatotohanan at madama upang makatagpo ang aking banal na daan kahit anong lugar at oras lalo na sa ating puso. Lagi akong nasa inyo subalit limitado sa pangunawa ng mga tao, sa mga nadadama ng tao ay limitado sa kaalaman at sa katotohanan : ang lugar na aking kailangan ay bawat puso ng tao. Gusto kong kasama kayo at ang mga kapatid na babae at lalake, mga taong tinatanggap ang aking imahen na may puso, kaluluwa na alam ang pagibig o mga tao na may matigas na puso.

Mga Mahal kong Anak,hindi maipaliwanag at hindi ninyo maunawaan ang aking pagibig. Ngayon maraming katotohanan na patuloy kong tinatanggap at nagtitiis sa kalamigan ng tao, malagamgam at kataksilan ng mga tao . Ang aking sugat ay hindi gumaling ng lubusan ; ang aking sugat ay patuloy na dumudugo dahil hindi ninyo naunawaan ang aking paghihintay, ang aking pagtitiis, ang kailangan ko ay ang inyong puso at bawat kaluluwa, ang bawat bata ay sa akin sa buong mundo at bawat papel. Gusto kong mahabag at makilala nila ako ; mahabag kayo sa aking pagibig upang baguhin at maging banal kayong lahat ; mahabag kayo sa nangyari sa estorya upang sa isang sandali maunawaan ,magwari at malaman ang doktrina ng katotohanan upang makita ang daan patungo sa kahalagahan ng walang hanggang buhay ng kaluluwa na dapat malaman ng bawat tao. Iyan ang aking kagustuhan . Gusto kong makilala ang bawat tao, gusto ko ang inyong puso, maunawaan ang aking pagibig ,maunawaan ninyo ang aking paghihirap (Passion), ang aking pagtira sa Banal na Eukaristiya at maunawaan ang aking boses na tumataginting ngayon sa mundo.

Mahal kong anak, lahat ng para akin ay hindi limitado ; walang libro na mayroong laman ukol sa aking mga ginawa   at ang lakas ng Diyos na ipinagkaloob sa mga tao sa mundo. Kailangan ninyong makita, maniwala at maunawaan ang mabuti sa inyo upang dumating kayo sa pagibig ; mabuhay sa katotohanan ; mabuhay sa hustisya ; makilala ang ipinagkaloob sa buhay upang turuan kayo, upang maranasan ang doktirina na paulit ulit habang panahon, upang maunawaan ang pagliligtas ; maunawaan ang kahulugan ng Krus na aking pinagtiis at dalhin para sa mga tao ; upang maunawaan ang kahulugan ng Banal na Eukaristiya ; maunawaan ang aking salita sa pamamagitan ng estorya, sa magandang balita sa pamamagitan ng Ebanghelyo. Ako ay kasama ninyo sa Banal na Misa at nakikilala ang bawat tao ; kapag pinayagan ninyo ang inyong puso na magwari,makaunawa at maransan at makikita ang buhay sa gitna ng mundo. Hinahangad ko pa rin ang aking mga anak , bawat isa; patuloy kung binubuksan ang aking mga braso upang yakapin kayo ; binubuksan ko ang inyong braso upang gabayan kayo kapag naranasan ninyo ang paghihirap, pagsubok, mga sakit, problema ngayon upang kilalanin ang kalapitan na sinabi ko sa inyo.

Mga mahal kong anak, gusto kong maunawaan ninyo ng maliwanag ukol sa mga bagay na may paanyaya sa mga mayroon misyon, mga taong tinawag na saksi ukol sa totoo, sa mabuting balita, sa milagrosang lakas ng Eukaristiya, ang grasya na kasabay at patuloy na ibinubuhos sa mundo lalo na sa mga tao na tumitistigo, patuloy na ipinahayag, patuloy na tagapanguna sa mga gawain at dasal na may kilos at buhay ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagsisilbi. Lahat ay matatanggap natin ngayon at ang paraan ay hindi mahaba o maikli ; alam ninyo na lagi akong nagbibigay at naghihimasok kapag kayo ay naniwala at nagtiwala at ito ay mangyayari ,sa mga bagay na umayon sa moralidad, at sa mga dahilan na ipinagkaloob ko sa inyo. Sa mga ibang mukha hindi ninyo naunawaan,maski may hirap,sakuna na totoo at nalalaman natin lahat ang nangyari sa inyo, sa mundo, sa mga tao at sa bawat tao.

Gusto ko ang pinakamabuti at pinakaperpekto na bagay, subalit kailangan magdaan kayo sa pagsubok dahil ang bawat tao ay mayroon kapalaran na plano at inayos ng Diyos Ama, na laging handa. Ang pagharap ko ngayon ay maniwala sa pagibig para ikaw ay gumulang , malinaw na maunawaan at mabatid sa sarili nating buhay na may papel, may pananagutan, may tungkulin sa bawat sitwasyon, at bawat klase huwag kayong gumawa ng pagtatangi sa lahat ng nakita kundi maniwala kayo sa kanyang mga nagawa ; maniwala kayo sa aking pangako at ibigay ng madalian o mamaya na inyong matatanggap dahil sa aking pangako na ibigay at gusto ko na mapansin ninyo ako sa inyong buhay at sa mga lugar sa mga araw at buwan na tinggap ninyo ang aking salita matwid o hindi matwid.

Ukol sa anyo ang banal na rebulto na nasa simbahan o nasa ibang simbahan gusto kong malaman ninyo na marami lugar na madadasalan, maraming simbahan subalit ang lugar na gusto kong ihayag ang milagro ay kaunti lamang sa katauhan ng tao sa mundo. Maski dumating kayo at ipinagkaloob ko sa inyo ang grasya na inyong hinihiling na aking ipinagkakaloob upang palakasin ang inyong buhay at pananampalataya,dapat alam ninyo na mayroong simbahan itinatag at napili na ihayag ang milagrong nagaganap ; ang mga simbahan na ito kesyo nasa estorya o sa natitirang araw ipagpapatuloy ng simbahan na napili ko upang ipamahagi ang mabuting grasya na ating hinaharap ngayon. Sa mga nakaraang buwan na matahimik gusto kong maging tao kayo na may kaluluwa ng walang malay na parang bata para kayo ay walang kaba at wala kayong takot na lalapit sa akin ; huwag kayong matakot, huwag ninyong hatulan ang inyong sarili, huwag ninyong kalimutan ang pagkakataon na may grasya na ipinagkaloob sa mundo ukol sa pagpaalala ng simbahan, ang Pinto ng Jubilee Year of the Divine Mercy ay bukas. Ang Divine Mercy ay habang panahon Divine Mercy para sa mundo ; ang simbahan inihayag at tinanggap ang lahat ng bagay sa daang taon -magsalita na pangkaraniwan, magsalita ng totoo, at magsalita ukol sa mabuting milagro nakasanayan(6) kasama ngayon sa simbahan.

Napakaraming bagay na dapat ninyong malaman na mahalaga na inyong narinig sa buong buwan at taon na isinulat sa estorya, sa Ebanghelyo, at sa Magandang Balita. Lahat ay mangyayari dahil ang mundo nakita ang katotohanan ;   na nanggaling sa talino ng tao o sa masamang espirito na nagsamantala sa inyong kahinaan, dahil sa mababaw ang inyong paniwala at ang mga tao ngayon ay naniniwala sa pangkamunduhan ng buhay. Gusto kong kilalanin ninyo sa mga buwan na inyong narinig ang maraming bagay na magpapalakas ng inyong paniniwala sa buhay , hindi iyong nangyari noon na inihayag ngayon sa tao. Marami kahanga hanga na grasya na aking ipinagkaloob sa espesyal na paraan. Inihayag ko at pumili ako ng propeta na espesyal sa mundo upang maghayag ng boses ko at maging saksi sa lahat ng bagay na nanggaling sa katotohanan at nanggaling sa langit.

Ngayon ang langit ay bukas upang ipagkaloob sa mga tao sa mundo, sa mga anak at bigyan ng pagkakataon na ang mga taong makasalanan ay magbalik sa Diyos, at balak ibuhos sa simbahan ang mga grasya ; ihayag ang Mabuting Balita; at ilapit tayo sa Pinto ng Divine Mercy. Ang kahulugan ng pinto ay ang aking Pagibig ; ito ay bukas sa mga natitirang araw upang tulungan tayong magbalik habang mayroong panahon at pagkakataon. Dahil bumaba ako sa lupa , pinako ako sa Krus noong nanggaling ako sa langit noong araw na itinatag ko ang Banal na Eukaristiya , nandito parin ako ,ang tunay na estorya ,tumistigo sa katotohanan, na binalak ng Diyos Ama na ihayag. Nagkatawang tao ako 2000 taon na ang nakaraan ; nandito parin ako sa mundo sa Eukaristiya, ang patak ng aking Dugo ay patuloy na pinakakain tayo sa Banal na Misa .

Napakahalaga na mayroon tayong pusong naniniwala, para maunawaan at hanapin ang katotohanan,magwari, magnilay sa mga salita na ipinaalala na sinabi sa pamamagitan na Mabuting Balita. Sa bawat katayuan, sa bawat papel, ang mga rebulto na mayroon kayong pagkakataon na makasama at mayakap lahat ay may kahulugan upang gabayan kayo patungo sa akin ,tulungan kayo ukol sa pinto ng Divine Mercy na bukas ng maraming buwan . Kailangan maghanda kayo dahil ito ay may umpisa at may katapusan katulad ng tao ipinanganak tayo pagdating ng araw mamatay naman tayo.Sa walang hanggang henerasyon ukol sa ginagawa ng tao, ngayon bukas o pagdating ng panahon ayon sa Diyos hindi parin ninyo maunawaan ng buo ang aking ginawa at ang pinagkaloob kong pagliligtas at patuloy ninyong makatagpo sa ‘Divine Mercy . Ngayon nabubuhay parin kayo na hindi ninyo naintidihan, hindi ninyo alam, walang pakiramdam , hindi nadadama ; sa mga araw na buwan naghihintay subalit bumabagsak dahil hindi naunawaan ang totoo at hindi makabalik sa katotohanan.

Kayo ay nabubuhay sa mga araw at buwan gumagawa ng kasalanan,nagkakasala at nagugulo sa sarili ukol sa Divine Mercy , nagagambala sa sarili dahil sa Kataastaasang Manunubos na nagdala ng doktrina ng katotohanan upang maging libre kayo sa buhay. Sa inyong kalayaan binuksan ninyo ang pinto sa inyong sariling hangarin upang sundan ang libog at pagkaganid at sundan ang totoo sa ating buhay. Kung hindi ninyo alam at naunawaan , kung hindi maliwanag ang sinabi sa inyo ngayon na kabanalan paano ninyo malalaman ang pananampalataya sa umpisa? Para maunawaan ang estorya hindi ito nagumpisa na naiwan daang taon ang nakakaraan ; mga tao na may katungkulan upang hanapin ang totoo at sumaksi . Kapag sinundan ninyo ang inyong nakagawian, pinabayaan ninyong dumaan, kung hindi kayo magiiwan na nanggaling sa banal na kaharian na may pagibig, may tapat na puso, may magalang na puso at pusong naniniwala maglingkod, pusong umiibig, at gustong magbalik sa Diyos at isulko ang lahat ng bagay na nakita sa ating buhay.

Ngayon ang pagkakataon ; tandaan ninyo na magbalik sa hustisya, dalisay na paraan , magbalik at isuko lahat sa buong buwan ang nagdudulot ng pakikiapid,mga kasalanan, mga paghihirap na nagtitiis sa buhay na walang halaga sa inyong kaluluwa sa inyong kinabukasan. Ito ang oras upang piliin ninyo ang inyong sarili, upang makilala ang aking pagibig na nanatili ; wala ng oras upang ipagpatuloy ang kalayaan ng inyong sarili subalit kailangan   magpasya kayo ngayon para makabalik kayo sa akin, sa aking pagmamahal, sa Banal na Awa at sa aking pagliligtas, NIlagyan ko kayo ng marka ng pagibig (8) upang sagipin kayo subalit hindi ninyo naranasan at naunawaan ; huwag ninyong gawin ang minana upang makabalik kayo na matapang at determinado .

Ipinagpatuloy ninyo na mabuhay sa araw at buwan wala kayong naunawaan,walang paniwala at kayo nasa kasalanan sa gitna ng ating buhay. Ang paalala ko ngayon ang oras ay limitado dahil lahat ng bagay ay may kapalaran ayon sa Diyos Ama ; mayroong umpisa at may katapusan sa mga tao ; ito ang plano ng Diyos Ama ; ang Una (alpha) at katapusan (omega) at ang pagliligtas . Ang oras ng pagliligtas ay oras na natanggap ninyo ang grasya, milagrosang basbas at oras na bumalik tayo sa estorya na nangyari sa mga tao sa mundo.

Ngayon ang aking hinahangad ay ang Divine Mercy ang magbibigay ng pag-asa upang mapatawad at maibalik kayo sa pagibig ko at ang buhay na tubig sa grasya at basbas na aking inilaan at ibigay. Huwag kayong magisip,mangatuwiran, ang katotohanan sa mundo , ang masamang bisyo ay nasa ating isip at makikita sa libro na walang pagsasanay ; ito ay maliit na bagay na limitado sa pusong naniniwala. Ayon sa Diyos ito ay walang katapusan ang mata ay para tumingin sa espesyal na basbas ng Diyos at lahat ng paraan upang makatagpo at hind maging limitado sa naniniwalang puso, hindi limitado sa mga paksa na tinatanggap o wala.

Ang aking hinahangad sa inyo ay maunawaan na aking pagibig ay gumagamit ng maraming paraan upang maibalik kayo, ang aking pagibig ay gumagamit ng paraan sa pamamagitan ng Divine Mercy upang gawin kayong banal, ibahin kayo para maging mahalaga sa papel na napili. Binuksan ko ang pinto at hinihintay ko kayo sa handaan sa langit huwag kayong magpabaya sa oras at palampasin ang pagkakataon. Isuko ninyo ang lahat kung naunawaan ninyo ang araw na nabubuhay kayo sa kasalanan ; araw ng paghihirap ; araw na umaasa sa pera, sa kasikatan at mga bagay na kayo ay abala ; abala na magsibi sa laman, abala sa pangangailangan ng tao at hangarin. Ano ang gagawin nito sa kaluluwa, sa kabilang buhay, mga puso na nangangailangan ng araw ng kaligayahan at katahimikan?

Narito ako ngayon upang ihayag at inyong marinig, malaman at makilala ang mga bagay na magkaiba ; huwag ninyong harangin at isipin sa inyong sarili. Ang salita ay nanggaling sa inyo ; ang totoo ay kailangan marinig ninyo ang nangyayari sa mundo na aking pinapayagan na inyong marinig. Ito ay katapusan ng araw ng estorya ng libro ,maintindihan ito sa buhay ng tao, sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya ,may mga sulat na galing sa inspirasyon ng Banal na Espirito para sa mundo na ipapamahagi sa mga tao. Saan man kayo naroroon kung kanino man ang rebulto tandaan ninyo ang aking pagmamahal sa mga rebulto ; ang aking pagmamahal sa mga lugar ; ang aking pagibig ay nagbibigay ng grasya bawat isa at espesyal na ginagamit lahat ang paraan upang magbalik at tanggapin ang Divine Mercy, ang aking pagpapatawad at walang hanggan mundo na naghihintay sa inyo ng pagasa ukol sa kalayaan na inyong pinili, nakasalalay na magbalik upang palakasin ang buhay ng pananampalataya na aking inilaan at ipinagkaloob.

Lumapit kayo, lumapit at maniwala sa mga biyaya na aking ipinagkaloob sa inyo ; maniwala kayo sa aking mga salita ngayon, sa tamang lugar, sa simbahan at sa mga’ katedral’.Gusto kong makita ninyo ang dakila mga bagay na hindi natin puwedeng itanggi ng salita ng tao, mga, taong tumatanggap ng biyaya, mga taong nagpapasalamat, mga taong tumanggap ng grasya na aking inilaan at ibinigay- mga grasya aking ibinigay na espesyal na paraan, upang pagtibayin ang pananampalataya, upang patunayan ang mga ginawa sa bawat lugar at inihayag sa mga tao sa mundo sa pamamagitan ng misteryo at milagro ng Banal na Eukaristiya.Kasi dumating na ; huwag kayong mag-alinlangan.

Ang mga taong nagsasalita, mga taong napili na maging saksi : magtiwala sa lahat ng gawain na magkaisa sa bawat isa upang tumistigo, upang maibalik ang mga kapatid na babae at lalake, ang mga taong malamig , mga taong nasa daan na hindi maliwanag, at hindi nakakaunawa ng pagbalik at hindi alam ang daang pipiliin- ang Diyos o ang mga tao sa mundo.Narito pa rin sila sa daan na hindi tapat sa akin at lumalakad sila sa daan sa gitna ng masama at mga bagay na kailangan para lumapit sila sa akin . Ito ang bagay na dapat maymalay ; ito ang mga tao na nakakaunawa, nakakaalam subalit hindi nila mapaglabanan ang laman, ang sarili, iniisip ang yabang at sarili at ang kanilang pansariling gusto. Kailangan matalino at sana kayo ay magbalik na may pusong busilak, na gustong magbalik at kumilos. Ang kahulugan ng Jubilee Year na ipingkaloob sa inyo ang biyaya at grasya sa malapit na paraan ngayon upang maging banal at basbasan kayo sa mabuting paraan sa tulong ng Inang Maria na nagturo sa atin. Lahat ng ginagawa ninyo ngayon ay isang bagay na hindi hinihiling ng Diyos kundi kayo ay tumanggap grasya at biyaya na hiniling na Inang Maria sa Diyos Ama na ipagkaloob sa mga tao sa mundo. Narinig ninyo at alam ninyo at patuloy na naitindihan mabuti ang mga bagay ngayon na inihayag at tumistigo. Hindi ito natatapos ngayon dahil sa nagdarasal tayo ,dumadapa at sinusuko natin ang ating sarili ; paano magiging bingi ang Diyos Ama kung nakikita niya tayo sa ating kalagayan? Maniwala at magsanay ito ang grasya na nanggaling sa Inang Maria, ang taong nagtuturo, nagdarasal sa nalalabing araw, mga araw ng kalunkutan na darating at huling araw ng paglilinis para sa mundo na inayos para sa walang hanggan.

Buksan ninyo ang taynga upang makarinig, buksan ang mata para makakita, at magtiwala sa daan na inyong pinili, sa buhay ng testimonyo, ang papel upang maunawaan at mahayag sa mga tao ngayon.Ito ay buhay na salita na ipinagkaloob ko sa mundo ; ito ang lugar na pinili ko sa inyo upang maintindihan ninyo ang misteryo ,mga milagro na aking ginawa ngayon para sa mga tao sa mundo.Sinabi ko na ang lahat. Sana naunawaan ninyo . Lumapit kayo sa akin at isuko ninyo ang lahat ng bagay, huwag kayong matakot sa inyong kamalian ; lumapit at makipagbalikan kayo. Pumunta kayo sa simbahan tanggapin ang aking turo at pagkain sa aking salita, magtiwala sa inyong nakikita at naririnig. Gawin ang turo ng Ina upang magkaroon kayo ng bagong daan at gabay ng banal na Espirito . Huwag kayong matakot kapag naunawaan ninyo ang espesyal na regalo na ipinagkaloob ko sa inyo sa aking harapan sa pamamagitan ng Eukaristiya upang buksan ang inyong mga mata at malaman at maunawaan ang sarilng kahulugan.Sana naunawaan ninyo ng maliwanag upang maipagpatuloy na makinig kayo sa mga bagay na inilaan at ipinagkaloob ko sa inyo, sana gawin ninyo, magkaisip kayo at piliin ang daan na inyong kailangan na determinado ,magbalik sa Divine Mercy, magbalik ng buong puso at kaluluwa ; sa mga kilos na inyong ginawa matatanggap at mauunawaan ang regalong grasya at biyaya sa tulong ng Inang Maria na siyang namumuno at kumikilos alang-alang sa inyo na aking ipinagkaloob sa buong mundo. Ang kapayapaan ay sumainyo. Mahal ka kayong lahat. Paalam mga anak.

L.: Panginoong Diyos -nagpapasalamat ako sa grasya ng Diyos sa mga mensahe niya ngayon. Hindi ko alam na tatanggap tayo ng turo ng Ama; hindi ko alam na mayroon tayong pagkakataon na maunawaan ukol sa mg rebulto ang kahulugan ng bagong rebulto na nakaluhod tayo sa paanan ng Ama, upang tumanggap ng salita ng Ama, upang maunawaan sa mga araw ang Banal na rebulto ng Sacred Heart of God. Narito tayo ngayon sa Banal na rebulto na may kahulugan,na maging parang bata tayo na nagtitiwala sa rebulto na nakaluhod at nakaharap nagdarasal hinahawakan ang kamay at nakangiti ; itinaas patungo sa langit, sa Diyos Ama, sa mga banal na kaharian na ating natanggap, ang saya, ang doktrina, ang totoo, ang regalo niya ang sarili, ipinagkaloob sa bawat isa at sa mga tao lalo na sa simbahan,upang maunawaan natin si Hesus.

Hindi lamang si Hesus sa ostiya, tahimik, mayroon siyang boses, si Hesus ay nagpapaalala, tinuturuan niya ang mga tao, inihahayag ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng milagro sa Eukaristiya. Ngayon natanggap natin ang kanyang turo maraming grasya na nanggaling sa regalo na ipinagkaloob , narinig at nagsanay ; patuloy ang pagtuturo sa pamamagitan ng grasya na Diyos na ipinagkaloob sa mundo lalo na sa mga taong imbitado kagaya ng taong tumitistigo,mensahero ,propeta na tumulong sa ating pagbabalik sa Diyos kahit anong paraan. Ngayon tayo ay sumusuko, dumadapa, nagsisisi ng buong puso, hinihiling natin sa Ama na tanggapin at tulungan tayo ; Diyos Ama mamagitan kayo at bigyan mo kami ng pagkakataon sa mga araw na hindi namin mababago ang henerasyon. Maraming magulong bagay na sinasadyang sinasaktan ang mga tao .

Ngayon ang sagot sa problema ang mga tao ay nagpataw ng limitasyon sa kanilang sampalataya ; nabubuhay sila sa tuntunin,control sila ng katotohanan, mga matalinong paraan, nakahilig sa kabihasnan upang ipagpatuloy ang kanilang kagustuhan katulad ng nasa sa mundo. Nakakalimutan nilang magdasal, magbalik, nakalimutan nila ang oras para sa Diyos at katungkulan nila sa Diyos; bilang anak ; ang tungkulin ng mga tao hindi makakalimutan ang grasya at biyaya ang hininga na natanggap sa Ama, ang grasya na ibinuhos sa mundo at sa bawat isa sa atin.

Paki tulungan ninyo kaming maunawaan at maranasan,maniwala sa minana sa talino o natuto ; sa buod , ang buhay ay nakikita sa totoo, dahil ang puso ang makakatestigo at ang puso kailangan ang Diyos ibigay ang kailangan ng Banal na Espirito upang maliwanagan tayo sa mga araw ng ating buhay na masaya at matahimik,nakaharap sa totoong buhay na may Krus na hindi natin kayang tanggihan katulad ng pagtanggap ng Diyos upang iligtas tayo. Ang daan sa Krus ay ilalapit tayo sa Diyos at ang krus ay tutulugan tayo sa buhay, ang Ama ay nabubuhay para sa bawat isa sa atin sundin ang kanyang yapak,upang iligtas tayo,ipanganak muli para maging anak ng Ama na naglalakbay at binibigyan tayo ng pagkakataon. Ang huling daan ng Krus tulungan mo kaming makaharap ang Ama, maunawaan ang kahulugan kapag nabuo at nagtagumpay sa mga araw ng pagtapon sa lupa dahil sa kasalanan,tukso at kahinaan ng laman.

Aming Ama paki tulungan mo kami upang maunawaan ang inyong pagdalo, manatili po kayong malapit sa amin at buong pusong magtiwala sa Ama upang mabuhay sa kabanalan,karapat dapat na anak na nakikinig ; madama ang pagkamalapit sa Ama na tinuruan tayo sa espesyal na paraan at binigyan ang mundo ng permiso sa pamamagitan ng 6 na Pagyukod o kowtows na ating sinasanay : upang itaas ang Ama, dumapa sa Ama at sumamba sa Ama. Isa lamang ang ating Diyos na ating pinaniniwalaan, na ating ginagaya na ating tinatagubilinan .Naniniwala sa Ama, ngayon tanggapin ninyo ang aking salita upang inyong marinig, nakikita natin ang Eukaristiya ng maliwanag sa buhay at sa mundo lalo na sa bawat tao.

Sa ngalan ng Banal na pangalan ni Hesus Kristo ang ating Diyos, salamat sa grasya ng Diyos at Banal na Espirito, grasya ng Inang Maria natapos ang mensahe ; salamat sa bagong rebulto, ang bagong karanasan na mapalapit sa harap, sa turo ng Ama na kailangan maging parang bata tayo,walang malay, malambot upang umasa sa lahat ng bagay. Sa Divine mercy ang ama ay nagpapatawad, nagbibigay at tinuturuan tayo magbalik sa buhay na tubig upang linisin tayo at gawing banal at baguhin . Sa ngalan ng Banal na Hesus Kristo ating Diyos, ako ay napapasalamat sa mensahe.Isa pa sa oras ng 7:16 Lunes, Hulyo 4,2016, ang mga tao ay nagdiwang,naghandaan ang mga familya at dumating ako kasama ang aking kapatid ; masaya kami puwede naming ipagpatuloy na kasama ang Ama, makinig sa salita na nanggaling sa ama lalo na sa pagdiriwang ng kalayaan ng Amerika. Sa ngalan ng aking mga kapatid na lalake at babae sa buong mundo, aming grupo, mga taong nagsisilbi, sa mga hindi nakakakilala, hindi naniniwala at sa bawat taong makasalanan , itinataas ko sa Ama ang umiibig na puso, nagpapasalamat na puso, nangaakit na puso sa Ama upang magsikap, magtiis, upang ipagpatuloy na ipahayag ang ating alam narinig at naging saksi sa lahat ng ginagawa ng Ama. Komo kaunti lamang ang nakakaintindi sa totoo ang Diyos ang may karapatan na magbigay at ang Diyos ay eternal. Ang kanyang salita at plano ay totoo at pang matagalan ; umaasa tayo sa totoo, pagibig, sa pagkamapit upang maging malakas ang sampalataya sa buhay ,madaling makabalik, ipagkatiwala ang buhay sa ating narinig, nakaharap upang magturo. Sa ngalan ng Banal na Hesus Kristo ating Diyos. Amen. Amen,Amen.

Footnote:

1.Teresa of Lisieux

2. Ang pagkagawa ng rebulto ni Divino Nino sa bayan ng Bagota ,Columbia.

3. ang rebulto ay hindi magsasalita kay L. ang rebulto ay katauhan ni Hesus

4. Ang oras ng mensahe ay magpapatuloy sa rebulto, dito matatanggap ni L. ang mga mensahe na sunod sunod kung kagustuhan ng langit na ipamahagi.

5. Tingnan ninyo ang mensahe ng 6 kowows Agosto 19,2014

6. 6 kowtows

7. hinihiling sa Diyos na humingi ng awa patungo sa daan ng matapat na pagsisi at magbago

8.Kung sino ang may taynga makinig Hulyo 28,2016

9. Patungo na tayo sa katapusan ng mundo ; ang Book of Revelation . Kung hindi kayo naniniwala ang sinabi ni Pope John Paul II 40 taon ang nakakaraan na inihayag niyas Congreso ng Philadephia 1976 pagdiriwang ng kalayaan, sinabi niya ngayon kayo ay nakaharap sa makasaysayan pagharap ng tao ; hindi iniisip ang malawak na paligid ng American society o sa buong kristiyano komunidad .Tayo ay nahaharap sa simbahan at ayaw ng simbahan, sa gitna ng ebanghelyo at ayaw ng ebanghelyo, sa gitna ni Kristo at ayaw kay Kristo. Ang paghaharap ay plano ng Banal na kalooban ng Diyos. Kung ganoon ang plano ng Diyos at ang pagsubok sa simbahan ay dalhin at harapin na may tapang.

 

Bagong Pagsisiwalat sa Pamamagitan Ng Eukaristiya

www.nrtte.net

Mangyari lamang na ibahagi ang mensaheng ito at website na may mga alam mo sa pamamagitan ng e-mail, social media, pag-print ang mga mensahe at salita ng bibig.

error: Content is protected !!