Bago Revelations Eucharist Sa

Tanggapin Ninyo Ang Aking Awa

Febrero 23,2013

Jesus: Ang aking mahal na si L.,

Lubos akong naantig sa mga salitang sinabi mo sa akin.

L.,ang inyong panaginip ay talagang karaniwan, napakaganda at ang mga bagay na nais kong gawin para sa iyo ,ngunit ang minamahal  kong L., isaalang -alang lamang iyon bilang isang pangako  .Isa sa  mga araw na ito, ipapakita ko sa iyo ang mga bagay na iyong ipinagdasal. Ibibigay ko sa iyo at papayagan kong maunawaan ang mga bagay-bagay. Subalit  sa ngayon hintayin ninyo ako, at hintayin ang tamang oras at ibibigay ko sa iyo ang daan na mas higit pa sa iyong ipinagdarasal sa sandaling ito.

Mahal kong L., ang mga bagay na iyong hinihintay, mga bagay na  iyong hangad ay napakabuti, ipagpatuloy mo ang paghihintay darating ako na dala ang mga bagay na iyong hinahangad. Subalit ngayon ukol sa mga bagay na iyong ginagawa at mga bagay na tinatanggap mo sa akin tungkol sa bagay na nag-umpisa at magpapatuloy sa darating na mga araw. Gusto kitang kasama at ang iyong puso na nakaturo sa mga bagay  sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ihahayag sa iyo, upang sundin ang tanda at maging handa na maglingkod, sumunod sa tanda at gawin ang trabaho na gusto kong gawin mo sa mundo.

Halina na tayong dalawa at tanggapin ang pagibig  na iyong nadarama sa iyong sarili, na gusto mong magtrabaho  sa aking ginagawa at bigyan ang mga kapatid na babae at lalaki, mga pari at mahal na kaibigan na aking mga anak sa lupa, may pagkakataon ng tumanggap, makarinig ng mga bagay na sinasabi ko sa kanila, upang anyayahan sila, upang gabayan sila para  makabalik sila sa ilaw. Ako ay naghihintay sa kanila araw-araw sa krus at hinihintay ko  sila sa pamamagitan  ng  Eukaristiya.

Mahal kong L., lahat ng nadadama mo sa iyong puso, huwag kang masyadong malungkot at huwag pumunta sa malalim na tubig, at gusto mong malaman kung tama o mali, , baka sakali kung hinahangad o hindi. Naunawaan at alam ko ang buhay ng mga tao. Alam ko ang kahinaan ng katawan ng tao . Hindi ko sila sasabihn na guilty. Gusto ko tanggapin ninyo ang isang bagay na aking  hinihiling ukol sa lahat ng bagay na nangyayari sa iyo sa sandaling ito, gusto kong madama ang iyong nadarama upang maisip at maranasan na tunay na matanggap ang totoo  na nanggaling sa akin, at sa mga bagay na nasa iyo, mga bagay na nagbabago  at ang pagbabago,ang luha, takot ,pag-iisip at ang kasalanan ng bawat tao araw-araw, malaki o maliit na kasalanan gusto ko madama ninyo ito sa inyong sarili. Bagaman kayo ang tao na aking napili  sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na puwede kong ibigay sa iyo kahit ano ang iyong hinihiling,gusto ko parin maranasan ang damdamin ukol sa mga tao na naranasan ang totoo sa isang sandali lalo sa nadamang pagibig na mayroon ako sa iyo, ang pagibig na mayroon ang tao,  nadadama ang maliit o malaking kasalanan, sa harap ng Diyos , sa harap ng mga bagay na ipinagkaloob ng Diyos sa iyo. Hindi lamang ito para sa iyo. Tinatawagan ko ang lahat ng kapatid na babae at lalaki, mga kapatid sa grupo na gusto ko rin maranasan ang  tunay na  madama ang damdamin,  maranasan ang buhay na para sa kanila, umibig, mabatid kung papaano umiwas sa mali at makita ang pagkakaiba ng dilim at liwanag,  makita  ang masama at banal at mga grasya.

Ang paraan na tinutukoy ay maliwanag, na dapat magsanay ang mga tao mga taong aking pinili,upang ang mga salita na sinabi ay totoo ang mensahe na ibinabahagi katulad ng mayroon tayo ngayon. Sa pamamagitan mo gusto ko at umaasa ako na hahayaan mo ako ng magsalita sa henerasyon na ito. Gusto kong ipahayag ang katapusan ng daigdig.  Sa pamamagitan ng Eukaristiya, talaga hinahayaan ko kayo na makita, marinig at madama at tumanggap ng grasya na aking ipinagkaloob sa mga tao. Kaunti lamang ang nakakaalam ng sekreto na madaling makuha ng mga tao para sa kanilang sarili ,sapagkat sa mga bagay na madamay s ila, ang mga bagay na mahalaga sa paningin ng mundo, hindi  nila makita ang grasya, hindi nila makita ang kaloolb na aking pinagpala sa kanila, mula sa simula.

Ngayon, ang mga tao ay pina-alalahanan sa mga salita sa pamamagitan ng mensahe at sa mga natuklasan, ng mga taong nakaranas ng mga bagay na ito, upang ibalik  sa henerasyon ito para pakinggan ng mga tao.

Ang henerasyon na iyong  nakaharap ay mga taong may paniniwala, mga  taong  malawak  na  bukas ang kanilang puso, nakikita ang kaligahan, ang grasya ng pagpunta sa mundo. Makikita nila ang kahanga-hanga at karaniwan bagay na kayang gawin ng bawat tao, upang masiyahan sa lupa,ang katawan, sa kanilang isip at dinagdagan ng kapayapaan na kanilang nadama at tinanggap sa  pamamagitan ng pahayag (decree) at utos ng Diyos na ibinigay sa kanila.

Mahal kong L., nais kong magpatuloy ka sa mga araw sa Lenten season na ito. Patuloy na dumating dito at ibubunyag ko sa iyo ang mga mensahe na nais kong ibigay sa mga tao. Kailangan kong makipag-usap sa mga tao dahil wala ng maraming oras na natitira.Huwag ninyong tingnan ang mga salita na hindi mahalaga. Ang mga bagay na nakita ng mga tao sa kanilang mata, ang mga bagay na nangyayari ngayon, pagkatapos ng daang taon,maski bihira ang mga bagay ay darating at ang mga tao makikilala sila sa darating na araw.

Ito ay paalala at ang tanda na kasama ang kapangyarihan ng Diyos ay inilahad sa mga tao upang maliwanag na makita na inilahad  ng propeta sa lumipas na panahon  at pinaalala ngayon na napili sa daang taon ang nakakaraan kayo ay kabilang sa kanila , ang tao na malapit sa akin na aking inihayag upang mabatid ang mundo.

Ito ang mga bagay sa pamamagitan ng propeta na aking napili na maghayag sa mundo. Sa hilaga, sa timog, sa kanluran, sa silangan , may mga imbitasyon at mensahe mula sa akin  para sa lahat. Kung naniniwala sila sa totoo o mali ito ay nakasalalay sa paliwanag na natanggap nila mula sa Banal na Espiritu, para malaman kung alin ang nagmula sa katotohanan at kung saan nagmula sa mga bulaang propeta,upang alugin ang kanilang pananampalataya sa kanilang buhay.

Kapag tinanggap nila ang aking salita, makikilala nila ang katotohanan, mga bagay na tunay kong sinasabi sa mundo.  Ang bawat isa makikita ng maliwanag ang  mga bagay na aking ipinakita  sa mga tao upang matanggap at marinig,upang magbago at magbalik sila sa akin sa aras, para matanggap nila ang aking Awa na inihanda kong   ibigay sa kanila sa mga darating na araw, para sa kanila  dahil sila ang sasagot sa hustisya at ang totoo sa  harap ko. Sa bawat isa gusto ko  ang mga matuwid na tao na tumanggap ng Awa, ang  masamang tao tatanggap rin ng aking Awa, maski ang mga taong nabubuhay sa kasalanan makakatanggap ng Awa. Wala akong sisishin sino man sa kanilang kasalanan. Ako ay darating at magsasalita sa mga tao, gusto ko ang bawat tao habang humihinga ay makapagpasya ng maliwanag upang piliin ang daan na dapat nilang sundin ,ano ang dapat nilang gawin sa daan patungo pabalik sa Diyos, magbalik sa liwanag ng Ebanghelyo, sa catesismo at sa Utos na Diyos sa mga tao. Lahat ay may pagkakataon na malinis kahit gaano karumi sila sa kasalanan.

Nangako ako na ililigtas ko ang bawat isa sa mundo,lilinisin sa aking Awa na galing sa mundo na wala ng natitirang araw. Ito ang huling grasya na aking ipagkakaloob sa pamamagitan ng bagong paghahayag, upang tanggapin ng mga tao at makinig sa mga banal, mga tao na bukas na tumanggap at makinig sa paghahayag na aking ibinigay sa mundo.

Ito ang mga salita na aking sinasabi sa mundo. Kung tunay kayong bukas na tumanggap ng salita, pagkatapos tingnan ang mga bagay na mayroon kayo sa buhay at tingnan ang  mga bagay na hindi ninyo ginagawa sa inyong buhay, ang mga bagay na iyon hindi ninyo nakakaharap, mga bagay na hindi kayo naniniwala at pinipili ang espirituwal na buhay para sa inyong sarili, mayroon kayong Mataas na Diyos, ang Diyos ng pagibig. Sino ako para sa iyo.

Sa isang sandali hindi pa huli subalit wala kayong oras na maghintay at umiwas. Kumilos na tanggapin, makinig , gumalaw na magbalik na nagsisising puso at tanggapin na iyong nadama noong tanggapin ang mensahe na aking inihayag sa pamamagitan ng aking Awa, sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya, sa pamamagitan ng Ebanghelyo . Damahin ninyo sa inyong puso kapag hinanap ninyo ang totoo, saka ninyo makikilala ang bagay na aking binasbasan sa mundo upang tumanggap kayo ng grasya sa katapusan ng  mundo.

Mga anak, ito ang mga salita na paulit -ulit kong ginagawa, ang mensahe na ibinigay ko sa mundo . Sana tanggapin  at pakinggan ninyo ang bagong paglalahad ukol sa katapusan ng mundo. Ang gusto kong sabihin, nasabi ko na, sana naunawaan ninyo at kumilos kayo at maghanda sa susunod na kabilang buhay para sa kaluluwa ng bawat tao sa lupa.

Paalam mga anak. Lubos ko kayong Mahal.

Ito ang huling salita na aking ipinaliliwanag kay L., ang salita na aking inihayag kaya L., bukas upang tanggapin at pakinggan. Ito ang katotohanan ukol sa aking pagbabalik sa Banal na Eukaristiya, sa kapangyarihan  ng Banal na Eukaristiya malapit sa tao sa mga milagro na nangyari upang makita ang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang totoo ukol sa aking pagdating sa mundo at sa katapusan ng mundo.

Sa  mga taong may paniniwala at naniniwala sa totoo, sa mga lumipas na araw at sa darating na araw, ang pamumuhay sana magbago sa pamamagitan ng Awa ng Diyos, sa Banal na Eukaristiya, maging karapat dapat na tumanggap ng aking pagmamahal na akin ipinagkaloob sa kanila sa sandaling ito,sa isip, sa katawan at kaluluwa ng bawat tao sa lupa.

Paalam mga anak

GOD THE FATHER

 

www.nrtte.net

 

 

error: Content is protected !!